Chapter 32 - Best of Friends

492 31 4
                                    

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Elle Eonni kagabi. Alam kong kailangan kong mag-ingat, lahat naman ng tao eh. May mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan. Yung tipong akala mo okay lang ang lahat at wala ka dapat ipag-alala tapos biglang may mangyayaring masama. Pero ano ba ang ibig niyang sabihin?


Nagulat ako ng may bigla na lamang humigit sa aking braso mula sa likod kasabay ng tunog ng isang salaming nabasag. Napapikit ako dahil na rin sa gulat. Hindi ko maiwasang malito sa bilis ng pangyayari.


Dinilat kong muli ang aking mga mata at nakita ko si Nathan na nakatingin ng seryoso sa ibang direksyon habang mahigpit na hawak ang kaliwa kong braso. Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. 


Basag na ang isang salamin na nagsisilbing bintana hallway habang sa 'di kalayuan naman ay nakita ko ang isang baseball. Binitawan na niya ako at agad na lumapit sa bintana. Sumunod din ako para silipin ang nasa labas. 


Nakita namin ang tatlong estudyante na mas bata pa kaysa sa amin. Dahil sa suot nilang uniporme ay masasabi kong nasa high school pa lamang sila. Lumaki ang kanilang mata nang makita kami at agad na kumaripas ng takbo.


"They're faces. Those kids are dead." Muli akong napatingin kay Nathan na nakatingin parin sa tatlong estudyanteng halos madapa na sa bilis ng kanilang pagtakbo. 


"H-hindi naman siguro sinasadya nung mga bat---" sabi ko sa kanya.


"Tsk. Kailangan nilang pagbayaran ang bintanang nabasag nila." Sabi niya sa akin at nagsimula ng maglakad. Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa sinabi niya. More like, nadismaya dahil mas naalala niya yung bintana kaysa sa akin? 


"A-ah---salamat pala." Hindi ko alam kung bakit ako nautal. Nasapak ko na nga ang sarili ko sa aking isipan. Nabaliw na ata ako.


"You're very prone to accident. Kagagaling lang ng sugat mo sa ulo tapos ngayon muntik ka na namang maaksidente." Lumapit siya sa akin tsaka pinitik ang noo ko.


"Aray!" Daing ko sabay napapikit at hinaplos ang noo ko.


"Minsan kasi mag-iingat ka." Seryoso niyang sabi na para bang pinapangaralan niya ako. Naglakad na siyang muli paalis at naiwan ako sa hallway. Napatingin ako sa baseball na nasa sahig. Paano niya napansin yung baseball bago pa man ito makatama sa bintana? Sa pagkakaalam ko wala naman 'yon na lahing salamangkero.


Napakibit-balikat na lang ako at nagsimula ng maglakad. Mahirap na baka may makakita pa sa akin at isiping sangkot ako sa kung anong nangyari sa bintana kahit na wala akong kasalanan. Dumiretso ako sa library at hinanap si Rara. Nakita ko siya na busy sa pagbabasa ng libro kaya lumapit ako sa kanya.


Umupo ako sa katabi niyang upuan at nagsimula na rin magbasa ng dala kong libro. "Anong araw ba ngayon?" tanong niya sa akin.


"August 1. Wae?" sagot ko at napatingin sa kanya.


Tiniklop niya ang librong kanyang binabasa at tumingin sa akin. Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak na halos mapunit na ang kanyang pisngi. "Do you know what I'm thinking?" tanong niya sa akin habang binababa-taas ang dalawa niyang kilay.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now