"Kinakabahan ako!" sabi ni Rara na tumatalon-talon sa gilid ko at hindi na mapakali habang naglalakad papunta sa bulletin board kung na saan nakalagay ang resulta para sa mid-term exam.
"Tumigil ka nga diyan. Nag-aral ka naman ng mabuti kaya makakapasa ka. Isa pa, dati ka ng matalino." Sabi ko sa kanya habang napapa-iling. Mukha na kasi siyang baliw. Kanina pa 'yan eh.
Parehas lang naman kaming kinakabahan pero pinipilit ko ang sarili kong kumalma at mag-isip ng positibo. Pagkarating namin ay madami pang estudyante ang nagsisingitan para tingnan kung nakapasa ba sila o hindi.
"Sa kabila muna tayo tumingin, madami pang tao sa amin." Sabi ko sa kanya at hinila siya papunta sa isa pang bulletin board kung saan nakalagay ang resulta para sa course ni Rara. Dahan-dahan siyang lumapit sa bulletin board. Hinayaan ko muna na siya ang unang makakita ng kanyang resulta.
Nakita kong napalunok siya kaya tinapik ko ang kanyang balikat. Tumingin siya sa akin at binigyan ko siya ng ngiti sabay tango sa kanya. Hinanap niya ang kanyang pangalan. Inaasahan ko na mapapabuntong hininga siya at ngingiti sa akin ngunit nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ng mahanap na niya ang kanyang pangalan.
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. Napakunot ako ng noo at tumingin sa bulletin board para hanapin ang pangalan niya. Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya. Nakita kong nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata kaya niyakap ko siya.
"Okay lang 'yon. Bumawi ka na lang sa susunod na exam. Alam kong maipapasa mo na iyon." Sabi ko sa kanya habang hinahagod ag kanyang likod.
Narinig ko ang mahina niyang hikbi bago siya tumango. Humiwalay siya sa akin tsaka pinunasan ang kanyang mga luha. "Titingnan pa natin yung result mo. Balik na tayo sa kabila. Kaja?" sabi niya sa akin.
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik doon. May nakita akong isang pamilyar na tao na tumitingin din sa bulletin board. Tumingin siya sa direksyon namin. Sinalubong niya kami ng isang ngiti sa labi ngunit agad itong nawala nang napatingin siya kay Rara.
"Umiyak ka ba?" tanong niya habang nakakunot ang noo at sinusuri ang mukha ni Rara.
"Hindi ah." Sabi ni Rara at tumawa ng marahan.
Magsasalita pa sana si Jaehwan pero inunahan ko na siya. "Tears of joy ang tawag diyan." Sabi ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Jaehwan at tumango. "Chukhahaeyo." Nakangiting sabi ni Jaehwan kay Rara. Ngumiti naman ito sa kanya. Tumingin sa akin si Rara at pasimpleng nagsabi ng salamat kaya nginitian ko siya. "Guess what." Sabi ni Jaehwan.
Nagkatinginan kami ni Rara sa sinabi niya. "Huh?" sabay naming tanong. "Ah! Nakapasa ka?" tanong ko sa kanya.
Napatawa ng marahan si Jaehwan. "Ne, hajiman geugeosppunmani anibnida. Gyeolgwaleul boseyo. Oleunjjog wi koneo." Sabi niya sa akin. {E/T: Yes, but not only that. Look at the results. Upper-right corner.}
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?