Napahawak ako sa aking sintido nang bigla itong sumakit matapos kong magising. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang pamilyar na kisame. "Hindi mo naman mahal ang Infirmary." Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may magsalita. Nakita ko si Rara na nakaupo sa isang monoblock chair habang nakatingin sa akin.
Dahan-dahan akong naupo. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba naaalala? Nawalan ka ng malay sa loob ng CR. Nagtaka kami kasi ang tagal mong pumunta sa Cafeteria. Sabi ni Jaehwan, dumaan ka muna sa CR kaya pinuntahan kita." Napabuntong hininga siya tsaka binuksan ang bag ko. "Hindi ka pa kumakain ng lunch. Lampa---"
"Nakakapanibago." Walang emosyong sabi ko. Napatingin naman siya sa akin na tila ba nagtataka sa sinabi ko. "Hindi naman sila ganoon. Sa pagkakaalam ko."
"Multo sila, Mimi. Isa pa, sa'yo na nanggaling na mahirap silang pagkatiwalaan dahil hindi mo alam ang maaari nilang gawin." Sabi niya at iniabot sa akin ang lunch box ko.
"Alam ko pero hindi naman sila nananakit ng walang dahilan." Pangangatwiran ko habang nakatingin sa kanya. "Wala naman akong binulabog at hindi rin naman ako nagtawag." Dagdag ko pa. Kinakabahan ako, hindi naman siguro mangyayari ang nangyari dati, hindi ba?
"Calm down, Mimi." Sabi niya sabay hawak sa dalawang kamay ko. "Ganito. Sa unit ko muna ikaw tumira para may makasama ka at mabantayan kita."
"Rara, ayaw kong saktan ka nila." Giit ko pero ngumiti lamang siya sa akin.
"Alam kong hindi nila ako sasaktan. Andiyan lamang ang panginoon. Hindi niya tayo iiwan." Sagot niya tsaka kinuha ang bag niya.
"Kainin mo na 'yang lunch mo at huli na tayo sa first schedule nating dalawa. Mamaya din pala, dadaan muna tayo sa tambayan niyo. Nag-alala sila sa'yo kaya kailangan mong magpakita sa kanila." Sabi niya tsaka nag-retouch ng make-up niya. Napatango na lamang ako at nagsimula ng kumain. "Siya nga pala..." sabi niya tsaka itinigil ang ginagawa niya para tumingin sa akin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. "Nagdadasal ka pa ba?"
Natigilan ako sa tanong niya. Napayuko ako at sa halip na magsalita ay umiling na lamang ako bilang sagot. "Masama 'yan. Baka nangyayari 'yon kasi medyo napapalayo ka na sa Diyos. Hayaan mo, tutulungan kitang mapalapit muli sa kanya."
***
Pagkatapos ng huli kong schedule sa hapon ay dumiretso na ako, kasama si Rara, sa tambayan. Agad nila akong kinamusta at nagtanong ng maraming bagay. Nginitian ko na lamang sila at sinabing ayos lang ako para hindi na sila mag-alala o mag-isip pa.
Bukod sa kinamusta ay nasermonan ako ni Samuel Oppa at ni Jaehwan, kesyo baka hindi na daw ako natutulog ng maayos at iba pang bagay na tipikal mong maririnig kapag biglaan kang nawalan ng malay. Bago kami bumalik ni Rara sa GHC ay dumaan muna ako sa Office ng Dean na si Mrs. Kwon dahil pinatawag niya ako.
Kumatok ako sa pinto ng opisina niya at wala pang ilang Segundo ay may sumagot mula sa loob. "Deuleooseyo." Agad kong binuksan ang pinto at tumingin kay Rara. {E/T: Come in.}
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?