Naglalakad ako ngayon sa corridor ng College Building papuntang Class CE1. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong isang babae. Maganda siya at kung titingnan mo ay para siyang modelo.
Teka, bakit parang pamilyar ang mukha niya? Naalala ko na kung sino siya. Siya yung babaeng nakabangga ko sa Locker Room. "Miss!" tawag ko doon sa babae. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin. "Gusto ko lang ito ibalik. Nahulog mo kasi 'yan nung nagkabanggaan tayo sa Locker Room noong nakaraang linggo." Sabi ko at kinuha yung bracelet niya sa pocket ko.
Napatingin siya sa inabot kong bracelet. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya makita iyon. "Thank God! I thought I wouldn't find it anymore. Thank you very much." Sabi niya at kinuha yung bracelet sa kamay ko.
"You're welcome." Sabi ko at ngumiti.
Tiningnan niya ako ng maigi. "New student?" tanong niya sa akin.
"Ne." sabi ko habang tumatango
"Oh~ The name's Steffany Devilla." Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.
"Seo Nami." Sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
"So, I'll see you around. Thanks again for this. Annyeong!" pagpapaalam niya at naglakad na paalis.
Steffany Devilla. Narinig ko na ang pangalang iyon. Sikat kasi siyang modelo ng damit, cosmetics at iba pa. Hindi ko aakalaing ganoon siya kaganda sa personal. Nagsimula na ulit akong maglakad. Pagkadating ko sa classroom ay madami na rin pa lang tao ka dumiretso na ako sa upuan ko.
"Annyeong, Jaehwan!" bati ko sa katabi ko.
"Annyeong! Salamat talaga sa pagsama sa akin noong Sabado. Nag-enjoy ako." nakangiting sabi niya sa akin.
"Walang anuman. Nag-enjoy rin naman ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
***
Papunta kami ngayon ni Jaehwan sa Library. Napag-usapan kasi namin na kung wala kaming schedule o gagawin, pupunta kami sa library para magbasa o mag-aral. Nalaman ko kasing mahilig din siya magbasa ng libro.
"Nami!" may biglang tumawag sakin. Isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa likod ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung sino ito. "Nami!" masayang tawag niya sa akin habang papalapit sa amin.
"Sam Oppa!" hindi makapaniwalang sabi ko. Nasa harapan ko ngayon ang isa sa mga kaibigan namin ni Rara noong high school, si Samuel Longfield.
"Long time no see. Ang laki na ng pinagbago mo Mimi ah." Sabi niya ng makalapit sakin.
"Ikaw din Oppa, ang laki na nang pinagbago mo. Muntik na kitang hindi makilala." sabi ko sa kanya ginulo niya ang buhok ko.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?