Sunshine**
Ang sakit ng ulo ko, My god hindi ko alam kung anong nangyari kagabi pero alam kong nasa kwarto na naman ako ni Ford. Hindi ko naman first time dito dahil dito rin niya ko dinala yung one time na nalasing din ako.
Uuwi na sana ko pero mabilis niya kong nilapitan at inabutan ng gamot at tubig. This is sweet at hindi ko maiwasang hindi kiligin na naman.
"Sa susunod na magbabar ka magsama ka ng driver mo para may maghahatid sayo sa hotel ah!"
Halos maibuga ko naman yung iniinom ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi palagi na lang akong nagigising sa higaan niya kapag nalalasing ako.
"Bakit ba kasi dito mo ko dinadala? I bet may pagnanasa ka rin sakin."
Halos matawa naman ako sa pagpula ng tenga niya.
"Alangan hayaan kitang pagpyestahan ng mga lalaki dun sa bar?
"Bakit nga ba hindi mo na lang hayaan? Wait are you falling inlove with me?
Dinagdagan ko pa yung pang aasar ko hindi ko maiwasang hindi umasa sa sagot niya pero tinulak lang niya ko palabas ng kwarto niya.
"Umuwi ka na hinahanap ka na ni Tito Wilson." Sabi niya at sinara na yung pintuan ng kwarto niya.
Tignan mo yung lalaki na yun hindi man lang ako hinatid sa labas ng gate nila. Mamaya makita pa ko ng mommy niya dito ano pang isipin nakakahiya. Mabilis akong naglakad palabas ng gate nila at sumakay ng taxi pauwi.
I need to admit it, I'm falling to Ford at hindi ko alam ang gagawin ko para lang hindi niya yun mapansin. Dinadaan ko lang sa biro lahat pero umaasa ko sa bawat sinasagot niya.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng sermon ni dad.
"Kahapon ka pa nakabalik from Batanggas di ba? Bakit ngayon ka lang?
"I'm with Alyana last night."
Hindi ko naman pwedeng sabihin na kay Ford ako nag overnight kagabi.
"Alyana again? Drinking with other man?
Huwag naman sanang ngayon dad wala ako sa mood makipag away sayo.
"Tss! Here you go again dad, Nag iinom lang po ako with Alyana no other than that."
"Enough being with Alyana Or else-..
"Or else what? You're giving me punishment again? My god dad hindi pa nga ko tapos sa parusa mo."
Ang sama na talaga ng loob ko sa kanya. Si Alyana na nga lang nagpapasaya sakin tapos papalayuin niya ko. Mabuti sana kung nakukuha nilang kamustahin ako paminsan minsan at tanungin kung okay lang ba ako.
"Stop it!! Ayusin mo ang sarili mo at trabaho mo kung ayaw mong ipadala kita sa mommy mo!"
Nagulat ako ng awatin siya ni Ate. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanilang dalawa. Bigla na lang tumulo yung luha ko.
Alam kong sabik ako kay mommy pero hindi ko alam na kayang gawin sakin ni daddy yun. Sinubukan akong lapitan ni ate pero mabilis akong umakyat sa kwarto ko.
Natulog lang ako at hindi na muna pumasok sa office. I feel so empty sinasabayan pa ng nararamdaman ko kay Ford. Alam kong hindi ako pwedeng mafall sa kanya dahil hindi pwedeng ako lang ang nagmamahal.
I hate him for always calling me Trish hindi ko kilala kung sino yun pero malakas ang pakiramdam ko na ex girlfriend niya yun.
Nagulat naman ako ng tawagan ako ni Liam.
"Shine! Bakit hindi ka pumasok? Hinahanap ka ni Ford."
"Tell him that I need to rest."
"Rest? Ang aga mo kasi sa Coal kahapon, Sigurado ako may hang over ka!
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomansKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.
