Maaga kaming na-dismiss ngayong umaga dahil may emergency meeting daw ang mga Professor namin mamayang hapon. Naisipan ko munang pumunta sa library dahil wala din naman akong gagawin sa unit ko. Si Rara naman ay mag-isang naglakad-lakad sa Lotte World at doon na lamang daw siya kakain ng pananghalian. Kumain na rin naman ako kaya hindi na ako sumama sa kanya.
Nasa harap ako ngayon ng mga bookshelves at naghahanap ng pwedeng basahin. Nang makahanap ay pumunta ako sa bakanteng upuan at doon nagsimulang magbasa. "Eommaleul Butaghae." Basa ko doon sa pamagat ng libro. {E/T: Please Look After Mom.}
Sinimulan ko na itong basahin. Patagal ng patagal na ako'y nagbabasa, mas nararamdaman ko ang emosyon ng kwento. Hindi ko inaasahan na maganda pala ang nobelang ito. "Noona." Napaangat ako ng aking ulo nang may tumawag sa akin.
Napatingin muna ako sa palagid. Nang masiguradong walang tao ay binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. "Chungsoo, museun munjelado issni?" pabulong na tanong ko sa kanya. {E/T: Chungsoo, is there a problem?}
"Aniyo, Noona. Pwede po ba tayo ulit maglaro doon sa park?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung madidismaya ba ako o matutuwa at papayag na lang sa kanya. Nakapalda ako, uy!
"Sige, pero tatapusin ko muna itong isang chapter ng binabasa ko." Sabi ko sa kanya.
Tinapos ko muna iyon tsaka ko ibinalik sa lalagyan nito ang libro at umalis kasama si Chungsoo. Buti at hindi gaanon kadami ang gamit sa loob ng bag ko dahil hindi ako makakapaglaro ng maayos. Hindi ko din naman kasi ito pwedeng iwanan lang kung saan sa parke.
Nakarating na kami sa park at naglaro, ayon nga sa sinabi niya kanina. Wala namang tao dito sa may playground part ng parke kaya nakipaglaro ako sa kanya. "Chungsoo, bagalan mo lang ang takbo mo at baka madapa ka." Sigaw ko sa kanya.
Napasapo ako ng aking ulo nang maalalang hindi na pala siya madadapa. Lumulutang na nga siya kaya paano pa ba siya madadapa?
"Nal jjochawa, Noona!" masiglang sigaw niya at mas lalong binilisan ang takbo. {E/T: Noona, chase me!}
Hinabol ko naman siya. Grabe ang bilis naman tumakbo ng batang ito. Bigla siya lumiko sa may slide kaya mabilis ko siyang sinundan papunta doon. "AAH!" sabay naming sigaw ng nakasalubong kong tao. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko kanina na halos malaglag ang puso ko dahil sa gulat. "Nakakagulat ka naman, Jaehwan." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw din naman." Sabi niya habang nakahawak sa kanyang ulo at natawa. "Bakit ka ba tumatakbo?" tanong niya sa akin.
"Ah...may hinahabol kasi akong bata." Sabi ko at nilibot ang paningin ko sa paligid para hanapin si Chungsoo.
"Bata? Wala naman akong nakasalubong na bata." Nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Multong bata." pagtatama ko sa sinabi ko kanina kaya napatango naman siya. Hindi ko na makita si Chungsoo. Asan na kaya ang batang iyon?
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?