Pagkatapos niya kong bigyan ng copy ng design ng Grand Velas ay lumabas na ko ng opisina niya. Pakiramdam ko masusufocate ako sa loob dahil sa kadaldalan niya na halos hindi ko naman maintindihan dahil busy ako kakatitig sa kanya.Alam naman pala niya yung gagawin sa Grand Velas ano pang silbi ko dun. Sinalubong ako ni Ana at hinatid ako sa opisina ko.
"This is your office Ma'am Shine and she is Betty your secretary."
Sabi niya pagpasok namin."Okay Thank you, Shine na lang ulit ha, By the way nice meeting you Betty."
Sabi ko at umupo na sa upuan ko. Lumabas na sila kaya pinaiikot ikot ko muna yung upuan at inienjoy ang pagiging office girl ko habang hinihintay si Liam na puntahan ako dahil alam kong hindi ako hahayaan magutom nun dahil lunch time na."Hindi ganyan ang pag gamit ng swivel chair, At hindi yan pinagamit sayo para lang sirain mo." Bigla akong napatayo ng may nagsalita. Ang yabang nito palitan ko pa upuan niyo eh.
"Sirain agad? Hindi ba pwedeng matumba muna ko bago masi---..
Napahinto ako ng malakas niyang nilagay yung mga papel sa lamesa ko."That's the idea for making a proposal for Grand Velas Resort. Be ready for your presentation tommorow."
"Presentation? Proposal? Bakit ako lang gagawa? Di ba dalawa tayo dito."
"Sinabi ko bang ikaw lang? After lunch pumunta ka sa opisina ko may pupuntahan tayo."
Sabi niya at lumabas na ng opisina ko. Ang init ng dugo sakin? Hindi makamove on sa ginawa ko sa interview, pinag iinitan ako agad.Mabilis naman akong tumayo ng pumasok si Liam sa opisina ko. Hinila ko agad siya papunta sa cafeteria.
"Sabi ko na hindi mo ko matitiis magutom."
"Kumain na ko Shine, Kumain ka ng madami dahil may date pala kayo mamaya ng partner mo."
"Date? Asa ka pa. Mukha namang bakla yun hindi naaakit sa mga sinasa--..
"Kapag narinig ka nun, Napakataklesa mo talaga." Mabilis na tinakpan ni Liam yung bunganga ko.
"Eh ano? Hindi naman ako natatakot sa bakla niyong CEO!!"
Nagulat ako ng tapakan ni Liam yung paa ko at may tinuturo sa likuran ko."Sinong Bakla?
Halos mabulunan naman ako ng may umupo sa harapan ko at nagsalita."Ah eh---..
Hindi na ko nagsalita pa tinulak ko siya at tumayo ako para tumabi kay Liam."I want you in my office now!"
Sabi niya bigla akong kinabahan pero mas pinili ko na asarin na lang siya ulit."There you are, Now you want me? sabi ko na eh type mo ko."
"Tss! Stop being assuming Ms. Chaves! In my office now!!"
Sigaw niya. Bigla akong natakot imbis na mainis eh tinulak ko na lang si Liam."Liam, Kita daw kayo sa offi-..
Sabi ko pero napahinto ako ng magsalita ulit siya."I'm talking to you Ms. Chaves!"
"Ha ako? Ba-bakit?
"Now!" Sigaw niya kaya mabilis akong sumunod sa kanya.Nakita kong tinatawanan ako ni Liam.
"Assume pa more Shine!"
Pang aasar ni Liam. Nakakainis hindi pa nga ko kumakain nagugutom na ko tapos papatawag niya ko sa opisina niya sa oras ng break ko."Saan ba tayo pupunta sir? Akala ko ba sa opisina mo?
"Sa Grand Velas Resort to check the site, Wala na tayong oras."
Sabi niya at pumasok na sa loob ng kotse niya."Ah ikaw lang sir? Sige mag ingat ka dun."
Pagbibiro ko dahil hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya."Ms. Chaves sakay!"
Binuksan niya yung bintana at tinawag ako. Sa backseat na ko umupo dahil alam ko namang pikon na pikon na siya sakin. Pero natutuwa kong inaasar siya at ngayon lang ako natuwa mang asar ng lalaki."Are you always like that?
"Like what sir? For being beautiful? Ofcourse I am."
"I don't care for that beauty anyway!"
Sagot niya habang nagmamaneho siya."Kung maka I don't care ka naman, Baka someday kainin mo yang sinabi mo."
Bigla akong natawa sa nasabi ko nakita kong napangisi siya pero hindi na niya ko pinansin pa napikon ko na ata.Nagugutom tuloy ako, Hindi pa naman ako nakakain kanina kung bakit ba naman kasi naisama ako agad agad dito. Napakaswerte talaga ng first day ko sa trabaho kung sana hindi ko inayos yung interview edi sana wala ako dito. Kung hindi lang sana sinulsulan ni Ate si daddy edi sana magkasama kami ngayon ni Alyana at nagpapakalasing na. Aissh!
Bigla tuloy ako nahiya ng marinig kong tumunog yung tyan ko sa gutom. Alam kong narinig din niya yun dahil tinignan niya ko. Umiwas lang ako ng tingin dahil sa kahihiyang dulo't ng tyan ko. Alam kong Batanggas pa yung resort kaya medyo naiinis ako dahil dun lang ako makakain pagdating.
Nagulat ako ng idaan niya yung kotse niya sa isang fastfood. Nagdrive thru siya at ibinigay niya sakin yung inorder niya.
"Akin to?
"Kanino pa ba? Pagsusungit niya.
"Masama loob? Hindi kaya sumakit yung tyan ko dito?
Nagulat ako ng hatakin niya ulit yung plastik na may lamang pagkain."Thank you lang ang sasabihin mo sa mga sitwasyong ganito!!"
"Sir naman binibiro lang kit-..
"Pwes hindi ako nakikipagbiruan!
Binalik niya sakin yung binili niya at tuwang tuwa naman akong kinuha yun."What are you doing?
Tanong niya ng makita niyang tinapay lang yung kinakain ko sa hamburger na binili niya at hinihiwalay ko yung patty."I don't like mayo and ketchup."
Sagot ko. Pero nagulat ako ng itabi niya yung sasakyan."Let me do it." Kinuha niya yung hamburger at pinunasan ng tissue sa ibabaw yung patty at ibinalik sa tinapay na kinakain ko.
"Ano pang makakain mo kung pati patty tatanggalin mo." Pinaandar niya na ulit yung kotse.
"Ikaw pwede ka bang kainin."
Pagbibiro ko pero halos masubsob ako ng malakas niyang ipreno yung sasakyan."Tama na nga! Stop teasing me. Hindi ka na nakakatuwa."
"I'm not teasing you. Bakit naaasar ka na ba? Hinawakan ko siya sa balikat para asarin lalo pero hinawi niya yun.
"Kung ibang lalaki ang kasama mo ngayon baka kanina ka pa pinatulan."
Hininto niya yung sasakyan sa site ng Grand Velas at mabilis na bumaba.Bakit kaya napaka walang kwenta niyang lalaki. Hindi man lang ako pinagbuksan ng sasakyan.
Mukhang malaki laking project ito, Hindi pa nauumpisahan pero pakiramdam ko ito na yung katapusan ng pagiging happy go lucky ko with Alyana.
"Aralin mong maigi, I need your presentation tommorow."
Tss! Hindi niya naman kailangang ulit ulitin sakin na bukas na ang presentation. Nilagay ko yung earphone sa tenga ko habang nagsasalita siya.Ako naman kasi sa unang tingin ko pa lang ng isang lugar alam ko na kung paano at ano ang pwedeng gawin. Kaya nga ayaw nila daddy masayang yung pinag aralan ko dahil alam nilang kahit gaano pa ko kamaldita may maibubuga ako bilang isang Architect.
"Your not listening to me, Alam mo na ba ang gagawin mo?
Tinanggal niya yung earphone sa tenga ko."Gusto mo bang ulitin ko lahat ng sinabi mo?" Sabi ko at inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.
"Bakit pinapaulit ko ba sayo? Ang sinasabi ko lang aralin mong maigi yung lugar para alam mo kung paan---..
Tinulak niya yung mukha ko, Napahinto siya ng harangan ko ng daliri ko yung labi niya."Bakit sa lahat ng nagagalit ikaw ang pinaka gwapo? Pang aasar ko pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko.
"Hands off, Ang baho ng kamay mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/137345170-288-k839354.jpg)
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.