"Asan na yung tali?" Natatarantang tanong ni Samuel habang mahigpit na hinahawak ang kaliwang pulso ng dalaga na nagpupumiglas at sa kabila naman si Jaehwan.
"Ito na!" Sabi ni Rara at nagmamadaling itinali ang kamay ng kaibigan sa magkabilang bed frame ng canopy. Pagkatapos ay itinali din niya ang paa nito.
Hindi pa rin natitigil sa pagpupumiglas ang dalaga at pilit nitong tinatanggal ang kamay at paa niya kaya kulang na lang maputol na ang mga pulso at paa nito. "Ano bang nangyayari kay Nami?" Tanong ni Jaehwan habang tinitingnan ang kaibigan.
"She's possessed." Sagot ni Samuel at naglibot sa kwarto ni Nami. "Hindi natin siya pwedeng iwanan baka bigla siyang makatakas."
Hindi pa rin makapaniwala si Jaehwan dahil akala niya hindi totoo ang mga bagay na ito. Oo, naniniwala siya na nakakakita ng multo si Nami pero hindi niya inaasahan ang ganitong bagay na nakikita niya lamang sa mga nakakatakot na palabas.
"Natawagan mo na ba, Oppa?" Hindi mapakaling tanong ni Rara na nag-aalala sa kanyang matalik na kaibigan at pabalik-balik sa paglalakad.
"Tinawagan ko na bago ako pumunta rito. Papunta na iyon." Sagot naman nito.
"Sino?" Tanong ng walang kaalam-alam na si Jaehwan.
"Isang exorcist. Siya lang ang makakatulong kay Nami." Sabi ni Rara at naglakad palabas ng kwarto. "Samahan mo akong maghanap ng kandila, Jaehwan."
Nagsimula na silang naghanap si Rara at Jaehwan na pwedeng gamitin para magsilbing ilaw. Nagtaka ang binata dahil walang emergency light dito sa unit ni Nami. Nakakuha naman sila ng mga kandila at posporo kaya bumalik na sila kwarto ni Nami at sinindihan ang mga ito. Nagkaroon ng liwanag sa paligid, naglagay na din sila ng kandila sa labas para kahit papaano'y magkaroon din doon ng liwanag.
Nang matapos ay napansin ng dalawa na nakatingin ng seryoso si Samuel sa pader kaya lumapit sila para tingnan kung ano ito. Lumaki ang mga mata ni Jaehwan ng maalala ang nakaguhit sa pader. "Teka, 'yan yung ginuhit noon ni Nami." Napatingin sa kanya ang dalawa. "Noong unang beses na napansin kong may kakaiba sa ikinikilos niya, ginuhit niya 'yan sa isang papel kasama ang isang salita na hindi niya natapos isulat."
"Ano ang nakasulat?" Tanong ni Rara.
"구해주." Sagot niya kay Rara at tumingin kay Samuel. "Hyung, ano ba ibig sabihin ng simbolo na 'yan?"
"Pag-alay sa isang demonyo. Ginuhit niya na ito noon." Sagot nito at tumingin sa dalaga na ngayon ay huminahon na kahit papaano. "She isn't the one who's controlling her body."
Bigla namang tumawa ang dalaga, isang nakakapangilabot na tawa, at tumingin sa kanilang tatlo. "Wala na siya. Sa akin na ang katawang ito." Sabi nito at tumawang muli. Tumaas ang balahibo ni Rara at Jaehwan habang wala na lamang ang lahat kay Samuel.
"Tumahimik ka! Ibabalik ka namin kung saan ka nararapat! Ibalik mo si Mimi!" Sigaw sa kanya ni Rara.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?