26

40 2 0
                                    





Alam kong alas tres na ng madaling araw ng maihatid ako ni Ford kaya dahan dahan lang akong pumasok sa bahay. Nagulat ako ng hatakin ni ate yung kamay ko at hinila ako pababa ulit.

"Hinahanap ka ni dad, galit na galit Shine, Hindi ka na raw marunong umuwi ng bahay."

"Pero nandito na ko ngayon ate, Kakausapin ko na lang si daddy."
Tinanggal ko yung kamay ni ate sa braso ko.

"No hindi pwede Shine sabi ko nasa Batanggas ka para hindi ka niya hanapin. Hindi ka niya pwedeng makita dito bukas Shine. Malalaman ni dad na nagsinungaling ako."

Alam kong dapat ay magpasalamat ako kay Ate dahil pinagtakpan niya ko pero hindi ko maiwasan hindi mainis. Saan naman niya ko papupuntahin ng ganitong oras.

"Here magcheck-in ka na muna sabi ko two days ka pa dun, you can use my credit card anytime."

"Pero-..
Ayoko sana kasi mahihirapan akong pumasok sa trabaho kapag wala ako sa bahay pero hindi na ko pinagsalita pa ni Ate.

"Sige na baka magising pa si daddy malalagot tayo parehas."

Tinulak na ko ni ate palabas ng gate. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kanina pa ko nagpapaikot ikot sa loob ng village. Umupo muna ko sa park at nag facebook muna para tignan kung online si Alyana or Liam dahil sila lang ang naiisip ko na pwede tulugan dahil ayoko namang mag check-in sa hotel ng hindi ako lasing natatakot ako mag isa.

Sakto namang online si Alyana kaya nagchat ako.

Me :
Yana? Nasa Coal ka ba?

📩 From Alyana :
Nandito ko sa bahay kauuwi lang galing office kamusta ka? Okay ka lang?

Me :
Pwede ba kong makitulog muna sayo? Si Ate kasi eh.

📩 From Alyana :
Bakit anong nangyari?

Me :
Explain ko na lang later.

📩 From Alyana :
Nasaan ka? Susunduin kita.

Me :
Dito sa park ng village namin

📩 From Alyana :
Okay wait for me. Papunta na ko.

Mga ilang minuto lang dumating na si Alyana. Mabuti na lang at nandito siya ngayon sa condo niya hindi kami makikita ng parents niya dahil sigurado ako isusumbong din ako ng daddy niya kay dad, sinabi ko sa kanya kung anong yung ginawa ni ate pero hindi siya interesado dahil mas interesado siya kay Ford.

"Okay ka na ba about Ford? Drake told me everything."
Natahimik ako sa tanong ni Alyana habang nag iinom kami ng beer. Kahit saan talaga kami mapadpad ni Alyana hindi nawawala yung alak.

"Chismoso yung lalaki na yun."
Sabi ko at umupo sa tabi ni Alyana.

"Now tell me, Okay na kayo ng boyfriend mo!?"

"Okay na, Nakapag usap na kami."

"Mabuti naman, First time ko kasing mabalitaan na may kaaway kang boyfriend."
Sabi ni Alyana at tinawanan ako.

"Malamang, First time ko lang magseryoso nuh."

"Seryoso ka na?!"
"Sira, syempre. I can't lose him, He's my first."
Nagulat ako ng hampasin ako ni Alyana.

"Napakaharot mo hindi ako makapaniwala."

"Tss, This is my first time to do that alam mo yan sa dami ng nagtangka."

"That's good. I think you're inlove with him ngayon lang kita nakitang masaya."
Ngumiti lang ako at niyakap niya ko.

"Feel at home okay? I need to sleep Shine alam mo na maaga pa ko bukas." Dugtong niya at iniwan na ko dito sa sala ni Alyana dahil nga may pasok pa siya bukas sa company nila.

Kahit naman napakaalcoholic namin eh tumutulong siya sa company nila unlike me na puro happy happy lang ang alam kung hindi pa ko pinilit ni dad magtrabaho malamang nasa bahay lang ako at naghihintay ng oras ng pag gala ko sa gabi.

Pagkaubos ko ng beer ay natulog na rin ako dahil maaga rin ang pasok ko.

Paglabas ko ng kwarto kinabukasan wala na si Alyana at nag iwan ng notes.

Feel free to use my stuff Shine. Enjoy your breakfast."

Napatingin ako sa kitchen niya may pagkain na ngang nakaready, Ang sweet ng bestfriend ko.

Inabala ko muna ang sarili ko sa paghahanap ng masusuot sa closet ni Alyana. Whoa! Siya na ang office girl ang daming niyang damit na pang opisina kaya hindi naman ako nahirapang mamili.

Pagkatapos kong kumain at mag ayos ng sarili ko ay nagbyahe na ko papunta sa Artreum.

Nagulat naman ako ng makasabay ko si Liam sa elevator.

"Ate Summer keep on asking about you."
"About me!? Bakit? Nakalimutan na ba niya na pinaalis niya ko kagabi sa bahay!?
Naiinis kong tanong.

"Tinatanong niya kung saan ka daw natulog!!"

"Edi kay Alyana may iba pa ba!"

"Bakit hindi mo ko tinawagan kagabi para nasundo kita!?
Seryoso si Liam pero hindi niya ko tinitignan.

"Anong oras na yun tyaka si Yana lang ang online that time!

"Sa condo ka na umuwi mamaya!"
"Condo mo? No Liam!
Pagtanggi ko.

"At bakit hindi?
"Gusto mo bang sabunutan ako ng fiance mo dun!?"

Kahit na magkaibigan kami alam ko pa rin ang limitasyon ko bilang kaibigan niya at hindi ko hahayaan na ako yung maging dahilan para may mapag awayan sila ni Faye.

"Para namang hindi ka kilala ni Faye baka naman nagdadahilan ka lang because you want to be with Alyana dahil nagagawa mo ang gusto mo!!"

"Kahit ano pang isipin mo,  Ayokong maging dahilan para mag away kayo ni Faye."

"You're always like that Shine, Bahala ka sa buhay mo tutal naman hindi ka nakikinig sakin!"

"Hindi naman sa hindi nakikinig Liam, I know my limitation when it comes to you and I'm hoping na maiintindihan mo ko please."

"Bahala ka, Kung yan ang gusto mo."
Sabi niya mukha namang wala na siyang magagawa. Sabay na kaming lumabas ng elevator at naghiwalay ng hindi nag uusap.

Nagmamadali akong pumasok ng opisina ko dahil iniiwasan kong makita ako ni Ford na late na naman pumasok.

Nagulat naman ako pagpasok ko ng makita si Ford na nakaupo sa couch at nangangalikot sa cellphone niya.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon