39

33 2 0
                                    

Sunshine POV

"Then Let's break up Shine..
Parang bigla nawala yung lasing ko sa narinig ko kay Ford.

"Guys guys, You both are exhausted. Bukas na kayo mag usap. Sige na Ford ako ng bahala kay Shine."
Pag aawat ni Liam at hinila na ko pasakay sa kotse niya.

Hindi pa rin ako natigil sa paghikbi. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Ford.

"Shine, Stop it. Be matured enough please. Look at you alam mong maaga tayo bukas because of that damn Sunrise na yan pero heto ka umalis at uminom."

"Huwag munang dagdagan pa please..

"You know what, I think Ford is right. Much better kung magbibreak na lang kayo total sarili mo lang lagi pinakikinggan mo.

"Liam..
Naiyak ako lalo sa pinagsasabi niya.

Hindi niya ko pinansin. Umakyat ako sa unit namin, naligo at nag ayos ng sarili. Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Lumabas na naman ako ng kwarto ko, Naghanap ako ng kape sa kusina. Hindi na ko makakatulog kaya nagkape na lang ako.

Alam kong tulog na si liam kaya dahan dahan lang akong nagkikilos.

Nilibang ko ang sarili ko sa pagbabasa, Alam kong ilang oras na lang ay maguumpisa na ang photoshoot.

Nag order ako ng breakfast for Liam. Alam kong gutom siya pag gising niya and peace offering na rin.
Naisip ko na naman si Ford. At paulit ulit na naman na nageecho sakin yung Let's break up na sinabi niya.

Nagulat si Liam ng makita niya ko sa lamesa at nagkakape.

"Don't tell me hindi ka natulog Shine?
Tinignan niya ko, Hinawakan niya yung eyebag ko.

"Magpophotoshoot ka ng ganyan yang mata mo Shine?

"Ang aga Liam, Please. Kumain ka na alam kong gutom ka bago tayo magtrabaho.

"Okay, Pero okay ka lang ba? Pasensiya ka na pala sakin kaga-..

"It's okay, Naiintindihan ko. Sige na mag aayos na ko ng sarili ko.

Pumasok ako sa kwarto, Naligo at nag ayos. Parang hindi ako makapaniwala sa eyebag ko. Mabuti na lang at may concealer akong dala.

"Shine let's go hinihintay ka na nila.
Kinatok na ko ni Liam kaya lumabas na rin ako.

Tinignan lang ako ni Liam at tyaka naglakad na kami papunta sa set.

Pero napahinto ako ng makita ko si Ford na nakabihis rin at nakaupong naghihintay kung kanino man.

Tinignan ko siya pero dinaanan lang niya ko ng tingin at hindi ako pinansin.

Nagulat na lang ako ng tawagin na ko ng photographer kasabay ng pagtawag nila kay Ford.

"You both are the architect of this Grand Velas Resort right?
Tanong samin nung photographer.

"Yes."
Malamig na sagot ni Ford.

"So kayo ang model ng Gvr since malapit na ang launch niyo.

"We already know all about that, Can you please take us photo so we can proceed to another step."
Pagsusungit ni Ford. Tss! Ang init na naman ng ulo niya.

"Okay sir, Please compress and pretend that you're a real couple for this photo."
"The sun was about to rise so please, No take two or take three right."
Dugtong ng photographer.

Napatingin ako sa kanya. Bat ba naiilang ako sa kanya magkaaway lang kami pero boyfriend ko siya Tss!

Nagulat ako ng dahan dahan niya kong hinapit sa bewang at hinalikan sa labi na halos ikahina ng tuhod ko.
Hindi ko alam pero ramdam ko ang flash ng camera na kumukuha samin habang hinahalikan niya ko

"If you're not going to kiss me back, I'm going to bite your lips Shine."
Bulong niya sa pagitan ng halik niya.

Ewan ko pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na sinasagot ang halik niya, Sobrang namiss ko yun.

"Okay, That's enough. Let's take another spot guys.
Narinig kong sigaw ng photographer kaya mabilis ko siyang tinulak at tumalikod sa kanya.

Kita pa rin naman yung sunrise. So nag isang spot pa si Mike, photographer namin.

"I know that you and this girl are dating, Bakit may ilangan pa akong nararamdaman guys."
Sabi niya.

"LQ kasi yang dalawa na yan Mike. Ikaw na dumiskarte."
Narinig kong sigaw ni Liam.

Nagulat naman ako ng bigla akong ikalong ni Ford sa ibabaw ng couch habang nakaupo siya at niyakap ako.

Tatayo pa sana ko pero pinigilan niya ko.
"Kung gusto mong matapos na tong shoot, Just go with it."
Bulong na nanaman niya.

At tuwang tuwa naman kaming kinuhaan ni Mike. Halos ilang shot din yun na pabago bago ang post. Pagkatapos ng shoot eh iniwan na kmi ni Ford, Alam kong napansin ni Liam yun. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Liam.

"Not now Shine, Palamigin mo muna ang ulo nyan."

"Kung makahalik at makayakap akala mo isang taon kami hindi nagkita, Ngayon kailangan ko pa palamigin ulo niya?

"Tss! Kilala mo naman yan, Trabaho ay trabaho and no other than that."

"Work is work? No other than that? Kaya pala naging kami, Tss!

"Enough Shine. Ayan ka nanaman, Magpahinga ka muna at matulog at may sunset pa tayong aabangan mamaya."

"Para ka ng zombie dyan sa eyebag mo eh."
"At ikaw anong tawag mo sa eyebag mo? Pang Wrong turn na yang mukha na yan eh.
Sabi ko, natawa ko. Pero nagulat ako ng batukan niya ko at tyaka mabilis na umakyat sa unit namin.

Bago pa ko umakyat ay natanaw ko si Ford, May kausap sa cellphone at ang saya saya niyang nakikipagtawanan sa kausap niya.

Alam kong nakita niya kong nakatingin sa kanya kaya ibinaba niya ang cellphone niya. Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko, Pinapauwi niya ba ko samin para tuluyan kaming maghiwalay at magkabalikan sila ni Trish. Hays.

Pumasok na ko sa loob at dumiretso sa kwarto.
Nakatulog ako, Anong oras na rin ng gisingin ako ni Liam.

"Kain muna tayo with the team. Bago mag shoot Shine."

"No hindi na, Dito na lang ako kakain. Sige na bumaba ka na at sumabay sa kanila.

Nag order na lang ako ng pagkain ko at pinadeliver dito sa unit namin ni Liam.

"You're not going to eat with us?
Nagulat ako. Si Liam at pumasok sa unit namin dala dala yung inorder ko.

"No hindi na, Dito na lang siguro ko.
Hindi ko alam pero wala ako sa mood talaga.

"Okay. Here's your order.
Sabi niya at iniwan na sa table yung inorder ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ko ng sarili ko, Inakyat na ng team yung susuotin ko so nagready na ko. Since malapit naman na yung sunset.

Kung bakit ba naman kasi may paganito pa si Mrs. Mendoza.

"Shine bumaba ka na, Mag uumpisa na."
Tumawag si Liam. Mabilis naman na kong bumaba at nagpunta sa set.

Nakita ko na naman si Ford, Busy na naman sa kausap niya. Sumasakit na naman yung dibdib ko.

"Okay guys, Ready.
Sigaw ni Mike. Kaya lumapit na si Ford sakin.

Iniayos na naman kami ni Mike.
"Isa pang ayos ko ha, Kayo ng dalawa pagkukuhanin ko ng picture niyo.

"Pwede ba guys, Kung may problema kayo labas niyo na muna ngayon please. Para pareparehas na tayong makauwi."
Dugtong ni Mike.

Pinatalikod kami ni Mike, Yung kuha ng photo is nakatalikod kami tapos palubog na yung araw.

"I want the best shot for this scene. Do your best guys."

Nagulat ako ng ilagay ni Ford yung kamay niya sa bewang ko at isinandal sa balikat ko ang ulo niya habang nakatingin kami parehas sa sunset.
Gusto ko na sanang kiligin pero mabilis lang na kumirot yung puso ko ng magsalita siya.

"Let's break up Shine. I mean it."
Bulong niya habang kinukuhanan kami ng picture ni Mike sa likod.







Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon