Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitingnan kung maayos ba ang itsura ko. Simpleng jeans at sweater ang sinuot ko dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta ngayon. Nagulat ako nang biglang tumunog yung doorbell ng unit ko. Lumapit ako sa pinto at tiningnan sa monitor kung sino ang tao sa labas. Nakita ko naman na si Jaehwan ito kaya mabilis ko itong binuksan.
"Annyeong Nami." Nakangiti niyang bati sakin.
"Annyeong, paano mo naman nalaman na ito ang unit ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nagtanong ako sa Front Desk Agent. Katabi mo lang pala ang unit ni Hyung." sabi niya sabay turo doon sa unit ni Nathan.
"Ne, sandali lang ha at kukunin ko yung bag ko. Pasok ka muna." sabi ko at binuksan pa lalo ang pintuan para makapasok siya.
"Hindi na kailangan. Maghihintay na lang ako dito sa labas." Sabi niya. Tumango naman ako at kinuha ko ang bag ko sa loob. Dumiretso agad ako sa labas at sinirahan ang unit ko. "May dala ka bang pamalit na damit?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Pool ba ang pupuntahan natin?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Hindi tayo pupunta sa pool." sabi niya na medyo natatawa.
"Edi para saan yung pamalit ng damit? Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Malalaman mo na lang kapag andun na tayo." sabi niya at nagsimula nang maglakad
Gusto ko sana siyang kulitin pero hindi ko na lang ginawa at sumunod na sa kanya maglakad. Bumaba kami papuntang parking area at sumakay sa kotse niya. "Hindi mo ba talaga sasabihin sakin kung saan tayo pupunta?" hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pangungulit sa kanya. Kailangan ko ng sagot.
"Wag kang mag-alala, wala naman mangyayaring masama. Isa pa alam kong magugustuhan mo doon." Sabi niya habang nakatuon ang pansin sa daan dahil nagmamaneho siya.
"Paano ka naman nakakasiguro?" tanong ko sa kanya pero tanging kibit balikat lamang ang sinagot niya. Napailing na lamang ako sa kanya.
Halos isang oras din ang nakalipas bago kami niya itinigil ang kanyang kotse sa isang parking area. Napatingin ako sa labas at napansin kong madami palang tao dito. "Na saan tayo?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya.
"Gwanghwamun Plaza." Sagot niya bago kami lumabas ng kotse.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?