FAQs

360 24 4
                                    

Ito po ang kadalasang mga tanong ng mga tao o mambabasa ng istoryang ito, kasama ang aking sagot sa mga katanungan na iyon:


1) May part 2 pa po ba ang TETDM?

       Wala na po siyang part two. Ayon sa aking paniniwala, hindi na nito kailangan pang dugtungan. Imahinasyon mo ang limitasyon. Sa inyo na mismong mambabasa nakadepende kung ano sa tingin niyo ang maaaring mangyari sa hinaharap ng mga karakter.


2) Author, bakit nakakalito yung ibang parte?

      Pasensya na po sa mga nagbasa habang nasa ilalim pa ng pagrerebisa ang TETDM. Sinubukan ko pong tapusin ito sa loob ng maikling panahon para hindi na magkaroon ng kalituhan ngunit dahil madami akong ginagawa ay napatagal ang pagtapos ko ng TETDM. Speaking of, revise:


3) Bakit iba na ang mga karakter?

       May mga pangalan akong pinalitan pero walang naalis o nadagdag. Inayon ko kasi ang ibang mga pangalan sa setting ng kwento kaya napalitan ang ibang mga pangalan. Wala din naman masyadong nabago sa kwento. Inayos ko lamang at ginawang "straight to the point" kaya umikli.


4) Bakit yung ibang komento ay hindi tugma sa laman ng kabanata?

       Noong nagrerebisa ako, may mga kabanata na naisip kong maaari namang ipag-isa na lamang at mayroon din na parang hindi naman na kinakailangang isama kaya tinanggal ko na. Resulta para umikli ang kwento, nabawasan ang mga kabanata at ang mga komento ay hindi na tumugma sa kabanata kung saan ito dapat.


Iyon lamang po. Kung may mga tanong pa kayo tungkol sa TETDM, pwede niyo pong i-comment  o i-pm ako para masagot iyon. Maraming salamat!




Copyright © xLittleLadyBluex

08/05/2018

All Rights Reserved.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now