"Sabi ko na nga ba, Meron kang pinagkakaabalahang iba."
Galit na galit si Trish, Lalapit sana siya kay Shine pero pinigilan ko siya.Hinila ko siya palabas ng kwarto ko.
"Not here please.""What? Instead of saying sorry yan ang sasabihin mo to protect that bitch."
"What did you just say? Did you call her bitch? Please huwag mo kong bigyan ng dahilan para ipamukha sayo kung sino yung babaeng nasa loob ng kwarto ko Trish."
Hindi ko napigilan si Trish, Mabilis siyang nakabitiw sa pagkakahawak ko kaya nakapasok siya ng kwarto ko.
"Sa susunod na landiin mo yung boyfriend ko magpaalam ka ng maayos para malimusan kita ng pagmamahal niy-..
"Enough Trish, Mauna ka ng bumalik sa hotel susunod na lang ako."
"So kulang pa yung limos na binigay mo dito sa babaeng to' kaya magpapaiwan ka ganun?
Halos hindi ko mapigilan si Trish, Nagulat ako ng biglang tumayo si Shine.
Lumapit sakin at malalim akong hinalikan sa labi, Pakiramdam ko bibigay yung tuhod ko sa halik niyang yun at hindi ko namalayang sinasagot ko na pala yung halik niya. Pero mabilis lang din siyang bumitaw ng maramdaman niyang sinagot ko yung halik niya.
"See? Nakita mo ba kung paano ako halikan ng taong sinasabi mong nililimusan ako ng pagmamahal?
Hihilahin sana ni Trish yung buhok niya pero hinawakan niya yun at nagsalita.
"Ako ba talaga ang nanglilimos o ikaw? Tss! Baka hindi ka niya hinalikan ng ganun or kahit idikit man lang yung labi niya sayo hindi niya ginagawa kaya hindi mo alam yung pakiramdam ng taong humahalik sayo kung mahal ka o hindi."
Nagulat ako ng itulak niya si Trish na mabilis napaupo sa sahig.Mabilis na naglakad palabas ng bahay si Shine.
"Bumalik ka na sa hotel, Susunod na lang ako."
Palabas na sana ko para sundan si Shine pero hinawakan niya yung kamay ko."What susundan mo siya? Mas pipiliin mung sundan siya imbis na makasama ako?
Pagpipigil niya sakin, Pero tinanggal ko yung kamay niya at mabilis na sinundan si Shine.Lalabas na sana siya ng gate namin pero pinigilan ko siya.
"Hindi ka pa okay, Stay please. Nilalagnat ka pa.""Sa bahay na lang ako magpapahinga."
Mabilis siyang sumakay ng taxi at iniwan ako.Nanghihina ako, Pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko dahil wala akong magawa para piliin siya dahil naiipit ako sa obligasyong alagaan si Trish hanggang sa gumaling siya.
Hindi na ko bumalik pa sa loob, Baka kasi kung ano pa ang masabi ko kay Trish at ikasama ng kalagayan niya.
Tinawagan ko si Liam, Gusto ko ng makakausap. Dahil baka bumigay ako kapag hindi ko nalabas yung sakit ng nararamdaman ko.
"Tss, Himala yatang ako yung tinawagan mo to drink with you."
"Hindi ko na alam yung gagawin ko, I just want to run away from this nightmare."
Sabi ko habang tinutungga yung alak na inorder ni Liam."Alam mong hindi pa okay si Shine, So don't expect anything from her. Baka nakakalimutan mo iniwan mo siya for Trish."
"Pero may dahilan ako kaya nagawa ko yun."
"Dahilan na hindi ko alam at hindi rin alam ni Shine. Kung anuman yun alam mong ikaw lang makakagawa ng paraan para gumaan yung pakiramdam mo."
"Pero ayokong maging dahilan ng paglala ng sakit ni Trish yung gagawin ko."
"What?
Gulat na gulat si Liam na napatingin sakin."She's taking dialysis in Cana-..
"Canada...
Dugtong ni Liam sa pagsasalita ko."Lun-..
"Lung Cancer...
Dugtong ulit niya. Kaya napatingin ako sa kanya."Don't tell me that's the reason kung bakit iniwanan mo si Shine?
Seryoso si Liam."Damn it, Will you please stop the suspends. Tell me, Anong alam mo tungkol dyan."
"Hindi ako makapaniwalang tinuloy talaga ni Trish yang plano niya."
"Plano? Anong plano?
Naiinis na ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga sasabihin pa ni Liam."Trish called me bago siya dumating ng Pilipinas. And She's asking about you."
"I told her that you're okay, I told her that you're happy with my childhood bestfriend. I told her that you're finally over with her."
"Then I heard her laughing. She told me that she's very sure that you are not totally over with her.
I ask her why, Sabi niya once na gawin niya yung plano niya siguradong makukuha ka niya ulit. At nangyari nga Ford.''
"Plano? What do you mean?
Hindi ko alam na halos maubos ko na yung isang boteng alak habang nakikinig kay Liam."About that cancer thing, That damn brat. Hindi ko alam na tinulo-..
"So are you saying that Lung cancer and dialysis in Canada is not true?
Nanginginig kong tanong kay Liam.Hindi ko alam pero nabitawan ko yung baso kong hawak ng tumango si Liam.
"Trish told me that she did enough research about Lung cancer pero hindi ko alam na tinuloy niya pal-..
Hindi natapos sa pagsasalita si Liam dahil mabilis akong lumabas ng bar at sumakay sa kotse ko, Sinubukan akong pigilan ni Liam pero hindi niya ko nahabol.
Nanginginig ako sa galit at hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakita ko si Trish.
Nagulat pa sakin si mommy pagdating ko ng bahay ng dire-diretso akong naglakad papasok sa kwarto ko, Nadaanan ko yung mga gamit nila mommy at alam kong kararating lang nila ni daddy.
"Iho, Ano bang nangyayari? You're drunk."
Pag aawat ni mommy sakin ng malakas akong nakatok sa kwarto ko. Kilalang kilala ko si Trish at alam kong hindi siya babalik ng hotel ng hindi ako kasama kaya alam kong nandito lang siya."Ford ano ba? Natutulog na yan dun ka na lang muna matulog sa guest room..
"No mom, I need to talk to her."
Nanginginig pa rin ako sa galit."She's sleeping, You can talk to her tommor-..
Napatigil si mommy ng biglang bumukas yung kwarto ko."Sorry napasarap yung tulog ko kaya hindi ko naririnig na kumakatok ka."
Nagulat siya ng hawakan ko ng madiin yung dalawang braso niya."Ford nasasaktan ako, Ano ba."
Si Trish at pilit na tinatanggal yung kamay ko."Iho, Stop it. You're hurting her."
Narinig ko ang malamig na boses ni dad. Pero para akong bingi at lalo ko lang idiniin yung pagkakahawak ko sa kanya."Hurting her? I think dad she deserve this."
Pilit akong tinutulak ni Trish. Sinubukan ako hilahin ni daddy pero hindi ako nagpapigil.

BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.