Chapter 43 - Dark Past

392 27 3
                                    

"Wala bang nakakita sayo?" tanong ni Rara kay Eunhee.


"Wala." Sagot nito sabay tawa. Nakaupo sila sa ilalim ng puno habang hinihintay ang isa pa nilang kaibigan na dumating. Uwian na kaya paunti-unti nang umaalis ang mga estudyante. 


Maya-maya ay dumating na si Nami habang ang ekspresyon ng mukha ay namomoblema. "Dala niyo ba yung bag ko?" Tanong nito sa mga kaibigan.


"Aniyo." Sabay na sagot ng dalawa habang umaaktong walang alam. Tinago kasi nila ito bilang ganti sa prank na ginawa ng dalaga noong isang araw.


"Alam niyo ba kung na saan? Hindi ko kasi makita." Natatarantang sabi ng dalaga.


"Hindi eh. Wala ba sa classroom?" tanong ni Eunhee pabalik habang pinipigilan ang sarili na tumawa.


"Wala naman doon eh." Napasabunot na lamang sa inis ang dalaga at naglakad pabalik sa school building para hanapin ang kanyang bag.


Nang mawala na sa paningin nila ang kaibigan ay natawa ang dalawa. "Kailan ba natin sasabihin sa kanya kung na saan?" Tanong ni Rara.


"Mamaya na. Hintayin muna natin siyang umiyak." Natatawang sagot ni Eunhee. Mahilig talaga ang magkakaibigan na gumawa ng kalokohan sa isa't isa. Nagkakatuwaan lang sila at kapag may nasasaktan o nasobrahan ay agad naman silang humihingi ng tawad.


Halos isang oras na rin ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Nami. Nagtaka naman ang dalawa pero nanatili pa rin sila sa kanilang pwesto habang kumakain ng kimbap. Naisip nila na baka gumagawa lang ito ng patibong bilang ganti sa ginawa nila.


"Oh, 'di pa ba kayo uuwi?" Napaangat ng tingin ang dalawa sa lalaking nagsalita.


"Aniyo, Oppa. Hinihintay pa kasi namin si Mimi." Sagot ni Rara at ngumiti.


Tumango naman si Samuel sa narinig. "Kayo ha? Baka gumawa na naman kayo ng prank. Maggagabi na kaya umuwi na kayo." Pangangaral ng binata sa kanila kaya tumango naman ang dalawa. "Sige, mauna na ako. Mag-iingat kayo."


"Ne, annyeong!" Sabay na paalam ng dalawa at kumaway kay Samuel na nakasakay sa bike at paalis na.


Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang kanilang kaibigan kaya napagpasyahan na nilang bumalik sa school building para hanapin ang kaibigan. Nagsisimula na din kasing dumilim. Naglakad sila papunta sa classroom nila at binuksan ang pinto. Natigilan si Eunhee nang hindi niya ito mabuksan.


Nagkatinginan ang dalawa nang mapagtanto ang isang bagay. "Si Mimi!" Agad silang tumakbo sa kung saan nila tinago ang bag nito, sa School Basement.


Madilim na ang daanan papunta sa lugar pero hindi nila iyon pinansin at patuloy lang sa pagtakbo. Nang makarating sila ay agad nilang binuksan ang pinto pero katulad ng kanilang classroom at iba pang silid ay naka-lock na rin ito.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now