"Congrats iha for the first project na natapos mo."
Si dad at proud na proud na paikot ikot sa launch ng Gvr.Tss, Almost a month na rin simula ng umalis si Ford ni ha ni ho wala akong narinig sa kanya. Siguro nga talagang ako lang ang nag iimagine na mahal niya pa ko. Kahit congrats man lang sana para sa project na pinaghirapan naming dalawa. Hays!
"Dad, First and last maybe."
Sagot ko, Gusto ko sanang magpahinga hindi na rin naman biro ang binuhos ko sa Gvr at magsisinungaling ako kapag sinabi kong okay na ko about sa nangyari samin ni Ford."Ofcourse that's the last project Shine."
Sagot ni dad na kinagulat ko."Really dad?
Napayakap ako sa kanya."Yes, Last project with this company."
Bigla akong napatingin kay dad."Dad..
Tinignan ako ni Liam. Alam niyang nagtataka ako sa sinasabi ni daddy."Because starting tomorrow you will be working in our company."
Napatingin ako sa kanya, Hindi ko alam kung matutuwa ako sa balita niya o hindi."Pero dad..
"It's final Shine.
Sagot ni daddy at naglakad na sa table nila Mrs. Mendoza."So you're leaving us."
"Ofcourse not, Sino ba may sabing payag ako sa gusto ni da-.."Bakit may magagawa ka ba to stop him? Eh yung break up niyo nga ni Ford wala kang nagawa ayan pa kaya."
"Liam gusto mo masampal? Alam mo bang si Ford ang sumuko at hindi ako? So stop bringing that topic."
"Masaya na siguro siya with Trish kaya hayaan na natin"
Dugtong ko at uminom ng wine na nasa table namin."Tss! what a brave person here, Almost months pa lang iniiwan nakamove on na."
Pang aasar pa rin niya."Lasing ka na ba?
Nagulat siya ng suntukin ko siya sa balikat."I'm just telling the truth Shine, Maloloko mo silang lahat na okay ka pero ako hindi."
"At anong gusto mong gawin ko Liam? Umiyak dito? Instead of celebrating this achievement? Tumigil ka na!"
Hindi ko alam na napasigaw ako dahilan para pagtinginan kaming dalawa.Naglakad ako palabas ng event. Pakiramdam ko nanikip yung dibdib ko sa pinagsasabi ni Liam. Kahit ata anong gawin kong tago mararamdaman at mararamdaman pa rin nila na hanggang ngayon ay nasasaktan ako sa nangyari samin ni Ford.
Nagdrive ako pauwi sa bahay, Iniwan ko sila daddy at ate dun. Total sila lang naman ang masaya sa okasyong yun.
Kumuha ko ng isang bote ng wine at inakyat sa kwarto ko.
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin. Hindi ko alam kung sino pero sinagot ko agad yun.
"Congrats."
Pakiramdam ko mas nadagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko ng mabosesan ko kung sino yung tumawag.Pero hindi ako nagpadala sa emosyon ko, Binaba ko yung tawag niya. I can do more kahit wala siya at patutunayan ko yun sa sarili ko.
Sakto namang tinawagan ako ni Alyana at hinahanap ako dahil bigla na lang ako nawala sa event. Sinundo niya ko sa bahay at dumiretso kami sa coal.
Nakita ko na naman si Liam kasama si Faye kaya medyo uminit na naman yung ulo ko. Hindi na sana ko tutuloy pero hinila ko ni Alyana.
"Sabi ni Liam galit ka daw sa kanya."
Bulong ni Alyana habang papalapit kami sa table kung saan sila nakapwesto."Kung naririnig mo lang yung mga sinasabi nyan kanina, Manginginig din yang kalamnan mo."
"Tss! Kayong dalawa talaga talo niyo pa magjowa eh, Mabuti hindi talaga nagseselos si Faye sa inyo."
"Excuse me, Hindi ko naman aagawin yang lolo na yan."
Galit na galit kong bulong kay Yana. Halos matawa naman siya ng tawagin kong lolo si Liam."Oh there you are, The queen of walk out girl."
Pang aasar na naman ni Liam. Hindi ko siya tinignan humalik ako kay Faye at naupo sa tabi niya.Binigyan ako agad ng shot ng JD ni Alyana, alam na alam talaga niya kung paano ako malalasing.
Halos makalahati na namin yung bote ng JD at nahihilo na rin ako. Magsasayaw pa sana ko pero nagulat ako ng may humila sakin.
Si Drake at seryoso akong tinitignan.
Napatingin sila Alyana pero hinayaan lang nila ko hilahin ng mokong palabas ng coal."Ihahatid na kita, Lasing ka na."
"So may pumapalit na sa gawain ni Ford?
Sabi ko habang hila hila niya ko."Kahit naman sinong makakita sayo ng ganyan, Hihilahin ka talaga pauwi Shine.
"Tss! Kaya kong umuwi okay? Hangga't maaari ayoko ng may gumagawa sakin ng ganyan."
Hinatak ko yung kamay ko na hawak niya. Napatingin si Drake sakin."Yan ba talaga yung nararamdaman mo ngayon Shine? Ayaw mo o namimis mo lang yung taong gumagawa sayo nito?
"Drake, Tapos na si Liam sakin dyan huwag mo ng dagdagan pa."
"Sakay!"
Sabi niya at binuksan yung kotse niya."Hindi na Drake."
"Tss! Ang tigas ng ulo."
Si Drake at hinila ko pasakay sa sasakyan niya."Huwag na natin pilitin yung mga sarili natin sa mga bagay na imposibleng mangyari Drake."
"Ano bang sinasabi mo?
Tanong niya habang nagmamaneho."Yung ikaw, Sakin!!
Sabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang natawa."Alam mo Shine, Iba ka talaga! Ihahatid lang kita huy! Huwag kang feeling!"
"Hindi ako feeling. I'm just telling the truth."
"The truth is iniwan ka at ipinagpalit sa ex niya."
"Na ex mo din? Ganun?
Nagulat siya."Saan mo naman nalaman yan aber?
"Malakas ata source ko Drake."
Nginitian ko siya."Tss! Kung sino mang yan source mo, Pakisabi na ikwento niya ng buo."
"So talagang ex mo? Gawain mong saluhin yung mga naiiwan ni Ford ganun ba?
Napatigil ako. At ganun din siya. Hininto niya yung sasakyan niya. Ang sarap tahiin ng bunganga ko haish!""Saluhin? Excuse me.
"So anong tawag mo sa ginawa mo kay Ford?
"Kasalanan ko ba na mainlove sakin yung girlfriend niya."
Sabi niya."You know what Drake, Kung nainlove man sayo si Trish siya lang yun okay? Dahil hindi mangyayari ulit yan."
"Shine sige na bumaba ka na lang."
Seryoso na siya, Napasobra ata yung bunganga ko. Magpapaliwanag pa sana ko pero nagsalita ulit siya."You know what? Tama lang na iniwan ka ni Ford, Dahil parating sarili mo lang lagi iniisip mo at iniintindi mo!"
---
HI GUYS. AFTER NITONG CHAPTER NA TO, PAHANAP NLNG YUNG CHAPTER 44 NA NEXT CHAPTER , THEN BACK TO CHAPTER 44 PO. HINDI KO PO KASI MAADJUST PARA MAGING MAG KASUNOD SILA.PARA PO D KAYO MAGULUHAN IF EVER.
THANK YOU PO. 💕KLENG🤗

BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.