Chapter 30 - School Festival

438 34 2
                                    

Ayon nga sa aking inaasahan, karamihan ng bibisita sa exhibit ay mga bata. Lahat kami ay na-stress sa kakulitan nila este mukhang ako lang dahil halos lahat ng kaklase ko ay mahilig sa bata at may mga kapatid na mas bata sa kanila. Napabili tuloy kami ng mga candy para tumigil sila sa kakagalaw ng gamit dahil baka may masira silang equipment.


"Noona, mwo hal geoyeyo?" tanong nung isang batang lalaki sa akin habang tinitingnan ang ginagawa ko. {E/T: What are you going to do, Noona?}


"Naneun yonggie gwasanhwasusoleul cheomgahal geosida." Sagot ko naman sa kanya habang  tinatansya kung gaano kadami nito ang ilalagay ko sa solution, {E/T: I'm going to add hydrogen peroxide to the container.}


"Gwasanhwasusoneun mueosinga?" tanong naman nung batang babae. {E/T: What is hydrogen peroxide?}


"Dangsineun geugeoseul sangcheoe sodogyageulo sayonghanda." Sagot ko sa kanya {E/T: You use it as disinfectant on your wounds.}


Sabay-sabay naman silang napa "Ooh~" ng malaman nila kung ano ang Hydrogen Peroxide. Napangiti ako sa ka-cute-an nila. "Geogie deohamyeon eotteohge doelkkayo?" tanong pa nung isa {E/T: What will happen if you add it to that?}


"Masuleul gidalida." Sabi ko at kinindatan siya. {E/T: Wait and see the magic.}


"Ppali, Noona!" sabi niya at ngumuso. Natawa naman ako bago dahan-dahang nilagay ang hydrogen peroxide sa solution. Pagkatapos ay nagkaroon ng isang malaking foam na nagpahanga sa mga bata at sabay-sabay silang pumalakpak.


Binigyan ako ng thumbs up ni Shinrae. Yumuko ako sa mga audience na bata tsaka bumaba sa maliit na stage na sa silid aralan namin para sa kaklase ko na magsasagawa ng ibang science tricks.


Lahat kami ay busy sa kanya-kanyang istasyon. May mga bumisita din na malalaki na sa exhibit namin. Nakita ko na busy sa pagi-introduce ng chem facts ang iba kong kaklase habang ang iba naman ay sa photobooth at games.


Napatingin sa akin si Jaehwan na busy sa page-endorse ng course namin. Nginitian ko siya at itinaas ng kaunti ang kamao ko bilang "Fighting!" sa kanya.


***


Naging masaya ang aming Chem Exhibit, nakakapagod pero kakayanin. Biyernes na ngayon at magkakaroon ng program para sa closing mamayang gabi sa campus kaya na-excite kami. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil ito na ang huling araw ng School Festival at balik na naman sa pag-aaral.


"Nami." Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Shinrae na nasa tabi ko na pala ngayon.


"Wae?" tanong ko sa kanya.


"Alam mo, lagi kang nandito sa loob ng exhibit. Lahat na ata kami nakalibot, ikaw na lang ang hindi." Aniya kaya natawa ako.


"Okay lang. Nage-enjoy naman ako dito sa loob eh." Sabi ko sa kanya.


Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now