16

38 1 0
                                        

"Lalasingin mo ba ako? Sabi ko habang tinititigan yung bote ng cuervo.

"Gusto mo yan di ba? Magpakalunod ka!"
Tinignan ko siya at ngumiti.

"What? Pagsusungit niya.

"Pag may alak may balak."
Natatawa kong sabi.

"You wish."
Naiirita niyang sabi at uminom ng isang shot ng cuervo.

Halos manginig yung kalamnan ko, Ilang beses ng nirereject nito yung pang aakit ko ah. Di hamak naman na mas masarap ako sa kahalikan niya kanina.

Haha! Natawa ko. Kailangan ko na yata sapukin ng paulit ulit yung noo ko sa mga naiisip ko. This is crazy!! Tss!!

Dahil tumugtog na yung disco song ay mabilis akong tumayo para sumayaw sa gitna pero nagulat ako ng hilahin ako ni Ford.

"I told you, you're not allowed to dance."

"Pero hindi pa naman ako lasing..

"Kahit na!"
Binalik niya ko sa inuupuan ko, Ininom ko na lang yung shot na nasa harapan ko.

"So ano lang palang gagawin ko dito? Tititigan ka hanggang sa malasing ako?
Hindi niya ko pinapansin. Inubos niya muna yung sinubo niyang pulutan bago siya nagsalita.

"Why are you alcoholic?
Bigla akong napalunok sa tanong niya.

"You don't need to answer my question."
Dugtong niya, Uminom pa siya ulit ng isang shot ng mapansin niyang napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"Hindi naman araw araw no." Pagdadahilan ko.
"Ah kaya pala kapag nasa Manila ka you always with your friend."

"Alam mo drinking alcohol is my comfort zone."

"Comfort zone? Bakit naman?
Napalingon ako sa kanya sa pagiging matanungin niya.

"Anong bakit naman? Alam kong alam mo kung gaano kahirap maging anak ng isang business man."

"But it doesn't mean na mag iinom ka na gabi gabi, Look at me."
Maawtoridad niyang sabi.  Ano ito kahit saan ako mapadpad pinangangaralan ako ng mga nakakasama ko.

Ganun na ba talaga kasama yung tingin nila sakin porke nag iinom ako sa bar. Hindi nila alam kung anong gusto kong makalimutan kapag nag iinom ako.

"Mag kaiba tayo Sir, Iba ang pakiramdam ng nakakasama palagi ang pamilya unlike my dad. Maswerte kung magkita kami ng tatlong beses sa loob ng isang buwan."

"He's doing that for your future."
Puro na lang future, Hindi ko naman kailangan ng future na gusto nila. Kaya ko ayusin ang future ko ng mag isa, Kailangan ko sila. Hindi ng kahit anong yaman, Pero dahil alam ko namang hindi ako maiintindihan ni Ford eh hindi ko yan sinabi sa kanya.

"Ano namang konek ng pag iinom ko sa bar gabi gabi at sa future ko?"
Iniba ko na ang usapan, Baka kasi ano pang matanong nito malaman pa niyang ayoko talagang magtrabaho sa company nila.

"Kasi ang gusto mo party dito, party anywhere! Bakit ka ba nagbabar talaga? Para maghanap ng mga lalaki!?"

Nainis ako bigla bukod sa sinabi niyang para makahanap ng lalaki eh ayoko talagang pinangangaralan ako. Sinalinan ko ulit ng cuervo yung shot glass ko at uminom. Mukhang kailangan ko malasing para hindi pumasok sa utak ko yung mga sinasabi ni Ford. Nakita ko rin siya alam kong lasing na siya dahil hindi naman niya ko kinakausap ng ganyang kaseryoso.

"Sir, Mukhang naparami na yata ang inom mo."

"At sa tingin mo ikaw hindi?
Naiirita niyang sagot pero hindi ko na lang pinansin yun dahil alam kong mas lasing siya.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon