Chapter 15 - Secrets

781 45 8
                                    

Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin ako sa nangyari kanina. Gusto ko talagang malaman kung sino ang kanyang kapatid. Nagmumukha man akong baliw, wala akong paki-alam. Kapag may gusto akong malaman, inaalam ko talaga.


Bae Chungsoo. Hindi pamilyar ang pangalan niya lalo na ang apelyido niya sa akin. Siguro ay galing lamang siya sa isang simpleng pamilya katulad ko. Hindi katulad nina Jaehwan na kilalang-kilala ang apelyido pagdating sa business o entertainment industry.


Nakatingin lamang ako ngayon sa labas ng bintana sa loob ng classroom. Tapos na rin naman ako sa pagsagot ng ibinigay na pagsasanay ng Prof namin at wala na akong maisip na pwedeng gawin.


Napansin kong may isang pigura na naglalakad malapit sa isang puno sa loob ng Campus. Napatingin ako doon at sinuri ito nang maigi kung sino iyon. Nakilala ko naman na si Nathan itong naglalakad dahil sa buhok at mukha.


Aalisin ko na sana ang aking tingin nang may makaagaw ng aking pansin. May sumusunod sa kanya. Hindi lang ito basta basta dahil hindi tumatapak sa lupa ang mga paa nito. Isa lang ang pumasok sa isipan ko, isa itong multo.


"Sigan da dwaesseoyo. Dangsinui seolyuleul apeulo naeseyo." Nagitla ako nang biglang magsalita ang Prof namin. {E/T: Times up. Pass your papers in front.}


Agad naman naming pinasa ang papel namin sa unahan. Ibinalik ko ang tingin ko sa puno kanina pero wala na si Nathan. Sino yung sumusunod sa kanya?


Matapos ang isang oras ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko papuntang Cafeteria dahil lunch break na. Hindi na kami nagsabay ni Jaehwan dahil kakain daw siya sa tambayan nila. Naglalakad ako ngayon papuntang Rooftop para doon na lamang kumain.


"Seo!" may narinig akong tumawag sa akin kaya napatingin ako sa aking likod. Nakita ko siya na tumatakbo sa hallway papalapit sa akin.


"Oh, Steffany eonni. Wae?" tanong ko sa kanya.


"I'm not wrong for trusting you. Thank you so much." Sabi niya at yumuko sa akin na siya namang ikinagulat ko.


"Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Ano bang nagawa ko?" nalilitong tanong ko sa kanya.


Inangat niya ang kanyang ulo at ngumiti sa akin. "Nathan's changing little by little. He starts to laugh and smile now like he used to. He told me that he already talked to his sister and it's because you." Sagot niya naman.


"Walang anuman. Hindi mo na kailangang magpasalamat pa sa akin." Sabi ko sabay yuko at ngumiti sa kanya.


"I like you, Nami." sabi niya kaya naguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin? "And because of that, I'm welcoming you to our family." Hindi ko pa rin siya maintindihan. Welcome sa family daw? 


"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.


"I want to be friends with you and I want you to be part of the Fam." Nakangiti niya namang sagot. Hindi ko pa rin maintindihan yung "Fam" na tinutukoy niya. "By the way, Nathan did something for you in return but he doesn't want you to know about it." Sabi niya at itinaas-baba ang kanyang mga kilay.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now