"What's with your face?
Bungad niya paglabas ko ng unit. Ang aga aga mag iikot kami, Sa bagay last day na namin dito at kailangan naming masiguradong okay naman lahat bago kami bumalik ng Manila."I hate you." Sabi ko.
"Kung number lang ni Drake ang kailangan mo meron ako." Inaabot niya sakin yung cellphone niya.
"It's not about that, Kung hindi mo sana pinunit yun edi sana nakalabas man lang ako kagabi bago tayo bumalik ng maynila"
"Okay sasamahan kita mamaya dun."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
"Talaga? Promise yan ha."
"I'll be watching you tonight, So you're not allowed to dance."Bigla naman ako nalungkot. Ang boring kaya ng hindi sumasayaw habang umiinom. Tss! Pero okay na rin atleast makaka tikim na naman ako ng alak.
Pagkatapos naming magikot ay sinama niya ko sa isang class na restaurant.
"Anong ginagawa natin dito? date na ba natin ito!?"
"Kakain lang tayo okay? Itigil mo na ang kahibangan mong idadate kita."
"I know naman, Hindi mo ko madadate dahil may girlfriend ka na."
Napatingin siya sakin.
"I don't have a girlfriend."Ako rin walang boyfriend."
Pang aasar ko."I don't care."
Pagsusungit niya."Bat wala kang girlfriend?
Tanong ko habang kumakain."Is none of your bussiness."
"I bet because your gay."
Halos mabulunan naman siya sa sinabi ko. Mabilis ko siyang inabutan ng tubig pero mabilis din niya kong hinila palapit sa kanya at hinalikan ng malalim sa labi."Now, I'm going to ask you again. Do I look like a gay? Halos mamula naman ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko aatakihin na ko sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Iniwan na niya ko at nauna na sa kotse niya, Mabilis ko naman siyang hinabol at sumakay na rin ako sa kotse niya.
Mainit ang ulo, Salubong ang kilay at hindi ako pinapansin habang nagmamaneho siya pabalik sa Grand Velas. Makasimangot akala mo siya pa yung naargabyado, Samantalang hinalikan na naman niya ko. Ang lagay eh lugi pa siya.
Hindi ko naman iniexpect na mapipikon siya sa pang aasar ko eh. Pero atleast konti na lang alam ko mapupuno din sakin yan at bigla na lang akong tatanggalin.
Pagdating namin sa resort ay hinatid niya pa rin ako sa kwarto ko kahit hindi niya ko pinapansin. At lalo siyang gumagwapo sa awra niyang yun.
"Wait, Anong oras tayo aalis mamaya?
"Kauuwi mo lang alis na naman nasa isip mo?
"You promised Sir..
"I know, Pwede bang magpahinga ka muna? Napaka garapal mo sa alak eh no?"Natawa ko ng sabihin niyang garapal kahit siya at matawa tawa sa reaksyon ko. Grabe naman kung makagarapal pasmado bunganga kalalaking tao.
"Shut up okay?
Magsasalita pa sana ko pero pinigilan na niya ko. Mabilis siyang umalis at iniwan na ako.Nag aayos ako ng mga papeles ng tawagan ako ni Alyana.
"Hey, Kamusta ang pagiging office girl?"
Ang saya ko. May tumawag din sakin para kamustahin ako."Ito nabuburo na sa resort na to at malapit ng matuyuan ang bahay alak."
Tinawanan ako ni Alyana, Namiss ko talaga siya hindi lang yung pag babar namin pati siya ay miss ko na rin.
"Okay lang yan Shine, You can do it pero sana umuwi ka na as soon as possible, Ang daming gwapo ngayon sa Coal."
Bigla akong naexcite, Isa ang Coal na bar na binabalik balikan namin dahil sa bukod sa mga gentleman yung mga tao dun eh mga gwapo pa.
"Don't worry this is my last day here, So see you when I get home."
Binaba na niya yung phone, Bigla akong naexcite umuwi. Pagkatapos ko mag ayos ng mga files eh nag ayos na ako at lumabas na ng unit ko. Hindi ko na hinintay pa na sunduin ako ni Ford. Pinuntahan ko siya sa unit niya pero nakita ko siya sa hallway na may kahalikan na naman.
Hindi ko kilala yung babae, Pero mukang libangan na nga lang talaga niya ang pakikipaghalikan sa public place. Naiirita ko ah parang may gusto akong itulak sa hagdanan. Tss!
Bumalik na lang muna ko sa unit ko, Ayoko namang istorbohin siya baka sabihin na naman niya sinasadya kong abalahin siya.
Nagulat naman ako ng may kumatok sa unit ko. Si Ford at may dala dalang pagkain na kailangan pang lutuin.
"Will you please cook this for me?
"Anong akala mo sakin utusan mo?
"Oh come on, I'm your boss kaya susundin mo ako sa ayaw at sa gusto mo."
"Pero hindi na parte ng trabaho ko ang ipagluto ka, Bakit hindi mo ipaluto sa kahalikan mo kanina na mukhang sarap na sarap sayo."
Bigla akong nahiya sa sinabi ko, Parang girlfriend lang na nagseselos dahil nakita niya ang boyfriend niyang nakikipaghalikan. This is crazy! Nakakahiya. Anong nakain ko at sinabi ko yun.Bigla siyang napatingin sakin. Inilapag niya sa table yung pinamili niya at lumapit sakin.
"Are you jealous?
Amoy na amoy ko yung mint na hininga niya. Ang bango pero hindi ako nagpaakit dun. Itinulak ko siya at lumabas na ng unit ko.Pero hinila niya ko pabalik at pinapasok ulit sa unit.
"Okay, Ako na magluluto para masarapan ka rin sakin." Pang aasar niya at hinila na ko pabalik sa unit ko.
"Kumain na ko ng mas masarap sayo!!"
Sabi ko."Kakain ka ulit."
"Aalis ako."
Pagdadahilan ko."Saan ka naman pupunta?
"Maghahanap ng makakasama, May isang tao kasing nagpromise sakin pero mukhang malabo nang tumupad yun.
"Sino namang may sabing hindi tutupad yun? I just want to eat with you bago tayo umalis."
"To eat with me? After mong makipaghalikan sa hallway? Okay ka lang?"
"I don't see any problem with that Ms. Chaves, And kung ano man yung nakita mo kanina, That is none of your business."
Umupo na ko at tinitignan siya habang nagluluto.
"Stop staring at me."
Sabi niya kaya inalis ko yung pagkakatingin ko sa kanya, He look so hot habang nagluluto.Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto.
"Kumain ka ng madami para hindi ka malasing, Garapal ka pa naman sa alak."
Sabi niya habang hinahainan ako ng pagkain."Maka garapal? Bakit nakasama mo na ba ko uminom?
"Hindi, Pero nakita na kitang mag inom."
Sagot niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ng niluto niyang afritadang manok. Infairness masarap, This is the first time na ipagluto ako ng isang lalaki at hindi ko maiwasang hindi kiligin. Kiligin my face!Paulit ulit kong tinutuktok yung ulo ko, Dahil kinikilig ako. Tss!
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami. Para naman akong bata na tuwang tuwa habang nagmamaneho siya.
Pagdating namin dun ay medyo natuwa ako, Iba sa mga bar na pinupuntahan namin ni Alyana pero mukhang exciting, Nagulat naman ako ng umorder si Ford ng Cuervo.
Hindi lang basta isang shot, Isang bote yun at mukhang malalasing ako dahil dalawa lang kaming iinom nun.
"Are you sure with that drink? Gulat na gulat kong tanong.
"This is what you want di ba!?"
Malamig niyang sabi at nag umpisa na uminom.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.