30

43 1 0
                                    

Sunshine**

"Shine, Hindi ka daw kay Alyana natulog?"
Nagulat ako ng pumasok si Liam.

"Kay Ford ako natulog."
"Ah kay Ford may tiwala ka sakin wala?
Ito na naman po kami tinalo na naman po namin ang magjowa.

"Iba si Ford iba ka, Ikaw may fiance ka si Ford boyfriend ko, Liam ano ba stop being like this, Mamaya naman sa bahay na ko uuwi eh."

"Okay ka naman ba dun?
"Oo naman, mabait naman yung parents niya. So wala kang dapat ipag-alala okay."
Niyakap ko si Liam para atleast ay mawala yung pag aalala niya sakin.

Naiistress ako, Malapit lapit na rin matapos yung Grand Velas kaya sobrang bigat na rin ng trabahong kailangang gawin bago ang launch nito.

Naisip ko na magkape muna sa cafeteria at bilhan na rin si Ford dahil alam kong parehas kaming nahihirapan ngayon sa project.

"Ma'am Shine."
Bati sakin ni Ana pagdating ko sa opisina ni Ford.
"Hello, Si Sir Ford?"
"Nasa loob ma'am, Tawagan ko pa po ba?
Halos harangan ako ni Ana habang nagsasalita hindi ko alam kung bakit.

"Magrelax ka nga, Siguro naman wala na yang lagnat ngayon kapag pumasok ako sa loob."
Pagbibiro ko kay Ana halata kasi sa kanya ang kaba.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto pero hindi ko tinuloy ng marinig kong may kausap si Ford.

"Nakaka istorbo yata ako."
Sabi nung kausap niya.

"What are you doing here? Nagtatrabaho ako don't you see!?

"Dumaan lang naman ako para magpasalamat."

"You don't need to do that. Kahit sino yun naman ang gagawin, Please get out."
Narinig kong sagot ni Ford. Kilala ko na kung sino yung kausap niya.

Babalik na lang sana ko ng marinig ko ulit nagsalita si Trish.

"Okay, I just want to say thank you for being with me last night, I feel safe because of you."

Biglang kumirot yung puso ko. Binigay ko na lang kay Ana yung dala dala kong kape at mabilis na nagpunta ng opisina ko.

He's lying to me because of that girl at ang sakit ng dibdib ko dahil dun. Ang sakit isiping iniwan niya ko para lang makasama yung ex girlfriend niya.

Nagulat naman ako ng bigla siyang dumating.

"Babe halika na kumain muna tayo, It's already twelve o'clock."
Aba ang loko nakuha pa kong puntahan at wala yatang balak sabihin sakin na dumating si Trish.

"Done talking to your ex girlfriend!?"
"Shine..
Halata sa kanya ang pagkagulat.

"What? I heard you talking to her inside your office."
Halos hindi siya makasagot sa sinasabi ko.

"Speechless? Happy? For being with her last night instead of being with me!?"
"Shine let me explain please."
Lumapit siya sakin at niyakap ako ng makita niyang may luha agad na tumulo sa mga mata ko. Napaka stupida ko talaga, over kung sabihin ng iba. Para yun lang tumutulo na agad yung luha ko. Tss!

"Explain what? Explain with your lies?
For lying to me because of her!? Well enjoy being with her forever!!"

Lumabas ako ng opisina ko at mabilis na tumakbo paakyat sa roofdeck para hindi niya makitang dito ako aakyat.

Dahil hindi pa ko pwede umuwi dito na lang muna ko nagpunta. Nirelax ko yung sarili ko dito at pilit na pinagaan yung nararamdaman ko.

After one hour bumalik na ko sa trabaho ko at tinapos yung mga kailangang kong gawin. Mabuti naman at wala na siya sa opisina ko pagbalik ko kanina.

Five'thirty na ng matapos ako sa ginagawa ko. Sakto namang tinawagan ako ni Alyana at inaya sa Coal kaya lumabas na ko at nagdrive na papunta dun, Mabuti na lang at nandito pa sa Artreum yung kotse ko. Alam kong hahanapin niya ko pero wala akong pakialam. Tutal naman mas gusto niyang kasama yung Trish niya.

"Long no time no see Shine, Iba talaga nagagawa kapag may boyfriend."
Pang aasar ni Alyana pagdating ko binigyan niya agad ako ng shot ng tequilla.

"It's not like that, Alam mo na busy ko sa Grand Velas ngayon."

"By the way bakit hindi ka umuwi sa bahay ko kagabi? Nakauwi ka na ba sa bahay niyo?"

"Hindi pa..
"Oh saan ka natulog?
Nagtataka niyang tanong.

"Kila Ford.
Halos sabunutan naman ako ni Alyana sa sobrang kilig niya.

"Tss! Tumigil ka nga!
"Di nga bes? Saan ka natulog?
"Edi sa kwarto niya.
Naiinis kong sagot. Wala na kasing ibang tinanong eh kundi ang tungkol sa pagtulog ko kila Ford.

Tumayo na ako para magsayaw pero sinundan pa rin ako ni Alyana.

"May nangyari na sa inyo?
Napahinto ako sa tanong niya. Nakakainis talaga itong babae na ito. Hindi talaga ko titigilan.

"Sinabi ko na sayo the last time na nagkwentuhan tayo!"
"Weh? Totoo pla yun?! Akala ko nagloloko ka lang napakaharot mo no?
Natatawa niyang sabi.

"Tell me masarap si Ford?
Nagulat siya ng batukan ko siya.
"He's not with me last night okay?
"Paanong he's not eh dun ka nga natul-..
"He's with Trish last night and I don't know what's the reason."
Mabilis akong hinila ni Alyana paupo at pinainom pa ulit ng tequilla.

"What? Nilalasing mo ba ako?
"No, I just want to know kung nagsisinungaling ka."

"Bakit naman ako magsisinungaling? May mapapala ba ko sayo?

"Ah ganun? Sige hubarin mo yang suot mo damit ko yan eh!"
Natawa ako. Oo nga pala damit niya nga pala ito.

"So anong nangyari?
"Uulitin ko pa Yana!?"
Naiirita kong sagot.

"Bakit nga kasama niya yung ex niya?
Pangungulit niya.

"Hindi ko nga alam!"
Ininom ko ulit yung shot halos makatatlong sunod ako ng lagok.

"Enough halika na ihahatid na kita, Hindi ka pwedeng malasing uuwi ka pa naman sa bahay niyo ngayon!"

"Hindi pa ko lasing okay? Inom pa tayo para man lang makalimutan kong nagsama sila ng ex niya ulit."

"Alam mo ikaw sasampalin na kita. Gusto mo na naman bang hindi makauwi sa inyo? O gusto mong kay Ford na naman umuwi kaya nagpapakalasing ka na naman?"
Hinila na ko ni Alyana palabas ng Coal.

"Sige na hindi ka pa lasing di ba? Magdrive ka pauwi. Sa bahay niyo ah? Hindi sa kanino mang bahay!!"
Sigaw ni Alyana at iniwan na ko sa tapat ng sasakyan ko.

Bubuksan ko pa lang sana yung pinto sa driver seat ng may umagaw ng susi ng kotse ko.

Sisigaw sana ko pero napatigil ako ng makita kong si Ford yun.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon