Hindi ako pumasok ngayong araw dahil susunduin ko sina Eomma at Appa sa istasyon. Aayusin na daw kasi nila ang mga papeles para makalipat na ako ng University. Pinilit ko sila na 'wag na itong ituloy pero hindi sila nakinig. Naiintindihan ko naman dahil ayaw nila akong mapahamak pero ayaw kong isuko ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral dito.
Isa pa, may parte saakin na gusto kong ituloy ang misyon na ibinigay sa akin ni Elleine Eonni. Hindi ko alam kung bakit.
"Mimi!" tawag sa akin ng isang babae. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko sina Eomma at Appa na papalapit sakin. Tumayo ako sa kinauupuan at lumapit sa kanila.
"Annyeong Eomma~ Annyeong Appa~" bati ko sa kanila sabay yakap Pagkatapos ay kinuha ko ang iba nilang dala-dala. "Kaja!" sabi ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng terminal
Sumakay kami ng taxi papuntang GHC. Tahimik lang din ang byahe namin dahil nakatulog sila. Mukhang napagod ata sa byahe. Nakarating kami sa GHC, ginising ko sina Eomma at dumiretso na kami sa unit ko.
"Dito po kayo. Naayos ko na iyong bakanteng kwarto kaya pwede na kayong magpahinga." Sabi ko sa kanila.
"Gamsahabnida, Mimi." Sabi ni Appa at pumasok na sila ni Eomma doon sa kwarto. Dumiretso muna ako sa balkonahe para magpahangin. Bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap ni Eonni.
***
"Na eotteokhe?" naiiyak na tanong ko kay Elle Eonni.
"Wae?" tanong niya sa akin.
"Sabi nila Appa na huwag ko na daw ituloy ang misyon at lilipat na ako ng university sa Incheon." Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nila. Napaupo ako sa kama na nasa likuran ko. Nabalot ng katahimikan ang paligid.
"Listen to them." sabi ni Eonni kaya napatingin ako sa kanya.
"Po?" 'di makapaniwalang sabi ko.
"Listen to them. Naiintindihan ko sila. Bilang mga magulang, ayaw nilang mapahamak ka. Ayaw ko din namang mangyari iyon sa iyo. Isa pa, hindi naman kita pinipilit kaya okay lang sa akin kung hindi mo na itutuloy." sabi niya at ngumiti.
"Pero...hindi pilit yung pagtulong ko sa'yo Eonni. Hindi na dahil sa may kapalit kundi dahil gusto ko kayong tulungang dalawa. Ayaw ko din namang isuko ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral sa SCU." Mahabang paliwanag ko at pinipigilan ang sarili na umiyak.
"Maaari mo namang ipaglaban 'yon Mimi pero kaya mo ba silang suwayin at hindi pakinggan?" natigilan ako sa sinabi ni Eonni. "Huwag mo masyadong isipin ang sinabi ko. It is still your decision." Sabi niya habang nakangiti.
"Eonni..." tawag ko sa kanya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?