Nami's POV
Kakatapos lang ng schedule ko ngayon at may bakanteng dalawang oras pa ako bago ang susunod kong klase. Napagpasiyahan ko na pumunta muna ng library para magbasa ng libro. Wala masyadong tao ngayon sa loob. Kumuha ako ng isang sikat na nobela na pinamagatang "The Book Thief". Nasimulan ko na itong basahin at masasabi kong maganda ito. Hindi ko lang natapos noon.
"Liesel returns the plate to the mayor's wife but doesn't go into the house. She watches Rosa pray for Hans, and she prays as well for everyone missing in the war. Death describes an aft---" naputol ang pagbabasa ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Noona." Napatigil ako sa pagbabasa. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si Chungsoo na nakatayo. Muntik na akong mahulog sa upuan ng makita siya.
"Ikaw talagang bata ka. Bakit ka ba nangugulat?" pabulong na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Maaga talaga akong mamamatay kung halos buong buhay ko ay lagi akong nagugulat dahil sa nilalang na hindi nakikita ng isang ordinaryong tao.
"Mianhe, Noona. May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya sakin.
"Wala naman. Nagbabasa lang ako ng libro dahil may dalawang oras akong walang schedule, wae?" sagot ko at nakita ko naman siyang ngumiti.
"Samahan mo na ako Noona sa park. Gusto ko maglaro." pakiusap niya sakin. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi sa sinabi niya. "Jebal Noona~" pagmamakaawa niya kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Sige na nga, pero hindi ako pwedeng magtagal doon ng mahigit sa dalawang oras." Sabi ko. Mas lalo siyang napangiti at tumango.
"Ne, Noona!" masaya niyang saad.
Tumayo na ako at ibinalik ang librong binabasa ko sa bookshelf. Lumabas kami ng library at dumiretso sa Gate 3. Hindi naman ako nahirapang makalabas kahit ganitong oras dahil college student na ako. Hindi pare-parehas ang schedule namin kaya naman pwede kaming lumabas ng campus kahit anong oras.
Naglakad kami, I mean ako lang pala kasi lumulutang siya, papunta sa isang park na hindi kalayuan sa SCU. Wala masyadong tao ngayon dito sa park dahil karamihan ng tao ay may trabaho o nasa paaralan. Napatingin ako sa katabi ko at laking gulat ko na lang nang wala ng Chungsoo sa tabi ko.
"Noona!" napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nakita ko si Chungsoo na nasa taas ng slide. "Slide tayo, Noona."
"Hindi ako pwede dahil nakapalda ako, isa pa hindi na ako bagay sa mga ganyan." Sabi ko sa kanya at napasimangot naman siya.
"Jebal~" pagmamakaawa niya na naman. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Umakyat ako sa slide at mas lalo kong napagtantong hindi na talaga para sakin ang mga ganitong laro dahil hirap na hirap na akong dito sa bahay-bahay. Ngumiti sakin si Carl at nauna nang nag-slide. "Wooh~ Ikaw naman, Noona." Pagkasabi niya nun ay napalunok ako.
Nakapalda ako kaya baka masilipan ako. Napatingin ako sa paligid kung may tao ba at nung makita kong wala naman ay nag-slide na rin ako. "Wooh~" grabe ang sarap pala sa feeling, nakaka-miss tuloy maging bata.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?