49

35 1 0
                                        


"Stop doing this to me Ford please, Lalo mo lang pinapabigat yung nararamdaman ko."
Tinulak niya ko at naglakad palayo pero binalewala ko yun at sinundan siya, Pinilit kong maisakay siya sa sasakyan ko.

Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi mag alala sa kanya. Lalo na ng makita ko yung mga mata niya, Punong puno ng sakit at nararamdaman kong napakabigat ng dibdib niya at hindi ko kayang tiisin na maramdaman niya mag isa yun.

Paulit ulit niya kong pinagtatabuyan pero naiintindihan ko, Ano pa bang inaasahan ko? Napaka espesyal ko naman kung ganung kadali lang mawawala yung galit niya.

"Please Ford, leave me alone."

"You're drunk, Just let me take care of you."

"Take care of me? Wow! Coming from you? Gusto kong malaman mo na wala ka ng karapatang alagaan ako simula nung iwanan mo ko."

"Shine!!
Sigaw ko kaya napatigil siya.

"Just until the wake of your father please."
Sabi ko.
Wala siyang nagawa kaya hinayaan niya na lang ako.

Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho ako. Magang maga ang mata niya hindi ko napansin na nakatulog na pala siya habang nagdadrive ako.

Dumiretso ko sa bahay, Gulat na gulat si mommy ng makita niyang si Shine ang buhat ko .

"My god iho, Bakit si Shine ang kasama mo at hindi si Trish?
Si mommy habang inalalayan ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

"Mamaya na ko magpapaliwanag mom, Aayusin ko lang siya then lalabas ako ng kwarto."

Lumabas ng kwarto si mommy, Kumuha ako ng tshirt ko at pinalitan siya ng damit. Lasing na lasing at parang wala sa sarili, Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon ni' hindi ko alam kung papaano niya kakayanin yung libing ng daddy niya bukas
Pinunasan ko siya ng towel.

Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko.
Nakapikit at dinuduro duro yung mukha ko.

"Alam mo..
Alam mo.. Oh-okay naman sana..sana tayo eh, Hindi ko lang matanggap na bigla mo kong iniwan..iniwan ng hindi ko alam ang dahilan!"

"Parehas lang kayo ni daddy! Napakabilis para sa inyo ang iwanan..iwanan..ako."
Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya bago pa siya tuluyang makatulog.

Pakiramdam ko tinutusok ng paulit ulit yung puso ko dahil sa sakit na dulot ko kay Shine, Pero wala akong magawa para mabawasan yun.
Kinumutan ko siya at lumabas ng kwarto, Nakita ko si mommy na nag aabang sakin.

"Iho, Ano bang nangyari? Okay lang ba siya?

"Okay na siya mom kasi tulog siya, Pero bukas pag gising niya hindi ko alam kung kaya niya yung mangyayari."

"Don't worry iho, Magiging okay din siya she just need time to face the reality."

"But mom, Why do I feel guilty?

"Because you love her, And I know that and I feel that. Pero hindi pwede bacause of Trish."
Napatingin ako kay mommy, Nahilamos ko yung kamay ko sa mukha ko.

"Tss! Iho, Take it easy okay? Everything will be okay."
Tinap ni mommy yung likod ko at iniwan na ko dito sa sala.

Sinilip ko si Shine sa kwarto ko bago ko natulog pero napakahimbing ng tulog niya at masaya ko na nakatulog siya ng maayos ngayon dahil kailangan niya ng lakas para bukas, Alam kong magiging mahina nanaman siya dahil sa libing ni Tito Wilson bukas.

Naamlimpungatan lang ako ng biglang bumangon si Shine.

Hinila ko yung kamay niya pero bumitaw lang siya.
"Wala dapat ako dito, Ano bang nangyayari."

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon