"Let's break up Shine, I mean it."
Bigla akong napatingin kay Ford. Kaya napasigaw si Mike dahil hindi niya nakuhanan yung saktong sunset sa tamang ayos sana namin.
"Again again. Please cooperate guys. I really wanna go home."
Hinila ko ulit ni Ford palapit sa kanya at hinarap sa kanya, Tinignan ko yung araw malapit ng mawala pero kita pa rin naman.
Hinawakan niya ko sa leeg at tyaka hinalikan. Siguro mga isang minuto din yung tinagal nun tyaka sumigaw si Mike na okay na.
Iniwan na niya kami, Tinignan ko ulit si Ford pero hindi niya ko pinapansin. Pabalik na sana siya ng kwarto niya ng habulin ko siya.
"Babe, Please talk to me."
"Shine maghiwalay na tayo.
"Pero bakit? Kung gusto mo ko umuwi or bumalik sa bahay sige na babalik na ko, Just don't do this."
"Ang tagal ko ng pinagawa sayo yan Shine, Hindi ka naman nakinig. Then this is all I want and I'm sorry for doing this."
"Sorry for doing this? Ganun na lang yun Ford? Sorry lang?
Umiiyak na naman pala ko.
"Nasabi ko na yung dapat ko sabihin Shine."
Naglakad na siya palayo sakin pero nagsalita pa ko.
"Talaga bang si dad lang yung dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sakin?
"Shine enough, This is the last time na maguusap pa tay-..
"Bakit? Ganun na lang kadali yun? O baka naman dahil nagkabalikan kayo ng mahal mong ex..
"O baka naman din dahil nakuha mo na lahat sakin kaya ganyan na lang kadali sayo ang iwana-..
Dugtong ko pero hindi ako natapos dahil biglang sumigaw si Ford.
"Putcha naman! Sinabi kong tama na Shine! Anong nakuha lahat sayo kaya kita iiwanan? Kung yan lang yung dahilan ko matagal na kitang hiniwalayan Shine alam mo yan!
"Then ano nga? Hindi ko maintindihan, Akala ko yung galit mo nung nakaraan galit lang hindi ko alam na aabot sa ganito yung desisyon mo, Ano nagkabalikan na kayo ni Trish ganun ba?
Tanong ko, Paulit ulit ko siyang tinatanong at halos mawalan na ako ng boses.
"If I say yes, Titigil ka na ba Shine?
"No, Dahil alam kong hindi mo sasabihin yan."
"Yes Shine, We're back together and I'm sorry for doing this."
Sabi niya at iniwanan na ko dito sa baba. Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak dahil sa nalaman ko.
Hindi ko alam na nasa likod ko lang pala si Liam at pilit na akong pinaaakyat sa taas.
"Tapos naman na yung photoshoot di ba? Baka pwedeng umuwi na tayo please..
Umiiyak kong sabi kay Liam.
Tumango naman siya. Inayos ko ang gamit ko at sabay na kaming lumabas ng unit.
Sakto namang nakasalubong namin si Ford.
"Mauuna na sana kami sa Manila."
Si Liam, Hindi na naman tuloy napigilan ng sarili ko na hindi umiyak. Mabilis ko yung pinunasan at alam kong napansin niya yun dahil nakita ko siyang nakatingin sakin.
Naguusap pa sila kaya nagpaalam na ko kay Liam na mauna na sa sasakyan at hindi ko kayang makita si Ford na parang wala lang sa kanya yung pakikipaghiwalay niya sakin.
"Tell me ano ba talagang nangyari Shine?
Bungad ni Liam pagsakay niya sa kotse.
"Don't tell me sa kuha ng mga pictures niyo sa photoshoot hindi pa rin kayo okay?
Dugtong niya. Umiling lang ako.
"Ano bang nagawa mo? O nagawa niya, Bakit kayo nag awa-..
"Wala na kami."
Pagpuputol ko sa pagsasalita niya na kinagulat ni Liam.
"Huwag niyo nga kong pinaglololoko Shine, Sa photoshoot kanina okay naman kayo. Ano hindi ba kayo nakapagusap?
"Please Liam, I just want to go home."
"Sorry, Nag aalala lang naman ako sayo."
"I'm okay don't worry, Kila Alyana muna ko ihatid.
"Na kay Alyana ka naman ngayon?
Tumango lang ako.
"Kailan ka uuwi?
Tanong ulit niya.
"Liam please. Tyaka na tayo mag usap."
Nagulat si Alyana ng makita niya ko sa pintuan niya pero hindi ko na siya hinintay pa makapagsalita at dumiretso na sa kwarto niya.
Nakita ko pa silang nag usap ni Liam pero sadyang wala ako sa sarili.
Kinabukasan pag gising ko nakita ko si ate, Kausap ni Alyana.
Papasok sana ko ulit sa kwarto ng habulin niya ko at pigilan.
"Shine, Let's go home.
"Umuwi ka na ate, Hindi ako sasama sayo."
"Kahit pa ako ang sumundo sayo dito?
Nagulat ako sa nagsalita. Nakita kong pumasok din si dad.
Halos maiyak ako ng makita ko si dad, Hindi ko iniexpect na susunduin niya ko. Alam ko namang sinusundo niya ko dahil nakarating na sa kanya yung break up namin ni Ford. Pero sadyang mahina ako napayakap ako agad sa kanya. Namiss ko lang siya oo, pero hindi pa rin nawawala yung galit ko sa kanya dahil sa desisyon niyang makipaghiwalay ako kay Ford na ngayon ay natupad at si Ford pa ang tumupad nun. Tss!
Hindi na ko nagmatigas pa at sumama na sa kanila pauwi. Parang ewan naman si Alyana na naiiyak sa pag alis ko.
"Ano ba, Magkikita pa rin tayo okay! Huwag kang over. " Natatawa kong sabi, Sinundan niya kasi ko sa kwarto niya.
Nang makita niyang matatapos na ko mag ayos eh lumabas muna siya, Kausap niya sila daddy at ate.
Bigla ko tuloy naisip si Ford. Siya kaya yung tumawag kay dad na hiniwalayan niya na ko kaya nandito sila at sinusundo ako.
Parang ang bilis naman akong sinuko ni Ford, At ang sakit isiping binitawan niya na talaga ko ng hindi ko alam ang dahilan.
Di ko alam kung ginawa niya lang bang dahilan ang hindi ko pag uwi sa bahay para ibreak ako at maging malaya sila ni Trish.
Aissh! Umiiyak na naman ako, mabilis ko naman pinunasan yun dahil tinawag na ko ni Alyana.
Labis ang pasasalamat ni ate kay Alyana dahil sa pagkunsinti sa katigasan ng ulo ko este dahil sa pag aalaga sakin habang nasa kanya ko.
Nakita ko si dad na tumango kay Alyana bago pa kami makaalis.
"I'm glad you're back iha."
Si dad habang nasa byahe kami pauwi.
"As if naman hindi mo pa alam na wala na kami ni Ford, Katulad ng inaasahan mo dad natupad na naman yung kahilin-..
"Shine enough, Hindi pa nga tayo nakakarating sa bahay para na naman kayong aso't pusa."
Pag aawat ni ate.
Tumahimik na lang ako.
"Siguro dapat malaman mo na rin na ikaw na-..
"Dad..
Pag aawat na naman ni ate.
"What? Anong dapat ko malaman?
Sabi ko pero hindi sila nasagot. Pumatak na naman yung luha ko sa inis.
"You will be launching the Grand Velas Resort with Liam."
Napatingin ako kay dad. Hindi ko maintindihan.
"Me and Liam? What about Ford?
"He's going to Canada with Trish tomorrow."
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.
