3

74 2 0
                                        


Mabilis kong inalis yung kamay ko at naglakad na pabalik sa kotse niya.

Inamoy ko agad yung kamay ko,  Wala namang amoy pasalamat ka gwapo ka at alam kong nadidistract ka sa ginagawa ko. Ibig sabihin lang ay effective ang plano ko para tanggalin niya na ko agad agad at palitan.

Sumakay na rin ako sa sasakyan niya. Seryoso siyang nagmamaneho pabalik sa Manila at busy naman ako sa pakikinig ng kanta. Alam kong malayo pa yung byahe kaya naidlip na muna ko.

Halos magdadalawang oras din kaming nagbyahe pauwi dahil sa traffic. Umakyat ako agad sa opisina ko at nagpahinga, Ang sakit ng katawan ko sa byahe kasalanan talaga ni Ate ito.

"Shine, Hindi ka pa uuwi?
"Mauna ka na, magpapahinga lang ako.
Lumapit si Liam sakin at hinila ko patayo.

"Halika na ihahatid na kita."
"Napapagod pa nga ko."
"Doon ka na sa bahay niyo magpahinga..

Kinuha ni Liam yung bag ko at hinila ko palabas ng Artreum. Pagdating na pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko.

Hindi ko alam pero sinundan pala ako ni Ate sa kwarto ko.

"Kamusta ang first day baby girl?
Tanong niya pero hindi ko siya pinansin nagtalukbong ako ng kumot at hinayaan siyang tinititigan ako.

"Matutuwa si daddy nyan, Alas nwebe pa lang ng gabi ay nasa kwarto ka na!"
Pang aasar ni Ate bago pa lumabas ng kwarto ko.

Yun ang akala mo, Nagpahinga lang ako saglit at lumabas na ulit ng bahay. Hinihintay ako nila Alyana ngayon dahil may night out kami. Mabilis akong nagdrive papunta kung nasaan sila Alyana.

"My god Shine, Akala ko hindi ka na dadating!"

"Ako pa ba mawawala dito? Sabi ko at ininom na yung shot ng JD sa harapan nila. Nagulat sila ng tatlong beses akong uminom ng shot.

"Uhaw na uhaw lang?"
Si Alyana at inabutan ako ulit ng shot. Nahihilo na ko pero gusto kong malasing para mawala yung pagod na nararamdaman ko pati na rin ang stressed na nararamdaman ko dahil sa first project ko.

Nagsayaw ako ng nagsayaw, hindi ako huminto hangga't hindi ako napapagod. Tuwang tuwa naman yung mga lalaking nagsasayaw at ginigitgit na ko kahit iniiwasan ko sila.

Nahihilo na ko at hindi ko na kaya pang kontrolin yung paglalakad ko. Nagulat ako ng may humila sakin at sinakay ako sa sasakyan niya.

"Ihahatid na kita, Saan ka ba nakatira?
Halos mapalunok naman ako ng makilala ko kung sino yung humila sakin.

"I need to go back inside hahanapin ako ni Alyan---..
"Hindi mo na nga kayang maglakad babalik ka pa sa loob, What's your address tell me."

"Just drop me in the hotel."

"Gusto mong dalhin kita sa hotel?!"
Narinig kong sabi niya pero nakatulog na pala ko.
Halos mataranta naman ako ng magising akong nasa gilid ko si Ford at nakatutok sa laptop niya.

"Gising ka na? Siguro naman kaya munang umuwi nyan!
Bungad niya pagbangon ko. Kahit na nahihilo pa ko ay kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng kwarto niya. Hindi kasi ako makapaniwalang nasa kwarto niya ko.

"Sa tingin mo ba may masasakyan ka pa ng ganitong oras? Hinatak niya yung kamay ko at hinila ko pabalik ng kwarto.

"Pinauuwi muna ko di ba? And I need to go home, May gagawin pa kong presentation---..

"Ginagawa ko na, Sa tingin mo ba sa itsurang mong yan matatapos mo ng maayos yun? Napahinto ako at nilapitan siya.

"Kapag natapos ko ng maayos yung presentation, Idadate muna ba ako?" Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya pero tinulak niya yung noo ko gamit yung kamay niya.

"Why should I do that?

"Because I like you."

Sige lang Sunshine, I push mo yang pang aakit mo.

"Ms. Chaves enough, Matulog ka na at ako na lang ang gagawa ng presentation mo.
Pero dahil matigas ang ulo ko lumabas ako ng kwarto niya. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng magulang niya. Ano na lang iisipin ng magulang niya, isang empleyado nila natutulog sa bahay nila. Jusko hindi ko kaya na maeskandalo. Baka mapatay ako ng tatay ko. Sinubukan niya kong habulin pero hindi na niya ko naabutan dahil mabilis akong nakasakay ng taxi paglabas ko sa bahay nila.

Teka bahay? Sa bahay nila ko dinala? Bakit at anong nangyari. Halos masapok ko naman yung ulo ko ng magflashback sakin yung pinag gagawa ko sa bar kagabi. At sa hotel pa ko nagpapadala ah. I can't imagined na magpapadala ako sa hotel. That damn Jack Daniels nawawala ako sa sarili everytime na mapaparami yung inom ko.

Walang kaalam alam si Ate Summer na nakalabas ako ng bahay at nagwalwal. Nagshower lang ako to make my self better at inumpisahan na yung presentation na kailangan ko ipasa kay Mr. Ramirez na ubod ng gwapo at sungit. Alam kong madaling araw na pero pilit ko pa ring tinapos yung presentation.

Mag uumaga na ng matapos ko yun. Natulog lang ako sandali at nag asikaso na ng sarili ko para sa pagpasok ko.

"Baby girl goodmorning breakfast ready."
Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Uminom ako ng malamig na tubig para mabawasan yung sakit. Hindi pwedeng mahalata ni Ate na umalis ako kagabi.

"Babaunin ko na lang ate. I need to go malalate na ko." Sabi ko habang inilalagay sa tupperware yung niluto niya.

Pagdating ko sa Artreum ay nasalubong ko si Liam.

"Goodluck with your presentation Shine." Tss! Aga aga napepressure ako kinakabahan tuloy ako. Dumiretso ko sa opisina ni Mr. Ramirez at pinanood sa kanya yung ginawa ko.

"Kaninong santo mo naman pinagawa ito!?"
Sabi niya habang pinapanood niya. Aba ang lokong ito ah, Ayaw pa maniwalang ako ang may gawa pinagpuyatan ko kaya yan.
"Malamang ako gumawa nyan, Sabi ko naman sayo magagawa ko."

"Manalangin ka na sana magustuhan ni Mrs. Mendoza yung ginawa mo. Dahil kung hindi---..

"Tatanggalin mo na ko?
"Nope..
"Kung hindi nga?
"Basta..
Sabi niya.
"Pero kapag nagustuhan? Idadate muna ko?
"Bakit ba gusto mong idate kita? Almost two days ka pa lang dito. Date agad hinahanap mo!"

"Eh basta din." Sabi ko.

Nagulat ako ng tumayo na siya at lumabas na ng opisina niya.

"Sunshine Chaves let's go."
Bigla akong kinabahan alam kong mas magiging masaya ko kapag hindi nagustuhan yun. Dahil mas magkakaroon siya ng dahilan para palitan ako or tanggalin.

Hindi niya na kami sinama sa loob. Siya na lang daw ang magpepresent at halos atakihin ako sa kaba habang nasa loob sila.

"Shine pwede ba magrelax ka lang."
Pag aawat ni Betty dahil pabalik balik akong naglalakad sa tapat ng pintuan.

"Kinakabahan kasi ko---..
"I'm hoping na hindi magustuhan, Para magka one point ka to leave this company."
Sabi ni Betty, Hindi ko alam kung matutuwa ko sa sinabi niyang sana hindi magustuhan pero tama siya. Kapag hindi nagustuhan one point to leave this company.

"Go Sunshine Chaves! Tiwala lang."

Natataranta naman kaming bumati kay Mrs. Mendoza ng lumabas na sila ng conference room.

Nakita kong tinignan ako ni Mr. Ramirez at ngumiti.
"Congrats Ms. Chaves, You made it."

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon