Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ko. Nag-unat ako tsaka tiningnan ang orasan sa bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. "6:00 am?!" napabangon agad ako at tumakbo papuntang sala.
Nagtaka ako nang wala akong naabutang tao kaya dumiretso ako sa kusina at doon ko nakita sina Eomma at Appa na kumakain ng umagahan. "Eomma! Hindi mo man lang ako ginising. Kalahating oras na lang at aalis na tayo papuntang Incheon." natatarantang sabi ko. Baka maiwan kami ng tren.
"Mimi, huminahon ka lang." sabi ni Appa at uminom ng kape niya.
"Eh? Bakit hindi pa po kayo nag-aayos? Ayoko ko pong maka-miss ng lessons tapos kailangan ko pang mag-enroll sa pinapasukang unibersidad ni Rara." Sabi ko sa kanila pero parang wala man lamang silang reaksyon.
"Mimi, wag mo nang isipin yan. Isa pa, bukas pa kami aalis ng Appa mo. Halika na dito at kumain ka na ng umagahan." Sabi ni Eomma na ipinagtaka ko.
"Huh?"
"Hindi ka naman na makakatulog kaya kain na dito. Alas otso pa naman ang pasok mo 'di ba?" sabi ni Eomma at ngumiti. Hindi ko sila maintindihan. Ano bang nangyayari? Na-realize siguro ni Appa na wala akong maintindihan sa nangyayari kaya napabuntong hininga siya.
"Mimi, napag-isipan namin ng Eomma mo na 'wag ka ng ipa-transfer sa Incheon. Sayang din kasi ng oportunidad kung lilipat ka pa ng unibersidad sa Incheon. Ayaw din naman naming sirain ang pangarap mo na makapagtapos sa kolehiyo." Pagpapaliwanag ni Appa.
"Tama si Appa. Kinausap na kami sa telepono ng Dean niyo kagabi. Maganda daw ang performance mo sa klase kaya ayaw ka sana nilang palipatin." Dugtong ni Eomma. Nanatiling nakaawang ang bibig ko habang pino-proseso pa ng utak ko ang lahat ng kanilang sinabi. "Wae, Mimi? Ayaw mo ba?" tanong ni Eomma.
Lumapit ako sa kanila at niyakap ng mahigpit tsaka hinalikan sa pisngi. "Eomma, appa jeongmal gamsahabnida!" Masayang sabi ko sa kanila. {E/T: Thank you very much, Mother and Father.}
"May sorpresa pala kami sa'yo." Nagtaka ako at napakalas ako ng yakap sa kanila dahil sa sinabi ni Appa.
Sakto namang may narinig kaming nag-doorbell mula sa labas ng unit. Lumapit si Eomma sa pinto para pagbuksan ito. Wala pang isang segundo ay nakarinig na ako ng isang sigaw. "Mimi!" napatakip ako ng tenga sa lakas ng kanyang boses.
Boses palang ay kilala ko na kung sino ito. Tumakbo ito palapit sabay yakap sa akin. Dahil sa hindi ko inaasahan ang mangyayari at mabigat siya ay pareho kaming nawalan ng balanse. Napangiwi ako ng maramdaman kong nakatama ang likod ko sa sahig.
"Jung Rara, ang bigat mo!" sigaw ko sa kanya dahil nadaganan niya ako habang siya ay nakayakap pa rin sa akin.
"Alam ko. Hindi mo na kailangang sabihin." Sabi niya at napanguso.
"Alam mo naman pala eh. Tumayo ka na at madudurog mo ako." Sabi kaya napatayo na siya at tinulungan akong makatayo.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?