35

39 3 0
                                        

Kailangan ko ng makahanap ng kahit maliit na kwarto. Masyado na kong napapagastos dahil halos isang linggo na rin akong nakacheck-in sa hotel.

Pakiramdam ko konti na lang makakahalata na si Ford at Alyana dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila.

Kung meron mang nakakaalam eh si Liam lang dahil siya ang unang tinawagan ni dad. Pero dahil hindi ako nakikinig kay Liam ay galit siya sakin ay pinababayaan lang ako dito sa Artreum at hindi man lang kinakausap.

Galing akong cafeteria katatapos ko lang kumain. Nagulat naman ako ng hilahin ako ni Drake.

Bakit ba lahat na lang ng gustong kumausap sakin hinihila ako. Makikipag usap naman ako ng maayos, mabuti na lang at malakas ang resistensiya ko at hindi ako napipilayan.

"Saan mo ba ko dadalhin ah? Hindi mo ko kailangang hilahin okay? Makikipag usap naman ako!"
Nagulat ako ng isakay niya ko sa kotse niya.

"Ano ka ba? Saan mo ba talaga ko dadalhin? Hahanapin ako ni Ford."

Hindi pa rin ako pinapansin ni Drake at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Inihinto niya yung kotse niya sa tapat ng isang condominium at hinila ko papasok sa loob ng building.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"
Pangungulit ko pero hindi pa rin niya ko pinapansin. Binuksan niya yung isang unit at hinila ko papasok.

"You can stay here."
Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.

"What? Akala mo hindi ko alam na nakacheck in ka ngayon sa isa sa mga Valderama's Hotel?"

Napahinto ako, Hindi ko alam na hotel pala nila yun kung saan ako ang nakacheck in ngayon.

"Eh ano ngayon? Nagbabayad naman ako doon ah!!"

"Tss! Hindi ko naman sinabing hindi ka nagbabayad, I just want you to be comfortable."

"No hindi ko ito matatanggap, Kaya kong maghanap ng titirahan ko!"
Mabilis akong lumabas ng condo unit niya pero sinundan niya ko.

"Sinong gusto mong tumulong sayo? Boyfriend mo? Na hindi man lang alam kung anong nangyayari sayo!?"

Nagulat si Drake ng lapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"This is none of your business Drake, Please I know you just want to help me but I want to do this ng ako lang."

"Basta kung kailangan mo ng tulong you can call me right!?
Nagulat ako ng yakapin niya ko mabilis naman akong humiwalay sa pagkakayakap niya.

"Alam mo imbis na ako yung inaatupag mo, Bat hindi mo na lang kaya ligawan si Alyana."
Halos matawa naman ako ng maubo ubo siya sa sinabi ko habang nagmamaneho siya pabalik ng Artreum.

"Bakit naman si Alyana pa, Nandyan ka nama---...
"I'm dating Ford, Alam kong alam mo naman yan."
"But Tito Wilson force you to stop dating him right?"
Napahinto ko, Paano niyang nalalaman lahat ng nangyayari sakin.

"So your stalking me?"
"Ofcourse not, I just heard it."
"Heard it? Kanino naman?
Nagtataka kong tanong.

"My dad and Tito Wilson talks a lot about you."
Sabi ko na, Wala naman ibang magkikwento kung hindi si daddy lang para lang iligtas ang sarili niya sa chismis. Tss!

"But you know that I can't do that kaya nga ko umalis sa bahay eh, Gusto ko namang mabuhay na ako naman yung nagdedesisyon para sa sarili ko!"

"Tss! Your inlove with him, Mukhang wala nga akong laban dyan."
Nakangiting sabi ni Drake at bumaba na kami ng kotse niya.

Mabuti na lang at busy si Ford sa isa pa sa mga project niya kaya hindi niya napapansin masyado yung problema ko at masaya ko dahil dun dahil mas nakakafocus siya sa trabaho niya.

Lunch time naman na ng makabalik kami ni Drake kaya pinuntahan ko na siya sa opisina niya at inaya siyang kumain.

Nagulat ako ng yakapin niya ko habang naglalakad kami papunta ng cafeteria.

"I'm sorry babe."
"For what?
"For being always busy."
Pinaupo niya ko sa table at kumuha siya ng pagkain.

Pagbalik niya ay tumabi siya sakin at hinawakan ako sa kamay.
"Let's take a day off tommorow Shine."
Pakiramdam ko lalabas na naman yung puso ko sa sobrang tuwa.

"Sigurado ka ba dyan? Hindi ka ba nilalagnat!?"
Nag aalangan pa ko kaya biniro ko siya dahil baka may mga prior meeting siya.

"Ipapacancel ko lahat ng scheadule ko bukas okay? You should be ready."
Sabi niya, Ewan ko pero napangiti ako sa sinabi niya na nagpangiti rin sa kanya.

"Tss! Hindi kita pagsasamantalahan okay? I just want to be with you."

Niyakap niya ko at hinalikan sa labi. Hindi ko na naman mapigilang hindi kiligin.

"Tss! You're blushing."
Nakangisi niyang sabi. Bigla ko napahawak sa pisngi ko.

"First time kasi nating lalabas na hindi involve ang trabaho if ever."

"Don't worry after Gvr makakaluwag na tayo sa oras natin."
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang siya tinititigan ako dahil mas nauna siyang natapos sakin.

Hays, Alam kong mali na hindi ko ipaalam sayo yung nangyayari sakin pero ayokong makisabay pa sa mga isipin mo sa Artreum kaya mas mabuti ng hindi mo alam na gusto ni daddy na makipaghiwalay ako sayo at wala ako sa bahay ngayon.

"Speaking of day-off babe, Susunduin na lang kita bukas."

"Nako huwag na!!
Bigla akong nataranta kaya nagulat siya ng mapasigaw ako.

"Bakit? Tito Wilson already know about us, Ano pang kinatatakutan mo?"

"Oo nga., pero huwag na hindi mo naman ako kailangang sunduin pa, Magkita na lang tayo."
Pagdadahilan ko.

"Sige, ihahatid na lang kita mamaya after wor---...
"Huwag na nga!!
Sigaw ko ulit, kaya napatingin siya sakin. Aish ang hirap naman hindi ko na alam idadahilan ko. Tss!

"Stop shouting Shine, Bakit ba naninigaw ka?! ihahatid ka lang naman."
"Huw---...
Sabi ko pero hindi ko natapos dahil hinalikan niya ko bigla sa labi.

Mabuti na lang at nadadaan ko siya sa paganito ganito ko, pagbalik namin sa office ay nakasalubong namin si Liam.

Nagtataka nga si Ford kung bakit hindi kami naguusap. Nagulat naman ako ng huminto si Ford sa tapat ni Liam.

"Shine you can go first, Mag uusap lang kami ni Liam about dun sa project."
Bigla akong kinabahan pero hindi ko pinahalata. Natatakot ako na baka sabihin ni Liam yung tungkol sa paglalayas ko. Aish!

"Shine!
Nagulat naman ako ng tawagin ulit ni Ford yung pangalan ko. Natulala pala ko, Haha!

"Stop worrying okay? Hindi naman kami mangbababae dito sa Artreum."
Nakatawang sabi ni Ford, Tinap lang niya yung balikat ko at iniwan na nila ko.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon