"Ihahatid na kita."
Sabi niya pero malakas kong hinablot sa kanya yung susi ng kotse ko."Kaya ko okay? I don't need you!"
Nagulat ako ng pilit niya kong isinakay sa kotse ko."I told you to stop drinking without me."
"Hindi naman ako lasing Ford sige na bumaba ka na.""No, Ihahatid na kita."
"Bakit ba ang kulit mo? Doon ka na lang sa Trish mo okay? Hindi kita kailan-.."Tinawagan ako ni Trish kagabi sabi niya pinasok yung unit niya."
"Baka pinasok mo?
I smirked. Nang gigigil talaga ko sa ginawa niyang pagsisinungaling."Pinasok ng magnanakaw I mean, Pwede ba Shine enough for being pilosopo!"
"Whoa!! Ikaw pa talaga nagagalit ngayon?"
"Tinulungan ko lang siya then nakiusap siya na kung pwede samahan ko siya hanggang umaga dahil baka bumalik daw yung magnanakaw."
"So security guard ka na ngayon ng mahal mo?
"It's not like that. I don't even talk to her nung nandun ako, Nasa sala lang ako then nasa kwarto siya.""Ikaw ang mahal ko Shine wala ng iba believe me please."
Niyakap niya ko pero pilit ko lang inalis yung kamay niya."I know you're just being jealous kaya nagkakaganyan ka, Enough babe trust me okay!?"
"Nagseselos nga ko, Bakit may magagawa ka ba para tanggaling yung selos na nararamdama-..
Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi at nilagay yung palad ko sa tapat ng puso niya.
"Pakinggan mo ngang maigi yung tibok ng puso ko kung gaano kasaya dahil nandito ka ngayon sa harapan ko nugging at me dahil nagseselos ka."
Ramdam na ramdam ng palad ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Ford at hindi ko maiwasang hindi kiligin na naman.
Okay this man is killing me. Bakit sa konting paganun ganun lang niya eh nawawala agad ang galit ko. Haist I need to trust him at kailangan kong maniwala sa sinabi niyang mahal niya ko.
"I just want to apologize for lying to you, Di na mauulit promise babe."
"Talagang hindi na dapat maulit Ford Ramirez!"
Napangiti siya sakin ng tawagin ko siya sa buong pangalan niya. Hinawakan niya ko sa kamay habang nagdadrive siya. Hindi na ko nag inarte pa dahil unti unti na rin naman nagprocess sa utak ko yung paliwanag niya kanina."For now you need to go home babe, I'm sure Tito Wilson is waiting for you."
Sabi niya.Mabuti na lang at medyo maaga pa nung pauwiin ako ni Alyana. Hindi na ko nagpahatid pa sa tapat ng bahay. Ibinaba ko si Ford kung saan siya pwede mag taxi pauwi.
Pagdating na pagdating ko pa lang ay sinalubong na ko ni ate.
"Mabuti naman nakauwi ka na."
"Ofcourse, Ang hirap kayang makitulog kung saan saan!"
Sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko."Nga pala nasaan si daddy?
Lumabas ako ulit ng kwarto at pinuntahan si ate sa sala."Nasaan pa nga ba? Edi nasa business trip."
"Sabi ko nga eh, Bat pa ba ko nagtatanong."
Sabi ko."Maiba ko, Are you dating with Mr. Ramirez!?"
Napatingin ako sa kanya pero nginingitian lang niya ko."Ha? Ofcourse not."
Pagsisinungaling ko pero kinikiliti lang ako ni ate."Umamin ka na, Liam told me everything."
Napakadaldal talaga ng lalaki na yun, Inunahan pa ko magsabi kay ate.
"Sabihin mo na kay dad yan, I'm sure matutuwa yun."
"Matutuwa? As if naman may pakialam yun." Sabi ko."At isa pa mainit pa dugo sakin ni dad dahil sa pagbabar ko gabi gabi."
"Then you should stop doing that."
"Enough okay? Ford already told me about that."
Napahinto si ate at niyakap ako."Really? As if naman susunod ka rin sa kanya di ba?
"What if magawa ko!?"
"Then very good."
Sabi ni ate at tinapik yung balikat ko."Very good lang? Walang reward?
"Reward? Ano ka graduate?
"Oo, graduate sa pagiging party girl."
Pagbibiro ko."Okay, Ano bang reward ang gusto mo?"
"Hayaan mong ipadala ako ni dad kay mommy."
Napatingin si ate sakin.Alam kong nagtataka siya pero gusto kong makilala si mommy kahit na iniwan niya kami dahil lang may ibang asawa na siya. Gusto kong buuin yung sarili ko at alam kong makakatulong si mommy sa pagbabago ko, kahit na may galit din akong nararamdaman sa kanya eh iba pa rin kapag nakilala ko siya.
"No Shine, Mas okay na sakin ang mag inom ka na lang kesa makilala mo ang nanay mo."
"Nanay natin ate."
"Matagal na tayong walang nanay, Ewan ko ba sayo bakit pinagpipilitan mong makilala yang walang kwenta mong nanay."Ramdam na ramdam ko yung galit ni ate, Kung meron man nasaktan nung umalis si mom ay isa na dun si ate dahil nasaksihan niya kung paano magmakaawa si dad kay mommy dati huwag lang niya kaming iwan.
"So ayaw mo?"
Tanong ko.
"Ayoko! Mag inom ka na lang gabi gabi mas okay pa."
Sabi niya at iniwan na ko dito sa sala. Tss! Sinubukan ko lang naman kung papayag siya. Kahit naman hindi ako ipadala dun ni dad gagawin ko ang magbago dahil yung ang gusto ni Ford at gusto ko rin para sa sarili ko.Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko yan. Love is in the air! Nagagawa ng pag ibig ko kay Ford. Tss!
Ilang araw na rin akong hindi magkanda ugaga dito sa opisina. Ang daming ginagawa lalo na ngayon na sobrang lapit na ng launch ng Grand Velas at alam kong kailangan namin maghanda para dun dahil halos ilang buwan din namin pinagpaguran ang resort.
Isang linggo na rin nasa Batanggas si Ford para icheck ng mabuti yung Grand Velas. Tss! Ni hindi na nga ko maalalang tawagan. Masyadong nalilibang dun kasama yung secretary niya. Naisip ko na puntahan siya dun dahil wala na rin naman akong ginagawa. Mabilis ko lang naman natapos yung mga supporting documents para sa Grand Velas.
Pagdating na pagdating ko dun eh dumiretso agad ako opisinang pinahiram sa kanya ni Mrs. Mendoza habang nandoon siya.
Hindi ko alam pero bigla na lang nanginig yung buong lamang loob ko sa nakita ko pagpasok ko ng opisina niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/137345170-288-k839354.jpg)
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomansaKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.