Ford POV
"How's the brat Drake?
"Ofcourse kung ano iniwan mo ganun pa rin."
"Tss! She's always like that. Kamusta ang launch?
"Okay naman, Nakakaproud din syempre yung tinutukan mo for how many months nakatapos ng project di ba."
"Okay lang ba siya?
"Ano ba sa tingin mo Ford, Sa tingin mo after mo iwanan ng biglaan magiging okay siya?
Naiirita na si Drake."Ikaw ng bahala sa kanya."
"Bahala ako?"Yes, Alagaan mo hangga't wala ako."
"Wow, Hindi ko iniexpect na magiging ganto tayo kaayos mag usap.
"Drake, Alalahanin mo nandito ko para kay Trish. Alam kong nag aalala ka sa kanya.
"Tss! Ang babaeng minahal ko lang buong buhay ko na iba ang mahal."
"Don't worry, Marerealize din nito kung gaano ka kaimportante sa kanya Drake.
"Kamusta siya?
"She's taking dialysis here. And nagiging okay naman siya so far.""That's good to hear. I miss her."
"And I miss her."
Sagot ko sa kanya na sabay kaming nagtawanan.Nakakatawa no? Nagkaayos kami dahil nagkapalit kami ng taong aalagaan. Ewan ko ba bakit ganito? Mahal niya si Trish, Mahal ako ni Trish at mahal ko naman si Shine.
Ang gulo hindi kami magtagpo. Pero para sakin okay na yung ganito atleast nagkakaroon ako ng update galing sa kanya at nagkakaroon siya ng update galing sakin. How I wish na matapos na to! How I wish na pagtapos nito ako pa rin ang mahal ni Shine. Hays!
"By the way yung girlfriend mo, Kulang na lang isumpa ako at ikaw sa galit niya sayo."
Singit ni Drake."Let her be. It's her right na maramdaman niya yan so wala tayong karapatan na pigilan yan."
"Let her be? You know your girlfirend. Alam mo kung pano siya magsalita at naiirita ako sa ganung ugali niya."
"So suko ka na?
Tanong ko."May choice ba ko?
Sagot niya."Okay lang Drake, Mabilis lang magbook ng flight pabalik dyan."
"Tss! Enough Ford, Alam mong hindi ko kayang gawin mo yan kay Trish."
"So let my girlfriend do what her want, All you have to do is take care of her."
Sabi ko halos maubo si Drake sa bilin ko. Alam ko kung gaano katigas ang ulo ni Shine kaya alam kong nahihirapan din si Drake.Sakto namang pagtapos namin magusap sa phone ni Drake ay lumabas yung mommy ni Trish dito sa garden.
"Ford, Thank you for coming with us and taking care of my daughter."
"It's okay Tita, I know na magiging okay din si Trish."
Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.Kahit naman magkasama na kami dito eh humiling pa rin ako na sana ihiwalay yung kwarto ko kay Trish dahil mas lalo ko lang masasaktan si Shine kapag ganun ang nangyari. Isa pa kahit wala ko sa company namin ay magtatrabaho pa rin ako dito at nagvivideocall na lang kapag may importanteng meeting sa company. Si Liam ang inaasahan ko dun ngayon at alam kong hindi niya pababayaan yun.
Nagulat ako ng biglang pumasok si Trish sa kwarto. Kaya napabangon ako at agad siyang inalalayan."
"Bakit bumangon ka sa kwarto mo?
"Bakit kasi kailangang dito ka matulog? Pwede naman dun sa kwarto ko."
"No, Alam mong kapag nagtatrabaho ko is sobrang daming incoming calls at ayokong maabala ka pa."
"Hindi ka naman abala sakin, Isa pa I'm really thankful na kasama kita ngayon."
Tss! Ofcourse. Iniwan ko lang naman yung taong mahal ko para sa pansarili mong kapakanan. Gusto ko sanang sabihin yan pero ayokong masaktan siya.
"Halika na bumalik ka na sa kwarto mo, Masama sayo ang napapagod."
"But I really want to be with you Ford.
Sabi niya, nagulat ako ng yakapin niya ko at halikan sa labi. Muntik ko na siyang maitulak pero dahan dahan akong humiwalay sa kanya dahil alam kong hindi makakabuti sa kanya kung itutulak ko siya."What are you doing Trish?
"What? This is normal for couple Ford."Couple? Were not couple Trish, At alam kong alam mo yan."
Lumabas ako ng kwarto at lumabas muna ng bahay para makahinga masyado kong nasasakal sa kung ano mang sitwasyon meron kami ngayon dito.Naisip ko na lumabas muna para, Para magrefresh naiisip ko pa rin kasi si Shine. Naiisip ko yung launch na pinagplanuhan naming dalawa.
Mas lalo lang ako nasabik makita siya ng sendan ako ni Drake ng mga pictures niya sa launch, Nakakalungkot lang na hindi ako ang kasama niya sa mahalagang araw para sa kanya.
Hindi ko napigilan kaya naisip ko na tawagan siya, Kaya lang mabilis lang niyang binaba yung tawag ko na yun ng mabosesan niya ko.
Naiintindihan ko siya at hindi ako magrereklamo na ganun siya sakin.
Pag uwi ko nakita ko si Trish na inaalalayan ng mommy niya. Sinalubong ko sila at ako ng nag alalay pa sa kanya papasok sa kwarto niya.
"Saan ka ba galing? Hahanapin sana kita, pinigilan lang ako ni mommy."
"Nagpalamig lang ako, Hindi naman talaga tamang hahanapin mo pa ko baka mapano ka pa."
"Ford, can you try falling in love with me again."
Si Trish habang nakaupo na sa kama niya."Falling in love to you again? Alam mong napaka imposibleng mangyari yan Trish."
"Bakit imposible, Nandito ka nga eh kasama kita bakit imposible pa!"
Umiiyak na si Trish."Pero di ba alam mo naman yung dahilan kung bakit mo ko kasama dito, I just want you to be okay para makabalik na tayo sa sari-sarili nating buhay!"
"Pero okay na ko Ford, Pwede na tayo magsimula ng bagong buhay kasama ako."
"Mabuti ka pa okay na, Yung mga naiwan natin sa Pilipinas hanggang ngayon nasasaktan alam mo ba yun!"
"I don't care! Importante sakin kasama kita at hindi na ako papayag na mawala ka pa sakin Ford."
"Tss! Napaka makasarili mo talaga, But don't worry hanggang hindi ka pa magaling mananatili ako sa tabi mo."
"I'm doing this because I love you Ford.''
"Pero hindi na kita mahal Trish. Huwag na natin pilitin yung mga sarili natin na mababalik pa yung dati."
"At sino ng mahal mo si Shine? Bago pa lang kayo nun at alam kong makakalimutan mo rin siya!"
"Tama na, Magpahinga ka na."
Sabi ko, Palabas na sana ko ng kwarto niya ng magsalita siya."I'm sorry but you will never be with her hangga't buhay pa ko Ford.''
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.