Hindi ko alam na sa bahay pala ko dinala ng mga paa ko, Nahihirapan pa rin akong huminga dahil sa pag iyak ko. Lalo na't nandito ko sa loob ng kwarto ni daddy.
Napakasama na ba naming anak at hindi man lang namin naramdaman na may sakit na pala si dad. Ang sakit isipin na nawala ng ganung kabilis si daddy, Kaya pala halos malito ako sa mga sinasabi niya sakin kagabi.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak, Hindi ko kaya at hindi ako handa sa mga pangyayaring ganito. Ang sakit sakit!
Napahinto lang ako ng biglang may yumakap sakin, Si Alyana at ramdam na ramdam ko ang pag aalala niya sakin.
"Sssh.. Tama na Shine, Baka mamaya ikaw naman ang mapano."
"Masa..masama na ba akong anak?
Humihikbi kong tanong kay Alyana. Pero umiiling lang siya at niyakap ako."Stop blaming your self Shine, Hindi mo kasalanan at walang may gusto sa nangyari."
Halos magsunod sunod ang malakas kong pag iyak.Niyayaya niya ko kumain pero wala akong gana at hindi ko masikmura na kumain dahil hindi ko pa rin matanggap na wala ng daddy na magagalit sakin at manenermon palagi kapag uuwi ako ng late or hindi susunod sa mga gusto niya.
"You need to be strong, Si ate Summer hindi rin makausap. Ayusin mo ang sarili mo kailangan ka ni ate."
"Nasaan si ate?
"Nandun pa rin sa ospital, Kasama ni Liam.""Sino nag aasikaso kay dad?
Ayaw pa rin tumigil ng pagtulo ng luha ko."Tito Caloy is there."
"Sige na, Mas kailangan ni ate ng kasama. Susunod na lang ako Yana kapag okay na si daddy."
"No, Hindi kita iiwan-..
"Gusto ko sana kasing mapag isa, Hindi ko pa kayang makita si daddy."
"Are you sure? Wala ka namang gagawing hindi maganda right?
Hinawakan ni Alyana ang kamay ko, Tumango ako at yumakap sa kanya."Nandun lang ako kasama ni Ate Summer at Liam, Tawagan mo ko kapag kailangan mo ko okay?
Bilin niya bago niya ko iwanan. Hindi ko na naman mapigilang hindi mapaiyak lalo na ng makita ko yung picture naming tatlo nila dad at ate.Hindi ko alam na nakatulog pala ko sa kakaiyak ko at hindi ko halos maimulat yung mata ko dahil namamaga sa pag iyak ko.
Umaga na pala, Nakailang tawag na rin si ate. Hindi ko pa kaya magpunta parang pakiramdam ko magcocollapse ako kapag nakita ko si daddy sa loob ng kabaong.
Napatigil lang ako ng biglang pumasok si Liam si kwarto ni daddy. Mabilis rin niya kong niyakap nung makita niya kong nakahiga lang.
"Shine please, Alam ko malakas ka. Huwag namang ganyan sa sarili mo! Hindi ka na halos makakita sa pamamaga ng mata mo."
"Si ate? Kamusta?
Pag iiba ko ng usapan."Kahit isa wala pang kinakausap si ate Summer, So please lang bangon na kailangan niyo yung isa't isa Shine."
Halos sumakit yung dibdib ko, Alam kong mahina si ate pagdating sa mga ganitong sitwasyon at napatunayan ko na yun sa sarili ko nung araw na iwanan kami ni mommy."Shine, You need to be there. Kailangan ka ng ate mo at hinihintay ka ni Tito Wilson at hindi ng kahit sinong tao lang doon."
"Pero baka ako yung magcollapse Liam kapag nagpunta ako dun ng hindi ko pa kaya."
"Shine sige na, Hihintayin kita sa sasakyan ko. Kailangan ka ni Ate Summer."
Iniwan na ko ni Liam.
Hinanda ko yung sarili ko, Alam kong mas kailangan ako ni ate at mas importante yung nararamdaman ni Ate.Ang daming tao, Hawak hawak ako ni Liam habang naglalakad kami papasok sa loob ng wake ni daddy.
Mabilis naman akong sinalubong ni Alyana, Hinanap agad ng mata ko si Ate nakita ko siyang nakaupo sa gilid tahimik lang at yakap yung picture ni daddy.
Nakita ko ni Tito Caloy, Niyakap niya ko at inalalayang lumapit kay ate. Ayokong mapansin ng mga tao na hindi ko pa kayang silipin si daddy. Nag umpisa na naman tumulo yung luha ko ng makalapit ako kay ate.
Niyakap niya ko at hindi rin niya napigilan yung sarili niya na hindi umiyak.
"I'm sorry Shine, Hindi ko man lang naramdaman na may sakit na pala si dad..
Umiiyak niyang sabi habang yakap ako. Hindi ako makapagsalita dahil halos pumiyok na rin ako sa kakaiyak."Magpahinga ka na muna Summer, Nandito naman na si Shine para tumingin sa daddy niyo."
Maawtoridad na sabi ni Tito Caloy.Ayaw pa sana ni ate akong iwan pero sinabi kong okay na ko, Kaya natulog muna siya saglit sa loob.
Okay na ko kahit hindi, Pinipilit ko lang maging malakas. Tinitignan ko lang sa malayo yung kabaong ni dad at hindi ko pa kayang sumilip.
Nagpaalam sila Liam at Alyana na bibili lang ng ipapakain sakin kaya iniwan na muna nila ko. Naupo ako sa gilid, Tumutulo na naman yung luha ko.
Napahinto lang ako sa pagiyak ng makita kong palapit sakin si Drake, Niyakap niya ko.
"Sorry Shine, Nalate ako. May inasikaso lang ako."
Pinunasan ko yung luha ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya."Okay lang, Kapupunta ko pa lang rin naman."
"Almost two days pa lang Shine, Ang laki na ng pinayat mo! Kumakain ka pa ba?
"Wala rin naman akong gana."
Sagot ko. Hihilahin niya sana ko palabas pero pinigilan ko siya."Nagpapahinga si Ate, Hindi ko pwedeng iwanan si daddy."
"Tss! Just wait for me."
"Pero bumili na ng makaka-.."Ako ang bibili ng alam kong maka-kakain ka Shine!"
Sabi niya, Lumabas na siya ng chapel at iniwan na ko dito.Sakto naman ng pagbalik nila Liam at Alyana.
"Aalis na agad yun?
Nagtatakang tanong ni Alyana sakin."May bibilhin daw..
Inabot nila sakin yung binili nila, At himala yatang puro gusto ko yung pinagbibili nila at sinabayan nila kong kumain. Para pa rin akong baliw na bigla na lang natulo yung luha ko sakto namang kababalik lang ni Drake at may dala dala rin pagkain."Ubusin mo lahat yan Shine! Huwag mo naman sanang hayaang pati ikaw magcollpase!"
Umupo siya sa tabi ni Liam at hinayaan lang ako na kainin ko yung mga dala nila.Napahinto naman ako ng makilala ko yung bagong dating at papalapit kung nasaan kami nakaupo ngayon. Tatayo sana ko paalis pero pinigilan nila ko.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.