36

43 2 0
                                    

Ford**

"Mr. Tan is waiting for your proposal, Bakit hindi mo pa inaasikaso!?"

"Matatapos naman na ako, Maybe next week we can set a meeting na with Mr. Tan."
Sagot ni Liam at umupo sa couch.

"Next week? Nababaliw ka ba? That's unfair. Alam mo bang isang araw lang nagprepair si Shine sa proposal niya kay Mrs. Mendoza lasing pa siya nun ah."

"I'm not Shine, Tss! Your crazy inlove with her."
Naiiritang sabi niya. Natawa ako, Nga naman bakit ko ba naisingit si Shine dito.

"Okay, Just let me know kung ready ka na."
Palabas na sana siya ng magsalita ulit ako.

"Nga pala, Why are you not talking to Shine? Nag away ba kayo!?"
Dugtong ko, napahinto siya at bumalik sa harapan ko.

"Bakit hindi yung girlfriend mo yung tanungin mo?"

"Oh come on, Totoo ba ito? You're really pissed to your bestfriend."
Pang aasar ko pero hindi niya ko pinansin.

"By the way kailan ka off? Inom tayo."
Nagulat ako, This is the first time na yayain niya ko mag inom. Kadalasan kasi ako yung humihila sa kanya para magpakalasing.

"Bukas off ko, Kaya lang babe time eh."

"Tss! Edi isama mo, Tutal naman hindi na siya nauwi sa bahay nila."

Napatigil ako sa sinabi ni Liam. Palabas na sana siya pero hinila ko siya ulit.

"What do you mean hindi nauwi?"
Nakita kong napalunok si Liam, ayaw sana niyang magsalita pero hindi ko siya tinigilan.

"Naglayas siya, almost one week na Ford, you didn't know?
Bigla kong nahilamos yung kamay ko sa galit. Bakit hindi ko alam, bakit hindi man lang niya sinasabi sakin at saan siya nauwi all this time.

"Don't tell me you're not aware what is happening to your girlfriend!?"
Bigla akong nakaramdam ng inis.

"Magtatanong ba ako kung alam ko!? Bakit hindi niya sinasabi sakin!?"

"I know Shine very well, Ayaw niyang pinoproblema siya ng ibang ta---..

"Pero hindi ako ibang tao! That's bullshit!!"
Mabilis akong lumabas ng opisina ko, iniwan ko si Liam at pinuntahan si Shine sa office niya pero wala siya.

Tinignan ko siya sa conference room pero wala rin, Sinubukan kong tawagan pero hindi niya sinasagot. Nakakailang ikot na rin ako sa hallway pero hindi ko pa siya nakikita at nakakadagdag ng inis ko yun.

"Hinahanap mo girlfriend mo!?"
Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko habang paulit ulit ko na dinadial yung number ni Shine.

"Not now Drake!"
Pag iwas ko dahil alam ko namang lagi kaming nagpapang abot kapag nagkikita or nag uusap kami.

"What? I'm just asking you, Don't tell me hindi mo talaga alam kung nasaan siya!?"

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na palayo sa kanya pero napahinto ako ng magsalita ulit siya.

"She's in the rooftop. Tss! Sa bagay magtataka pa ba ako na hindi mo alam kung nasaan siya? Hindi mo nga alam kung anong nangyayari sa kanya!"
Hindi ko mapigilang hindi mainis, Mabilis ako naglakad palapit sa kanya para sana suntukin siya pero inawat ako ni Liam.

"Tumigil nga kayo, Naturingan kayong mga board member!! Irespeto niyo mga empleyado niyo!!"
Kinalas ko yung pagkakahawak ni Liam sakin at naglakad na paakyat sa rooftop.

Nakita kong nakayuko sa tuhod niya si Shine kaya lumapit ako. Alam kong gising siya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit.

"Ihahatid kita mamaya pag uwi mo."
Nagulat siya kaya napatingin siya sakin.

"Paano mo nalamang nandito ako?
"Edi sa ibang tao, Hindi ka naman nagsasabi sakin ng nangyayari sayo."
Naiinis kong sagot, nagtataka siyang napatingin sakin.

"Sorry, Gusto ko lang magpalamig dito."

"Halika na, Ihahatid na kita."
"Huwag na nga babe, Magkita na lang tayo buka---..

"Kailan mo balak sabihin sakin na naglayas ka pala!?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo."

"Paninindigan mo talaga yung pagsisinungaling mo sakin Shine!?"

Nagulat ako ng yakapin niya ko.
"Sorry, I don't want you to be worried."

"Tang inang I don't want you to be worried na yan! Sarili kong girlfriend hindi ko alam ang nangyayari!"

"Hindi mo naman kasalanan babe, Hindi mo alam kasi tinago ko say---..

"Sakin tinago mo, Kila Liam at Drake hindi ganun ba? Mas pinagkakatiwalaan mo sila kesa akong boyfriend mo ganun ba Shine!!?"

"Ford, pwede ba magrelax ka muna please..
"How can I calm down Shine, Ginagawa mo kong tanga sa ginagawa mo."

"Dad wants me to stop dating you."
Napahinto ako sa sinabi ni Shine.

"Kaya hindi ko masabi sayo ang dahilan dahil ayokong maapektuhan tayo ng dahil lang sa gusto ni daddy."

"Pero---.. Napakaimposible naman okay na kami sa resort ni Tito Wilson."

"Yun ay dahil ayaw niyang manggaling sa kanya babe, at dahil gusto niyang gawin ko yun naglayas ako dahil wala akong balak sundin yung sinasabi niya."

"Tinanong mo ba kung bakit gusto niya na makipaghiwalay ka sakin!?"

"He told me na para sakin daw yun, Pero hindi niya iniisip kung ano yung mararamdaman ko!!"
Umiiyak na si Shine at hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

Napaka wala kong kwentang boyfriend, Hindi ko man lang nararamdaman na may pinagdadaaanan na pala siya.

"Pero Shine hindi mo kailangan maging masamang anak para lang sakin, So please go home."

"No, I'm not going to go home Ford, Kapag ginawa ko yun pipilitin lang niya ko makipaghiwalay say---..

"Sssshh! We are not going to break up okay? But I want you to go home, Don't make your life miserable just because of me."

"Babe, please just let me leave like this gusto kong maramdaman na ako naman ang magdedesisyon para sa sarili ko, Hindi na lang ito para satin para na rin sa sarili ko ito."

"Sa ginagawa mo lalo mo lang binibigyan si Tito Wilson ng dahilan para paghiwalayin tayo Shine."

"Kahit umuwi ako o hindi, Hindi na mababago pa yung desisyon ni dad Ford, So bakit ko pa papagurin ang sarili ko to please dad."

Naiinis ako, Bakit sobra kong nagpakapanatag na tanggap na kami ni Tito Wilson. Hindi ako handa para sa ganitong sitwasyon at hindi ko naman inakalang tututulan kami ng daddy niya dahil okay naman kami ni Tito Wilson kahit nung hindi ko pa kilala si Shine. Kaya nga siguro masyado kong napaniwala sa resort na okay na ang lahat, Ang hirap isipin na ngayon na lang ako ulit naging masaya tapos ganito pa.

"Halika na, Ihahatid kita sa inyo Shine please."
"For once listen to me..
Dugtong ko.

"No babe, I'm not going to go home."

"Kung hindi ka uuwi ngayon sa inyo, Much better na huwag na muna tayong magkita o mag usap Shine."

Tumingin siya sakin, Mabilis na tumulo yung luha niya. Shet! Ang sakit pero kailangan ko siya tiisin para lang maintindihan niya na hindi tamang nagiging ganyan siya dahil lang sakin.

Sinubukan niya pa hawakan yung kamay ko bago ko umalis pero binitawan ko yun.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon