Ford**
"All of you, Get out in this room!"
Sigaw ko matapos ang meeting sa conference room. Mabilis naman silang lumabas lahat maliban kay Liam."Liam, Sabi ko lahat lumabas."
"Come on Ford, Your being too much to her, Hindi ka man lang nag sorry sa kanya."
"Why would I say sorry for that stupid girl!"
"Stop calling her stupid."
"Why? She's really stupid." Sagot ko, pero nagsalita pa rin si Liam."She's my childhood friend Ford, So please atleast respect her."
"And that is out for this matter, Sige na Liam get out."
"Okay sige, Mauuna na ko. But atleast apologized to her." Lumabas na si Liam.
Hindi ko alam na may childhood friend pala siya at talagang si Ms. Chaves pa ha. Kaya pala first day pa lang niya eh close na sila.
Salamat naman at hindi na siya pumasok, Mawawalan na ko ng sakit sa ulo. Two days na siyang wala sa office simula nung magkasagutan kami.
And it feels so refreshing. Dahil wala ng mang iinis sakin.
Pumasok si Ana at sinabing nasa telephone si Mrs. Mendoza.
"Okay Ma'am thank you, And I'm sorry again." Sagot ko matapos kong kausapin si Mrs. Mendoza. So inayos pala talaga niya yung gusot niya dahil yun ang sabi ni Mrs. Mendoza at halos makonsensiya ko dahil alam kong hindi maganda yung mga nasabi ko sa kanya.
"So what brought you here?
Tanong ni Liam pagpasok ko sa opisina niya."Uhm.. I know,.
Don't worry she's going to be here tommorow."
Nagulat ako sa sinabi ni Liam, napatayo ako at lumabas na ng opisina niya. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit nasa opisina ko ni Liam.This girl is makes me crazy! Damn it.
Bigla ko na naman naalala yung sinabi ni Liam.
"Atleast apologized to her."
Bakit ba palagi na lang nag eecho yan sa isip ko nakokonsensiya ba ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi lang naman dahil kay Mrs. Mendoza kaya ko nagalit nung mga oras na yun.Na ang dahilan pa ay nakita ko si Drake kasama niya sa elevator. Naiinis akong hindi niya sinusunod yung sinasabi ko na iwasan niya si Drake.
At mas lalo pang nadagdagan yung galit na yun ng makita kong nagmamadaling lumabas ng opisina si Ms. Chaves at kasamang naglunch si Drake. Nagsabay sabay lang yung galit at inis ko kaya naibuhos ko kay Betty at sa kanya.
Ilang beses ko na siyang sinabihan na layuan niya si Drake pero hindi siya nakikinig sakin at yun ang kinaiinis ko.
Ewan ko ba everytime na nakikita ko si Drake, Nagfaflashback lahat ng ginawa niya.
Alam kong hindi ko naman masisisi si Trish na iwanan ako at piliin siya pero ang sakit na malamang si Drake pa yung pinalit niya sakin. At iniwan niya ko ng dahil kay Drake. Alam mo yung pakiramdam na hinihingian ko siya ng magandang dahilan kung bakit niya ko iiwan pero iisa lang yung sinasabi niya.
Bigla na lang hindi na kita mahal, Bigla na lang si Drake na yung mahal ko.
Alam kong ilang taon na rin yung lumipas simula ng iwan ako ni Trish pero pakiramdam ko ang sakit pa din. Lalaki ako hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero bakit ganun.
Masakit kasi kaibigan ko si Drake that time, Nagulat na lang ako siya na yung mahal ni Trish.
I don't love Trish anymore, Pero pakiramdam ko hindi ko pa sila napapatawad. Masakit pa rin yung ginawa nila. Siguro dahil hindi ako nabigyan ng magandang reason ni Trish kung bakit niya ko iniwan, Siguro dahil kahit sorry hindi ko narinig kay Drake kaya ganito yung nararamdaman ko.
Lumabas ako at nagdrive papunta sa bar. Gusto kong malasing, Gusto kong mawala na yung sakit na nararamdaman ko sa kanila ng sa ganun mawala yung galit ko.
Ang dami ko ng nainom pero hindi naman ako lasing, Ganito naman ako kapag masama loob ng umiinom hindi nalalasing, Nalalasing lang ako kapag beer na ang ininom ko.
Umorder ako ulit, pero this time beer naman. Ano pang silbi ng pagpunta ko dito kung hindi ako malalasing.
Napahinto lang ako ng matanaw ko sa malayo si Ms. Chaves with Alyana again. Tss! Ano bang bago ang makita sila sa bar, Lagi naman mabuti nga ngayon hindi nakikipag sayawan.
Wala ako sa mood ngayon awatin siya kaya nagpapasalamat ako at hindi siya nakikipag sayawan ngayon sa mga lalaki.
"Sir, Marami ka ng nainom..
"Just give me one bottle again!
Mabilis naman akong inabutan ng bartender ng beer.Nagulat naman ako ng may lumapit saking babae.
"Hey young man, Do you want something hot? Nakita kong nilagyan niya ng asin yung dibdib niya at binigyan ako ng lemon pati na rin ng shot ng tequilla."Sorry Miss, I'm not in the mood right now..
Pag iwas ko pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko binigyan niya ko ng shot ng tequilla at umaasang kukunin ko yung lemon at isasawsaw sa dibdib niya. Lalaki lang ako sino ba naman ako para tumanggi sa grasyang lumalapit. Mabilis ko yun kinuha at isinasawsaw sa dibdib niya tyaka ko siya hinalikan sa labi.This is really makes me crazy. Dahil lasing na ako eh hindi ko alam kung saan kami napadpad. Nagulat na lang ako ng magising akong katabi siya.
Shet. Ang sakit ng ulo ko, may pasok pa naman ako. Lumabas ako ng kwarto at iniwan na kung sino mang babae yung kasama ko. Alam kong nasa hotel kami pero hindi ko maalala kung paano kami napadpad dito.
Nagulat naman ako ng salubungin ako ni daddy pag uwi ko.
"You look so wasted Ford, Are you okay?
"I'm okay dad, nakainom lang kagabi."
Dinaanan ko si daddy at dumiretso na sa kwarto para maligo, Alam kong malalate na naman ako kaya nagmadali ako."Nga pala Ford, Trish call me yesterday.
Napalingon ako kay dad ng sabihin niya yun."She want's to talk to you.
"Tell her that I'm busy!"
sabi ko at lumabas na ng bahay.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
Roman d'amourKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.