Shine's POV
Nagulat ako ng hampasin ako ni ate sa braso. Nailipat na ako sa private room at isang araw na lang ay lalabas na rin ako ng ospital.
"Sa susunod na ulitin mo yan Shine at hindi ka nakaligtas, Promise susunod ako sayo agad agad."
"Huwag ka ng mag alala, okay na ko and I'm sorry."
"Shine, Alam mo naman na hindi matutuwa si dad kung nabubuhay pa siya. The reason kung bakit nagpakasipag si daddy sa company is because of us. Kaya sana huwag mo ng ulitin yan."
"Nakakainis lang na iniwan na niya tayo agad."
Hindi ko alam na tumulo na naman pala yung luha ko.Pinunasan yun ni ate,
"Stop being like that, Isipin mo na lang nasa maayos na si daddy at binabantayan tayo sa mga masasamang loob na tao."Kukuha na sana si ate ng maiinom ng biglang bumukas yung pinto, pumasok si mommy at bigla akong niyakap.
"Katulad na lang ng mga taong kagaya nyan."
Lumamig ang boses ni ate."Anong ginagawa mo dito?
Tanong ni ate sa kanya.Tinanggal ko ang pagkakayakap niya. Naalala ko bigla yung narinig ko sa labas ng ICU. Magkasama sila ni Trish sa panloloko kay Ford dahilan para mas lalong sumama yung loob ko sa kanya.
"Mabuti naman anak walang nangyaring masama sayo."
"Okay na siya, At okay kami kahit wala ka. Makakaalis ka na."
Binuksan ni ate yung pintuan."Makakaalis ka na, ito na sana yung huling aalahanin mo na anak mo ko. Ayoko na pong makita ka please lang."
Sabi ko, Nakita ko ang pagtulo ng luha niya pero hindi ko yun pinansin.Hinalikan niya ko sa noo at niyakap bago tuluyang lumabas.
Kitang kita ko nanaman ang salubong na kilay ni ate at ngayon ay nagagalit na naman."Hindi ko talaga maintindihan yung ina mo na yan, Bakit pinagsisiksikan pa yung sarili niya satin. Nabuhay nga siya ng matagal na hindi tayo ang kasama niya tapos ngayon babalik balik pa sa buhay natin."
"Alam mo parang konti na lang yung buhok mo magkukulay puti na. Tss."
Pang aasar ko, Pero napahinto siya ng tawagan siya sa company."Shine I need to go, Pero sandali lang ako babalik rin ako agad."
"Okay na ko, Huwag kang over."
Tinignan pa ko ni ate bago siya umalis."Wala ka naman ng gagawing hindi maganda di ba?
"Tss, Alis na. Malalate ka na."Pag alis niya ay naisip ko na magpahangin muna sa labas. Ayaw sana akong payagan ng nurse na magpunta sa garden pero may humawak sa kamay ko at nagsalita.
"Ako ng magbabalik sa kanya."
Nginitian ako ni Drake at inalalayang maglakad. Hinawakan niya yung swero at siya ang nagtutulak nun habang naglalakad kami palabas."So you're okay?"
Tanong niya."Obvious ba?
"Sinusungitan mo na naman ako ganun?
"Anong gusto mo? Mag thank you ako kasi ikaw yung nakakita sakin at nagtakbo dito sa ospital."
"Shine alam mo, Isa ka talaga sa literal na kahulugan ng salitang devil."
Naiirita niyang sabi. Natawa ako, Iiwanan na niya sana ako pero hinila ko siya sa kamay."Sabi mo sa nurse ibabalik mo ko? Pwede bang ibalik mo muna ko sa kwarto ko bago ka mag walk out..
Halos maubo siya sa sinabi ko.
"Grabe, This is your second chance to live pero ang sama pa rin ng ugali m-..
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.