8

52 2 0
                                    

Ford**

I'm so pissed, Bakit hindi man lang ako ininform ni Mrs. Mendoza na may nakausap siyang tiga Artreum at makikinig sa proposal ni Ms. Chaves.

That stupid Drake, He's trying to have fun again with that new architect. I know him very well, He's not good to anyone and now he's targetting Ms. Chaves for his new toy.

And this girl, She's really stupid! Tatanungin pa kung sino yung sinasabi ko. Sino bang nakausap niya na kasama ako, Wala namang iba kundi si Drake lang alangan naman si Mrs. Mendoza. Tss!

Iniisip niya pa na nagseselos ako, That damn girl is really amazing. I'm gonna admit it, she looks prettier when she was avoiding Drake. Malayong malayo sa ginagawa niyang pang aasar sakin.

"Oh nakauwi ka na pala iho, Are you tired?
Sinalubong ako ni mommy pag uwi ko.

"Not really, But I need some rest mom, Aakyat na po ako sa kwarto ko."
Hinalikan ko si mommy sa pisngi at umakyat na ko sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakakapagod lalo na ang magpabalik balik sa Batanggas.

But I don't have a choice, This is Tito Wilson wants. Ang pagurin ang anak niya at bigyan ng malaking responsibilidad para matuto.

Magaling siya as Architect, Hindi ko nga akalain na magiging madali lang sa kanya ang project para sa Grand Velas Resort.

Hindi na ko magtataka kung bakit palagi niya kong iniinis. Alam ko naman na gusto niyang tanggalin ko siya, Pero sorry na lang siya inaasahan ko na yan dahil nainform na ko ng daddy niya dyan.

Si mom naman kasi, Artreum pa yung nirecommend kay Tito, Para tuloy akong nag aalaga ng batang matigas ang ulo. Family friend nila mommy si Tito Wilson pero hindi ko alam na dalawa pala ang anak niyang babae. Si Ms. Summer lang kasi ang nakikita kong laging kasama ni Tito.

"Ford may pasok ka ba? malalate ka na."
Napabalikwas ako ng marinig ko yung boses ni mommy. Nakatulog pala ako agad matapos kong uminom ng isang bote ng beer.

"Hindi ka na naman ba kakain dito?
"Later na lang mom pag uwi ko sorry."
Hinalikan ko na si mommy at mabilis na nagdrive papunta sa Artreum.

Kahit na kami ang may ari nitong Artreum ay hindi ko hinahayaan ang sarili ko na masanay na pumasok ng late. Hindi porke kami ang may ari ay hindi na ko magiging patas sa mga empleyado namin.

Nakita ko si Ms. Chaves na nakikipag usap kay Betty. Tss! Aga aga nakikipagdaldalan nilampasan ko lang sila pero napabalik ako ng marinig kong tinawag ni Drake si Ms. Chaves.

Bakit ba kasi bumalik na naman itong Drake na ito akala ko ba nasa America na sila. Isa din siya sa anak ng board member ng Artreum at isa din siya sa sumira ng buhay ko. Pero matagal na yun at matagal ko ng kinalimutan yung ginawa niya.

"If you need something, don't hesitate to ask me. I'm willing to help you."
Kailan ka pa naging helper, naisip ko lang ng marinig ko yung sinabi niya kay Ms. Chaves.

"This is office not a dating area!"
Alam kong nagulat si Ms. Chaves sa pagsulpot ko, napatingin lang si Drake sakin dinaanan ko sila at dumiretso na ko sa opisina ko.

I think tama nga si Tito Wilson, Hindi marunong makinig ang anak niya. Naisip ko na bumaba muna para magkape, Dahil hindi naman ako nakapag almusal sa bahay. Bigla naman akong nainis ng makasabay kong maglakad si Ms. Chaves.

"Stupid!"
Nilingon niya ko.

"My name is Sunshine Chaves, not stupid!" Alam kong naiirita siya pero mas naiirita ako sa kanya dahil sa katigasan ng ulo niya.

"I told you not to go with him or even talk to him!"

"I don't even talk to him, Tinawag at nilapitan niya ko alangan naman bastusin ko siya!?" Sigaw niya.

"Then ignored him!"
Malakas kong pinalo yung lamesa, The hell I care kung anong ginawa ng Drake na yun. Umalis na ko at bumalik na sa opisina ko.

Sunshine**

"Then ignored him!"
Nagulat ako ng hampasin niya yung lamesa. Seriously anong problema niya? Mabuti na lang at hawak ko yung kape ng hampasin niya yung lamesa kung hindi baka natapunan ako.

Teka nga naiinis ko na ba siya dahil kay Drake? Bigla akong napangiti, Alam ko na kung paano ako makaka alis agad agad dito at si Drake ang solusyon ko dun. Alam kong makakapuntos ako ng todo kapag pinagpatuloy ko ang pakikipag usap kay Drake at yun ang gusto ko.

Nag elevator na ko pabalik ng opisina ko, Ang malas ko naman dahil nasa loob din si Drake. Yung totoo sinusundan niya ba ko? Or nag aasume lang ako.

"Now you have no choice to avoid me."
Nakangiti niyang sabi.

"Will you please stop talking to me, Wala kong oras makipag usap sayo."

"Let's have a lunch later, My treat."
Para namang bright idea yung narinig ko, This is my chance para galitin si Ford. At gagawin ko lahat para mapabilis ang pagtanggal niya sakin dito sa Artreum ng sa ganun eh sukuan na ni dad ang pilitin ako sa ayaw ko.

"Kapag ba pumayag ako titigilan muna ko? Pagpapakipot ko. Kung wala lang akong pag gagamitan sayo hindi talaga kita kakausaping lalaki ka. Alam ko namang nakikipag laro ka lang din sakin kaya makikipaglaro din ako sayo.

"Nope, I just want to be your friends Ms. Chaves." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko.
"What do you mean okay? Payag kang maglunch tayo mamaya? Tanong niya, tss gwapo sana mahina naman umintindi.

Hindi na ko sumagot pa dahil bumukas na yung elevator. Bahala siyang intindihin yung okay ko kapag nagets niya edi go. Kapag hindi edi salamat, Naglakad na ko pabalik ng opisina ko.

Mukhang hindi ko nakikita ang mokong mabuti naman. Pilit kong tinapos ng mabilis yung mga kailangan kong gawin, sa sobrang dami ng ginagawa ko eh hindi ko na namalayan yung oras. Hinatiran na nga ko ng kape ni Betty dahil hindi man lang daw ako naiistorbo sa ginagawa ko.

"Shine Mr. Valderama is here, may appointment daw siya sayo..
Betty is on the line, Halos masapok ko naman yung noo ko naalala ko umuo pala ko sa lunch na sinasabi niya muntik ko ng makalimutan.

Binaba ko na yung tawag ni Betty at lumabas na ko ng opisina. Tuwang tuwa naman akong sinalubong ni Drake, nagtataka lang akong tinignan ni Betty habang naglalakad kami pababa.

"Akala mo hindi ko mageget's yung okay mo?
"Hindi mo naman talaga nagets di ba."
"Come on, Your so mean."
Natatawa niyang sabi, Aissh ang gwapo ni koya mayabang lang.

"I only have one hour break, Bakit hindi na lang tayo sa cafeteria kumain."
"Hindi ka ba nagsasawa sa pagkain dun?
Malapit lang naman yung pupuntahin natin, so you've nothing to worry."

Sus kung alam ko lang na sa labas tayo ng Artreum maglulunch hindi na ko pumayag. Hello paano naman makikita ni Ford ito? Paano ko naman mapipikon yun.

Nag order na siya ng pagkain pagdating namin. At halos ubusin ko yung oras ko sa pagtingin sa cellphone habang hinihintay yung pagkain dahil nahihiya kong makipag usap sa kanya.

"So you are the daughter of Tito Wilson..
Halos mabulunan naman ako ng banggitin niya yung pangalan ni dad.

"Saang browser ka naman nag google para malaman yan?
Sabi ko habang kumakain.
"Tito Wilson and my dad are friends.
"Wala namang bago dun, Lahat naman kaibigan ni daddy, Friendly ata yun."
Pagmamayabang ko. Kahit ata pinipilit ako nun magtrabaho proud ako dahil sa lahat ng tatay siya yung pinaka friendly.

"But unfortunately not like you!"
Bigla ko tuloy nalunok yung kinakain ko okay na sana eh dinugtungan niya pa.

"Ofcourse I'm not like him, That's why this will be the last time na sasama ko sayo!"
Akala mo ah wala ka man lang preno sa pagsasalita. Not like me pala ah sige paninindigan ko yan sayo.

Akala ko magsasalita pa siya pero hindi niya ko pinansin. This jerk is pissing me off! Akala ko pa naman matataranta siya sa pagbawi sa sinabi niya pero tinawanan lang ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

Gusto niya pa sana kong ihatid sa opisina ko pero tumanggi na ko. Ano ako lumpo? Kailangan pang ihatid. Naglalakad na ko pabalik sa opisina ko ng maabutang galit na galit si Ford kay Betty.

"Where's Ms. Chaves?
Narinig kong sigaw niya kay Betty.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon