45

52 2 1
                                    


"So you're leaving us?
Seryoso si Liam habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Lilipat na kasi ko sa company ni daddy. Katulad ng sinabi niya magtatrabaho na ko sa company namin pagkatapos ko sa Gvr.

"Tigil mo nga yang kadramahan mo, Sa lahat ikaw nakakaalam na wala akong choice kung hindi sumunod kay dad."

"Alam na ba ni Ford na aalis ka na dito?
Napatingin ako kay Liam. Minsan gusto ko pukpukin ng martilyo sa ulo eh para lang maalala niya kung paano ako iniwan ng pinsan niyang magaling.

"Bakit pa ko magpapaalam? Kaya nga nandito ka to represent him right? So sayo ako magpapasa ng resignation letter."

"Tss! So wala ka ng nararamdaman sa kanya? Is that for real?

"Alam mo nakamove on na lahat, Ikaw na lang hindi."
Sabi ko, lumabas ako ng opisina ko. Nababaliw ako sa mga tinatanong ni Liam.

Pero sinundan niya ko at hinawakan sa braso.
"Teka nga, Nakamove on talaga? Eh bakit naiwas ka kapag siya yung pinaguusapan natin?

Hinila ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.
"Hindi ako naiwas, Sadyang hindi lang ako makahinga kapag siya yung pinag uusapan."

"Kaya kung gusto mo pa ko mabuhay, Please lang huwag na natin pagusapan pa yung taong matagal ng wala."
Dugtong ko. Naglakad ako pabalik ng opisina ko para sana kuhanin na yung bag ko dahil uuwi na ko pero sinundan pa rin niya ko.

"Matagal? Eh ilang buwan pa lang naman."
Nagulat siya ng takpan ko ng panyo ko yung bibig niya.

"Tumigil ka na okay? Kahit ano pang sabihin mo magreresign pa rin ako dito. Tyaka yun naman di ba talaga ang balak ko? Sadyang nascam lang ako ng may ari nito."
Iniwan ko siya sa labas ng pintuan ko. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya.

Sakto naman nasalubong ko si Drake. Mabilis na nagflashback sakin lahat ng sinabi niya sakin nung huli kaming nag usap.

Dinaanan ko lang siya at dumiretso ako sa kotse ko. Lahat na lang ng taong nakakasalamuha ko mainit ang dugo ko, Tss!

Kailangan kong alisin tong badvibes na nararamdaman ko, Pero hindi ko alam kung paano. At wala ako sa mood mag inom ngayon kaya hindi na muna ko nagpunta kung nasaan si Alyana ngayon.

Maaga akong umuwi ng bahay na kinagulat ni ate.

"Ang aga mo yata?

"Nasaan si daddy?

"Nasa taas, Sa office niya."

Hindi ko na pinansin pa si ate. Nagpunta ko kay daddy dahil sasabihin ko sanang bigyan ako ng one week to be ready para sa company pero halos mapatakbo ako ng makita ko si daddy sa sahig na walang malay.

"Dad..
Tinatapik ko yung pisngi niya pero hindi siya nagigising kaya nagsisigaw ako at tinawag si ate. Mabilis naman na tumawag ng ambulance si ate.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ko habang inaantay namin yung mga doctor na lumabas.

"Shine huwag ka ngang umiyak, Magiging okay si dad."

"Bakit kasi hindi mo man lang sinisilip si daddy?

"Katatapos lang namin mag usap nung dumating ka, Hindi ko alam Shine!"

Agad naman kaming lumapit ng lumabas ang isa sa mga doctor na tumingin kay daddy.

"Over fatigue, Your daddy need to rest. Mabuti na lang at nadala niyo siya agad naagapan natin yung pagiging mataas ng blood pressure niya."

"Pero okay na po si dad? Pahinga lang po ba kailangan niya?
Natataranta kong tanong.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon