33

40 2 2
                                    


"Dad---..
Gulat na gulat kong sabi.

Bigla kong hinila yung kamay ko sa pagkakahawak ni Ford at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi.

"Good evening po Ma'am, Good evening Tito."
Narinig kong bati ni Ford.

"Good evening hijo." maawtoridad na sagot ni daddy, halos kabahan ako lalo na ng daanan niya ulit ako ng tingin.

"Hindi yata ako na inform na nandito rin si Ms. Chaves, pero okay lang yan sakto naman dahil gusto kong itour niyo si Mr. Wilson sa Gvr."
Nakangiting sabi ni Mrs. Mendoza at halos kabahan naman ako dahil dun lalo na ngayon na tinititigan ni daddy si Ford.

"By the way kayo ng bahala kay Mr. Chaves okay."
Sabay naman kaming tumango ni Ford. Kitang kita ko kay Ford kung gaano siya kinabahan ngayon kaya naisip ko na gumawa ng paraan.

"Ahm excuse me Ma'am, Ako nang bahala kay dad ako na lang ang magiikot sa kanya dit---..

"No, I want the both of you with me."
Nagulat naman ako ng biglang putulin ni dad yung pagsasalita ko lalo tuloy akong kinabahan.

"Okay, I want you to enjoy the view of the Gvr Mr. Chaves maiwan na kita sa mga magagaling kong architect."

Halos bumilis yung tibok ng puso ko ng makalayo na si Mrs. Mendoza, gusto ko sanang pigilan siya sa pag alis kaya lang mukhang wala akong magagawa.

"Ano tititigan niyo lang akong dalawa!?"
Natataranta naman kami ni Ford na inaya siya para mag ikot sa Gvr.

"Akala ko ba sa launch ka pa nandito Sunshine!?"
Napatingin ako kay dad.

"Biglaan lang naman dad yung pagpunta ko dito kasi ano---..

"Kasi ano? Nandito itong lalaki na ito?"
Sabi ni dad at tumingin kay Ford.

"It's not like that Tito, Let me explain."
Kinakabahang sagot ni Ford pero pinigilan ko siya.

"Dad, please..
"What? Kung hindi ko pa kayo nakita dito hindi ko pa malalaman na boyfriend mo na yan?"
Turo ni dad kay Ford at umupo sa isang bench na mahaba, umupo rin ako sa tabi niya.

Habang si Ford naman ay kinakabahang tinititigan kami mag ama.

"Dad sasabihin ko naman eh pero---..

"So girlfriend mo na nga itong anak ko Ford?
Natataranta namang tumango si Ford ng tanungin siya ni daddy.

"I'm sorry Tito, pero sasabihin naman po namin sayo naunahan lang po kami ng takot."

"Nagpapaliwanag ka pa?
"Dad..
Pag aawat ko.

"Huwag mo akong madad dad Sunshine!"
Galit na si daddy.

"Dad, Kasalanan ko naman po huwag mong takutin si Ford."

"Mukha bang natatakot yan!?
Sabi ni dad at tinignan si Ford.

"Sabi ko sayo patinuin mo sa Artreum, Hindi ko sinabing ligawan mo yung anak ko."

"Pero hindi naman po ako yung nanligaw."
Halos masapok ko yung noo ko sa sinabi ni Ford. Nababaliw na ba siya gusto ko siyang batukan ngayon pero nagulat ako ng hampasin ako ni dad ng mahina sa balikat.

"So nanliligaw ka na ngayon ng lalaki Shine?

Aish. Tinignan ko ng masama si Ford pero tinatawanan lang niya ko.

"Ofcourse not, He's lying dad."
"I have a proof Tito."
Singit ni Ford. This time hindi ko na napigilan lumapit ako sa kanya para sana hampasin siya pero niyakap lang niya ko.

"Gusto kong malaman niyo na okay lang sakin."
Sabay kaming napahinto ni Ford ng marinig namin yung sinabi ni dad. Mabilis akong lumapit kay dad.

"Talaga dad?
Tanong ko.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon