Epilogue

431 26 4
                                    

"Najunge bwayo!" Paalam sa akin ni Rara sabay suot ng kanyang sling bag. {E/T: See you later!}


"Ne, annyeong!" Paalam ko pabalik sa kanya. Niyakap namin ang isa't isa bago kami maglakad sa magkaibang direksyon.


Sabay kami ngayong hapon pumunta sa SCU para may ayusin na konektado sa graduation namin na gaganapin na sa susunod na linggo. Magkasama sana kaming uuwi kaso may isa pa akong lakad kaya nauna na siyang umuwi sa kanyang unit.


Habang naglalakad papunta sa parking lot ng SCU ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid at alalahanin ang mga nangyari simula noong una akong tumapak sa lugar na ito. Ngayon magtatapos na ako sa kolehiyo at parang ayaw pa rin iproseso ng utak ko ito.


Parang kailan lang noong una kong nakilala si Jaehwan. Na-weird-uhan talaga ako sa kanya noon dahil bigla na lang siyang nakikipagkaibigan. Wala namang masama doon pero yung kilos niya noong una kaming nagkakilala ay hindi normal na pakikitungo sa kakikilala mo pa lang. Pero nasanay na ako kasi ganoon pala talaga siya sa lahat ng tao.


Noong araw na din na iyon ay nakita ko si Chungsoo na kapatid ni Jaehwan. Nakaka-miss din ang makulit na batang iyon. Pati si Elleine eonni na humingi sa akin ng tulong pagkauwi ko sa unit ko. Isang araw lang iyon lahat nangyari pero malaki ang ginampanan noon sa naging buhay ko dito sa Seoul hanggang sa nakilala ko na ang buong Fam at madami nang nangyari.


Ilang taon na din ang nakalipas noong umalis si Steffany papuntang Italy para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral doon. Noong araw pagkatapos ng naganap sa Airport ay napagalitan kami ng mga magulang ni Nathan at Eomma ni Steffany dahil hinayaan daw namin na umalis si Steffany at nagkaroon ng problema dahil doon.


Totoo naman na nakakahiya iyon sa mga bisita dahil pumunta pa sila sa party pero hindi naman pala matutuloy. Biruin mo mga bigatin at may mga pangalan sa business industry ang mga dumalo. Ewan pero parang wala lang sa Fam ang nangyari dahil tuwang-tuwa pa nga sila. Maliban na lamang nang kausapin kami ng mga magulang nina Steffany at Nathan dahil hindi talaga sila nakakibo noon. Masaya ako para sa dalawa dahil natanggap na ng kanilang mga magulang na ayaw nilang ikasal sa isa't-isa kahit matagal na panahon ang nakalipas bago mangyari iyon.


Noong nagkausap kami sa phone call ni Steffany matapos ang ilang buwan niyang pananatili sa Milan, natanong ko siya tungkol sa Appa niya dahil na-curious talaga ako at hindi ko siya nakikita. Nalaman ko na patay na pala ang Appa niya matagal na kaya mas naging strikto ang Eomma niya sa kanya.  


"Malalim ata ang iniisip mo." Nawala ako sa aking iniisip nang may marinig akong boses mula sa tabi ko. Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat at agad napatingin sa gilid ko.


Natawa naman siya sa naging reaksyon ko sabay lakad papunta sa kanyang kotse. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nakaabot na pala ako sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. Siniraduhan niya muna ito bago siya pumasok sa kabilang pinto ng kotse.


"Para kang tanga. Ngumingiti ka ng mag-isa." Sabi niya kaya nahampas ko siya sa braso niya. Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa kahihiyan. Ayaw ko na talagang mag-isip ng malalim sa pampublikong lugar.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now