32

43 1 0
                                        


Halos masubsob na yung mukha ni Ford sa dibdib nung kausap niya. Kung makayuko naman si ate sa harapan ni Ford kulang na lang eh ipalamon niya yung suso niya. Nang gigigil ako, parang may pinapaliwanag siya kay Ford pero alam ko namang hindi lang pagpapaliwanag ang ginagawa niya.

"Shine bakit hindi mo ako tinawagan!? Sana nasundo kita."
Mabilis na tumayo si Ford at lumapit sakin.

"Kung tinawagan ba kita hindi ko ba maabutan yung haliparot na ito!? Na halos isubsob yung mukha mo sa dibdib niya!?"
Dumaan ako sa gitna nila.

"You can leave my office Clara." Narinig kong sabi ni Ford dun sa babae.

"Ah so Clara pala.. By the way I'm Sunshine Chaves girlfriend ni Mr. Ford Ramirez."
Inabot ko yung kamay ko sa kanya bago pa siya makalabas ng opisina ni Ford.

"Nice meeting you."
Mahinang sabi ni Clara.

"The next time na ididisplay mo yang boobs mo, Huwag sa harapan ng boyfriend ko ha!"

"She is Clara, daughter of Mrs. Mendoza."
Natahimik ako bigla.

"I don't care, Kahit anak pa siya ng presidente."
Pagsisinungaling ko. Pero sa loob loob ko kinakabahan na ako dahil anak pala siya ni Mrs. Mendoza.

"Shine enough, Sige na Clara lumabas ka na ibigay mo na lang kay Ana lahat ng details about that room."
Pagkalabas na pagkalabas nung babae eh humiwalay ako sa pagkakahawak ni Ford.

"Don't tell me pinuntahan mo ko dito para awayin lang Shine?"

"You look so defensive Ford, Aminin mo nag eenjoy ka sa view kanina!"

"Why should I? Nakita mo bang nakatingin ako dun?

"Hindi, Ewan ko lang nung hindi pa ako dumadating."

"You know what babe, Your just being jealous again. Kahit naman wala kong view na nakikita sayo hindi pa rin ako titingin sa ibang view okay!"

Halos mamutla ako sa sinabi ni Ford. What did he say? Wala siyang view na nakikita sakin? Bigla akong napahawak sa dibdib ko, Ngayon ko lang narealize na wala nga akong binatbat sa boobs nung Clara na yun. Tss!

Nagulat siya ng hampasin ko siya ng bag ko at mabilis na lumabas ng opisina niya.

Kung alam ko lang na ganun yung maabutan ko hindi na sana ko nagdrive papunta dito. Naisip ko na maglakad lakad muna alam ko namang hindi pa ko masusundan ni Ford dahil hindi pa siya tapos sa trabaho niya. Nagulat ako ng makasalubong ko si Drake.

"Hey!
Narinig kong bati niya sakin pero nilagpasan ko lang siya.

Nagulat ako ng mabilis siyang pumunta sa harapan ko.

"Nasa Batanggas ka lang hindi ka na namamansin."

"Hindi naman kasi hey ang pangalan ko!"
Nakita kong ngumisi siya.

"Now I know kung anong nagustuhan sayo ni Ford."

"What?
Bigla akong napahawak sa dibdib ko naisip ko na naman yung sinabi ni Ford kanina. Tss!

"So malapit na pala matapos itong Gvr?
"Ano ba sa tingin mo?"
Pagsusungit ko habang naglalakad lakad.

"Bakit ka ba andito? Naiirita kong tanong.
"Masama? Sabi niya.
"Sinabi ko ba? Tss!

Napahinto ako ng salubungin kami ni Ford.

"So hindi lang pala ako ang pinunta mo dito?
Tinignan niya si Drake.

"Opppss., I think I should go."
Mabilis na naglakad palayo si Drake sa amin.

Hindi ko pinansin si Ford at nagpatuloy lang sa paglalakad pero hinila ko ni Ford.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon