Chapter 50 - Runaway

369 28 4
                                    

Masaya kaming lahat dahil karamihan sa amin ay nakapasa sa exam, ang iba naman ay kuntento na kahit pasang-awa. Wala na kaming pasok pero may iba pang estudyante na pumupunta pa sa SCU para ayusin ang kanilang requirements dahil hindi pa sila tapos sa kanilang clearance.


Kasama ko ngayon si Connor para dalhin sa paliparan ang mga bagahe ni Steffany. Ang plano kasi ni Steffany ay dapat makaalis siya dito sa Seoul bago magsimula ang party. Wala naman na daw kasing magagawa ang Eomma niya kapag umalis siya, ibig sabihin din nun ay hindi na matutuloy ang engagement nila ni Nathan.


Ito mismo ang araw ng engagement party kaya ito daw ang tamang oras para tumakas. Gusto din kasi ipagpatuloy ni Steffany ang kanyang pag-aaral sa Milan. Makikitira naman daw siya sa kaibigan niyang si Florence kaya walang dapat ipag-alala ang lahat.


"Sana hindi tayo mapahamak dito dahil kung hindi, pag-uuntog ko ang ulo nila." Reklamo ni Connor na siyang nagda-drive ng kotse dahil may lisensya na siya. "Biruin mo, pinabitbit talaga tayo ni Noona ng sandamakmak na bagahe niya."


Napa-iling na lamang ako habang natatawa. Kaming dalawa ay nakatalaga para dalhin ang gamit ni Steffany. Silang lahat ay nandoon mismo sa venue ng party para hindi mahalata ng iba ang gagawin namin. Kami lang ni Connor, Skyler, Dylan at Hunter ang wala sa venue. Si Skyler kasi ang magsusundo kay Steffany sa kanilang bahay papunta sa paliparan at si Dylan naman at Hunter ang taga-distract.


Nang makarating sa paliparan ay dumiretso kami sa loob para hintayin ang dalawa. Napapatingin din kami ni Connor sa paligid dahil baka may nakasunod sa amin o nakaalam ng plano. Malalaman naman talaga ng lahat ang pag-alis ni Steffany pero kailangan ay naka-alis na siya para wala ng makapigil.


Napatingin ako ng oras sa phone ko at nakita ko na may halos isang oras pa bago ang flight ni Steffany. "Masyado ba tayong maaga?" Tanong ko kay Connor.


"Hindi naman. Mas maganda na nauna na tayo." Sagot niya naman kaya napatango ako.


Naghintay pa kami ng ilang minuto pero hindi pa rin sila dumadating. Kinuha ni Connor ang phone niya tsaka may tinawagan. "Hyung, kamusta naman diyan?" Tanong niya sa kabilang linya.


"Ayos lang. Hinihintay na lang nila si Steffany na dumating bago magsimula ang party." Sagot ng sa tingin ko ay si Walter. Naka-loudspeaker kasi kaya naririnig ko.


"Asan na ba sina Noona? Halos kalahating oras na ata kami ni Nami dito pero wala pa rin sila. Baka ma-late siya sa flight niya." Aniya


"Hindi ko din alam. Tinawagan na ni Nathan si Steffany pero hindi daw sumasagot." Ibinaba na niya ang tawag bago napatingin si Connor sa akin. "Sinasabi ko na nga ba. Baka pumalpak tayo." Sabi niya at napahilot ng kanyang sintido.


"Teka, hindi naman siguro. Baka nagkaroon lang ng konting problema?" Ani ko. Napakamot na lamang ako ng ulo. Bigla akong kinutuban ng masama.


Sinubukan kong tawagan si Steffany. Mabuti naman at agad niyang sinagot. Hindi pa man ako nagsasalita ay narinig ko na ang kanyang boses sa kabilang linya. "Wait, Mom! My stomach hurts. Please give more minutes!"

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now