54

34 0 0
                                    


Mabilis akong lumapit sa kanya. Tinignan kong maigi kung talagang gising na sya. Hinawakan ko yung kamay niya."

"Shine kung gising ka na, just press my hands please..
At halos mataranta ako ng maramdaman kong piniga niya yung kamay ko.
Gising na siya pero makikita mo pa rin sa kanya na nanghihina pa siya.

"For god sake Shine! Please don't do this again, promise to me."

"Do what? this?
Sabi niya at itinaas ang kamay niyang may bandage.

"Yes, kung ako ang dahilan kung bakit mo nagawa yan please huwag mo ng ulitin, Hindi ko alam Shine kung kakayanin ko kapag may nangyari sayong masama."

"Tss. Ofcourse not. The reason kung bakit ko ginawa to is not you. It's me because I feel lost, I feel empty."

"Kahit ano pang dahilan Shine, please don't do this again."
Hindi ko alam na nahalikan ko na pala siya sa noo.

Tatayo na sana ako para tawagan si ate pero pinigilan niya ko.
"Umalis ka na."
bulong niya.

Bigla akong napatingin sa kanya.
"Shine please, I just want to be here for you."

"I'm okay, So there's nothing to be worried."

"Hindi ako aalis, Hangga't wala si ate."

"You know what Ford, Thank you for taking care of me. Pero ayoko na sana na magtagal ka pa dito dahil alam kong may maghahanap na naman sayo."

"No, Don't mind her, Importante mabantayan kita."

"Just leave. Please."
Sabi niya at tumalikod na sakin.

Bakit ganun? Alam ko wala akong karapatan na masaktan sa ginagawa niya pero hindi ko kaya na lagi na lang siyang ganito, pakiramdam ko unti unting tinutusok yung puso ko.

Pero hindi ko siya pinakinggan, Lalo na ng marinig ko ang paghikbi niya.

"Shine? Umiiyak ka ba?
Natataranta kong tanong pero hindi niya ko pinapansin.

"Sige na, Kung ang gusto mo ay umalis na ko sige aalis na ko. Stop stressing yourself just because of me."

Inayos ko ang kumot niya, Kahit tignan ako ay hindi niya ginawa.

"Tatawagan ko lang si ate, Para may magbabantay sayo."
Palabas na sana ko ng kwarto niya ng maramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

"Aalis ka na?
Sabi niya habang hawak ang kamay ko.

"Talagang gusto mo na ko umalis no? Tss. Hihintayin ko lang si ate then aali-..

"8am is the visiting hours right? Hindi pa rin naman makakapasok yun."
Nagulat ako ng dahan dahan niya kong hinila at niyakap.

"What Shine? May nararamdaman ka ba?
bulong ko sa kanya.

"Wala, I'm just thankful that I'm alive and..

"And?

"I just want a hug from you..

"Are you okay? Akala ko ba ayaw mo na kong makita?

"Mmmmmm..
Thank you for not blinking your eyes just to watched that monitor..
Narinig ko ang konting pagtawa niya, Hihiwalay sana ko sa pagkakayakap niya pero pinigilan niya ulit ako.

"Pwede bang mamaya ka na umalis kapag nakatulog na ako. I just need this cuddle from you."

"Why? Did you missed me?
"Tss, How can you even say that? I'm sure your girlfriend is looking for you."
Hindi na ko sumagot pa alam kong dapat malaman niya na yung totoo but this is not the right time. Dahan dahan ko siyang inurong at nahiga ako sa tabi niya, Inilagay ko yung ulo niya sa braso ko then I hugged her.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon