"Nahanap mo na pala." Sabi ng binata sa babaeng papalapit sa kanya habang nakatingin sa pulso nito na suot na ang bracelet.
"Yup. The new student found this and gave it back to me. Her name was...Nami." Nagulat naman ang binata sa sinabi nito.
"You know her, Steffany?" tanong ng binata.
"Yes, why?" nakataas ang isang kilay ni Steffany habang tinanong niya iyon.
"Nothing." sagot ng binata kay Steffany at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang batak.
"You know what? I find her weird because she has long bangs that almost covering her face but I guess she's a kind person." sabi ni Steffany at umupo sa katabi ng binata. Napatango na lamang ang binata sa kanyang sinabi.
"Oh Steff! Andito ka pala?" sabi ng isang lalaki kaya napatingin sila pareho sa direksyon na pinaggalingan ng boses. Nakita nila ang mga kaibigan na papalapit sa kanila.
"You're asking the obvious, Dylan." sabi ni Steffany sabay irap sa nagsalita.
"Taray naman nito." Sabi ni Connor sabay upo sa bakanteng upuan.
Ganoon din ang ginawa ng iba. May napansin naman ang dalaga na ipinagtaka niya. "Where's Samuel?" tanong niya sa kanila.
"Hinahanap namin siya kanina pero hindi namin makita." Sabi ni Walter sabay taas ng dalawa niyang paa sa mesang nasa harapan niya.
"Baka kasama yung new student?" hindi siguradong sabi ni Hunter.
"Oh~ They know each other?" tanong naman ni Steffany.
"Ne. Sabi ni Samuel, naging kaibigan niya daw 'yon noong nag-aral siya sa Incheon." Sabi ng binata kaya tumango naman ang lahat.
"Hey, Skyler!" tawag ng dalaga sa isa niya pang katabi pero hindi ito sumagot dahil natutulog na ito. Napairap na lamang ulit ang dalaga.
Habang nag-uusap ang barkada ay iba naman ang tumatakbo sa isip ng binata. Iniisip niya ngayon ang tungkol sa kapatid niya na nakikita ni Nami at kung maniniwala na ba siya sa kanya o hindi.
Minsan ay naisip niyang baka nababaliw na siya dahil hindi niya naman kailangang seryosohin ang bagay na iyon. Malay ba niya kung pinaglalaruan lang siya ng dalaga pero pakiramdam niya kasi na may mawawala sa kanyang isang bagay kapag mali ang gagawin niyang desisyon.
Nami's POV
"Sinasabi ko na nga ba. Inaasahan ko na talagang mangyayari ito." napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Sam Oppa habang siya naman ay napapa-iling.
"Pero nangako na ako kay Eonni na tutulungan ko siya kaya gagawin ko ang lahat para matapos ang misyon ko sa loob ng isang linggo." Seryosong sabi ko.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?