Ford**
"Sabi ko na you will never love anyone except for me."
Niyakap ako ni Trish matapos ko siyang hilahin papasok dito sa opisina ko."Anong bang sinasabi mo!?
"That girl outside bago ko dumating, Hindi mo siya mahal right!?
Hinawakan niya ko sa pisngi pero tinulak ko siya."She's my girlfriend and I love her, Now if you will excuse me may lunch pa kami ng girlfriend ko."
Lalabas na sana ko ng opisina ko ng yakapin ako ni Trish mabilis ko siyang tinulak at lumayo sa kanya. Wala kong ibang iniisip kung hindi si Shine na iniwan ko sa labas. Aaminin ko nagulat ako ng makita ko si Trish kanina kaya ganun na lang yung naging reaksyon ko pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan ko na yung ginawa nila sakin ni Drake.
"Ford ano ba! Don't be to hard on me. Bumalik ako ng Pilipinas just because of you! I want us back together please."
Umiiyak na siya pero wala kong pakialam, Bakit ngayong okay na ko bumabalik sila. Ano ganun na lang nila kinalimutan yung ginawa nila sakin!? Kinalas ko ang pagkakayakap niya.Lumabas ako ng opisina ko at pumunta ng cafeteria pero wala na si Shine. Bumalik ako ng opisina ko para kuhanin yung susi ng kotse ko pero nagulat ako ng makita kong nasa loob pa rin si Trish at umiinom na ng wine.
"Look Trish, I think you should go home."
"Why Ford? Napaka unfair mo naman for treating me like this!"
Umiiyak na siya halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba kailangang makisabay ng babaeng ito."Stop it Trish, I need to find my girlfriend so please go home."
Hindi ko maiwasang hindi mapasigaw ano bang ginagawa dito ni Trish instead of being with her husband.
"Ford please I want you back in my life, ikaw lang ang mahal ko, Iwan mo na yung girlfriend mo."
Hindi ko maiwasan hindi magalit ano ito nagka amnesia nakalimutang iniwan niya ko kaya nandito siya bumabalik na parang walang nangyari."Lahat ng sinabi mo nung bago tayo maghiwalay tandang tanda ko kaya pwede ba huwag mo kong niloloko Trish!"
Nakita kong tinungga niya yung wine kaya inagaw ko sa kanya yun. Inalalayan ko siya palabas ng opisina ko at inutusan si Ana na ipahatid sa company driver, Pero bumalik siya sa opisina ko at nagmakaawa na ako ang maghatid sa kanya dahil kung hindi daw eh magpapasagasa siya sa harap ng Artreum.
"Sinasabi ko sayo Ford, Hindi ako nagbibiro."
Pananakot ni Trish, alam kong gagawin niya yun kapag sinabi niya dahil gawain niyang mangblackmail nung kami pa.Lumabas ako ng opisina ko kasabay si Trish pero hindi ko na pinaalam pa kay Ana kung saan ako pupunta.
"Hindi ka ba papasok?
Sabi ni Trish nung nasa harapan na kami ng bahay nila."No hindi na, hinihintay ako ni Shine..
"Halika na, para makita ka nila mommy."
Nagulat ako ng hilahin niya ko pababa sa sasakyan ko, sakto namang palapit yung parents niya samin kaya hindi ko na nagawang tumanggi pa."We're glad na nandito ka hijo, kumain ka muna bago ka umuwi."
Bati ng mom ni Trish, mabilis naman akong hinila ni Trish papasok sa loob nila. Gusto ko sanang kausapin si Trish at sabihing uuwi na ko pero nakatutok samin yung parents niya at wala kong magawa."Nga pala love, I'm staying here for good."
Halos magpantig yung tenga ko sa pagtawag sakin ni Trish ng love. Ano ganun na lang? Babalik siya dahil gusto niya at hindi na iisipin pa yung nararamdaman ko."Can I talk to Trish in private for a minute Tita? Pagpapaalam ko at naglakad ako papunta sa garden nila.
"What are you doing Trish?
Naiinis kong tanong."I'm back love."
Niyakap niya ko pero tinulak ko siya."Trish please stop being like this, Matagal na tayong tapos nakalimutan mo na ba kung anong ginawa mo!?"
"Kaya nga nandito na ko, bumabalik to make you feel love again."
"To make me feel love? Well I feel love, so much love but I'm sorry it's not from you. It's from my girlfriend so please stop making scenes to your family!"
Lalabas na sana ko ng gate nila pero pinigilan niya ko. Halos lumuhod siya sa harapan ko huwag ko lang siyang iwan.
"Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng iniiwan ng taong mahal mo.
Tinanggal ko yung mga kamay niya na nakayakap sakin at lumabas na ng bahay nila.Hindi na ko nagpaalam pa sa magulang niya dahil alam naman siguro nila kung anong nangyari samin ni Trish dati. Ibang iba na ang sitwasyon ngayon at hindi na ko ang dating Ford na halos magpakamatay balikan lang ng anak nila.
Bigla kong naisip si Shine habang nagdadrive ako. Bumalik ako ng Artreum pero wala na siya, sinubukan kong hanapin siya sa ate niya pero hindi pa raw umuuwi.
Iisang lugar lang naman ang pinupuntahan nun lalo na kapag frustrated siya at alam kong hindi siya okay ngayon dahil sa ginawa ko. Mabilis akong nagdrive papunta sa Coal, Ang daming tao mukhang mahihirapan akong hanapin siya.
Inumpisahan ko sa dance floor pero wala siya kaya inikot ko yung mga table na may laman.
Hindi nga ko nagkamali nandito nga siya. Halos mag init yung buong mukha ko ng makita ko kung sinong kasama niya at mukhang sila lang ang magkasama dahil hindi ko matanaw si Alyana sa paligid nila.
She look so wasted at alam kong ako ang dahilan nun. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila nakita ko ni Drake pero tinitigan lang niya ko. Inagaw ko yung shot glass kay Shine at hinila siya palabas ng Coal.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
عاطفيةKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.