Chapter 18 - Maybe

690 38 10
                                    


"Jaehwa---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla siyang magsalita.


"Shut up." Malamig na tugon niya. Hindi ko iyon inaasahan sa niya kaya napatahimik na lang din ako. "I-I mean...nevermind." Sabi niya at bumalik sa pagbabasa.


Wala akong ibang nagawa kundi umayos na lamang ng aking upo. Maya-maya ay dumating na ang prof namin kaya nagsimula na ang klase. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Jaehwan at mag-alala sa kanya. Alam kong may problema siya at ayaw niya lang sabihin.


Minsan lang umiyak ang mga lalaki at kung mangyari man ito ay sobrang nasasaktan siya. Hindi naman kasi masyadong nagpapakita ng kanilang emosyon ang mga lalaki, sa pagkakaalam ko.


Pagkatapos ng ilang oras ay tumunog na ang school bell para sa break time. Nag-aalangan akong yayain siya dahil sa nangyari kanina. "Umm...Jaehwan?" na-uutal na tawag ko sa kanya.


Humarap naman siya sa akin at ngumiti na parang wala lang nangyari. "Ne?" tanong niya.


"Okay lang ba sayo na sumabay sa amin ni Rara?" tanong ko sa kanya.


"Mullonijyo." Sagot niya naman. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi aayaw siya. Tumayo na kaming dalawa at dumiretso sa Cafeteria. "Pasensya na pala kanina. Epekto lang ng stress." paghingi niya ng paumanhin. {E/T: Of course.}


"Okay lang. Masama para sa kalusugan ang stress kaya minsan magpahinga ka rin at mag-chill." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon. 


Pagdating namin ay nakita ko agad si Rara na naghihintay habang ginagamit ang phone niya. Bumili muna kami ni Jaehwan ng pagkain bago namin siya nilapitan. "Annyeong, Rara!" Bati ko sa kanya kaya napa-angat siya ng kanyang ulo.


"An...nyeong..." mabagal na bati niya habang nakatingin sa amin. Nagtaka ako sa kanyang kakaibang kilos. Doon ko lang napagtanto na hindi pala siya nakatingin sa amin, kundi kay Jaehwan lang. "Kasama mo pala si Jaehwan. Upo kayo." Sabi niya. Umupo ako sa tabi ni Rara at si Jaehwan naman sa tapat namin. Nagsimula na kaming kumain. "Malabo na pala mata mo?" tanong ni Rara kay Jaehwan


"Ani." Sagot naman ni Jaehwan kaya napatango siya.


"So, pang-style mo lang? Ang gwapo mo tingnan." Sabi ni Rara kaya napatingin ako sa kanya. Hindi naman siya masyadong nagpapahalata. Napatawa naman ng marahan si Jaehwan sa narinig. "I-I mean....bagay sayo." Sabi ni Rara at yumuko sabay kagat ng pie na kinakain niya.


"Thanks. You're cute, Rara." Pagpuri ni Jaehwan sa kanya.


Napansin ko ang pamumula ni Rara kaya napangiti ako ng nakakaloko at nagsimula na ulit kumain. Nag-usap lang dalawa na parang hindi nila ako kasama pero hinayaan ko na lang para naman makilala nila ang isa't-isa.


***


"Bagay kayong dalawa." sabi ko sa kanya.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now