Chapter 51 - Mission Accomplished

397 28 8
                                    

Unti-unti akong napadilat nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nang makita ko ang kanyang mukha ay mas lalo akong napaiyak ngunit hindi dahil sa takot. Bigla ko siyang niyakap. Natigilan siya sa ginawa ko pero ibinalik din naman niya ang yakap.


"Don't worry. You're safe now." Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ko. Kumalas ako sa yakap nang maramdaman kong okay na ako.


Inilahad niya ang kanyang kamay para tulungan akong makatayo kaya tinanggap ko naman. Napatingin ako sa paligid. Wala kami sa kaninang madilim sa silid at wala din kami sa kaninang closed hallway, andito pa rin kami sa parte ng paliparan kung saan wala nang gaanong tao.


"Kaja." Napatingin ako sa kanya at tumango.


Naglakad na kami papunta sa isang exit. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung na saan na ang corridor na kanina'y dinaanan ko. Pinaglalaruan na naman nila ako dahil bigla na lamang nawala iyon. Nang makarating kami sa labas ay lahat na sila naghihintay, maliban kay Hunter at Dylan na nasa loob pa rin ng Airport at kay Steffany na naka-alis na.


"Mimi, did you cry?" Bungad sa akin ni Rara at nag-aalalang lumapit sa akin. "May nangyari ba?"


"Oo nga, namumula ang mga mata at ilong mo." Sabi ni Connor na nag-aalala din ang ekspresiyon. "Pasensya na. Kung hindi lang tayo nagkahiwalay edi sana walang nangyari."


"I'm fine. 'Wag kayong mag-alala." Sabi ko at tumawa ng marahan. Tiningnan ko si Rara at binigyan ng senyales na sa susunod na lang ako magpapaliwanag. Napabuntong hininga naman siya at napatango na lamang.


"Sige na, umuwi na tayo. Bukas kakausapin natin ang magulang ni Nathan at Eomma ni Steff. Alam niyong galit ang mga 'yon. Sa ngayon, palamigin muna natin ang mga ulo nila." Sabi ni Sam Oppa kaya sumangayon naman kami.


"I'll take you somewhere." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Nathan na nasa tabi ko.


"H-huh...? Saan?" Nagtatakang tanong ko.


"Mimi, kaja." Sabi ni Rara at hihilain na sana ako nang biglang magsalita si Nathan.


"May pupuntahan lang kami sandali. Ihahatid ko na lang siya." Aniya.


Nagpabalik-balik muna ang tingin ni Rara sa aming pareho bago siya tumango habang nakangiti. "Psst! Ibalik mo 'yan ng buhay. Kung hindi..." Pagbabanta niya kay Nathan at tinuro ang mga mata niya at kay Nathan bago magpaalam sa amin at umalis kasama ang iba. "Kakausapin kita mamaya. Baka ikaw nagpaiyak diyan!" Pahabol niya kaya natawa naman itong katabi ko.


Kumaway ako sa kanilang lahat tsaka ibinalik ang tingin kay Nathan na ngayon ay naglalakad na papunta sa kanyang motor. Hinabol ko naman siya. "Saan ba tayo pupunta?"


"You'll know when we get there." Sabi niya at inabot sa akin ang isang helmet. Tumango na lamang ako at sinuot ito tsaka sumakay sa kanyang motor.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now