Naglalakad ako papunta sa unang klase ko ngayong araw nang biglang may tumawag sa apelyido ko. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Nakaramdam ako ng kaba ng makita kung sino ito.
"J-joheun nal, hagjang-nim." Bati ko sa Dean at yumuko.
Ngumiti naman siya sa akin ng matamis. "Are you going to your first class?" tanong niya sa akin.
"Ne, hagjang-nim." Sagot ko naman sa kanya kaya napatango naman siya
"So... what do you think about the request?" Inaasahan ko na ang kanyang itatanong pero nakaramdam pa rin ako ng kaba.
"S-sa katunayan po niyan, pinag-iisipan ko pa rin." Sagot ko naman at ngumiti. Bakit parang gusto niyang ipilit?
"Seuleohguna. Sueobe haenguneul bileo, Seo Nami." Paalam niya at naglakad na papalayo. Yumuko ako sa kanya at nagpasalamat. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa kanya. {E/T: I see. Good luck in your first class, Seo Nami.}
Naalala ko na naman tuloy ang request ni Mrs. Kwon tungkol sa bangs ko. Na kung maaari ko ba itong gupitin para mabawasan. Napahilamos na lamang ako ng mukha gamit ang kamay ko at nagsimula na muling maglakad papunta sa classroom.
Masaydo na bang big deal ang bangs ko? Madami na ba akong naaabala dahil sa ganito kahaba ang bangs ko? Aish.
Laking pasasalamat ko nang wala pa ang prof namin pagpasok ko sa classroom. Umupo ako sa upuan ko at inilagay ang mga kailangan kong gamit sa ibabaw ng lamesa. Ilang segundo pa ay dumating na ang Prof namin. Binati namin siya at ganoon din ang ginawa niya.
"Oneuleun kkamjjag siheomi isseul geoya. Junbi da dwaesseumyeon johgessda." Sabi ng Prof namin kaya halos ang buong klase ay gulat at may kanya-kanyang reklamo. Buti na lang at lagi akong handa sa mga ganito. May kalamangan talaga kapag mahilig kang magbasa o mag-advance reading kapag nasa kolehiyo ka na. {E/T: Today, we'll have a surprise test. Hope you're all prepared.}
May pinasa ang Prof namin na questionnaire kasama ang sagutang papel at nang makatanggap na ang lahat nito ay nagsimula na kaming sumagot.
***
Tumunog ang school bell kaya kanya-kanyang kuha ng mga baon nila ang mga kaklase ko at nagmamadaling tumakbo palabas ng classroom. Naiwan ako sa loob. Kinuha ko ang baon kong rice na may palaman na red bean paste, paborito ko at gawa ni Eomma.
"Annyeonghaseyo!" nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin na dalawang babae kong kaklase. Nakangiti sila pareho habang nakatingin sa akin.
"A-annyeonghaseyo..." bati ko naman sa kanila pabalik.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong sa akin ng dalawa.
Agad akong nakaramdam ng hiya at pati na rin saya dahil may lumapit at may gustong kumausap sa akin. "N-Nami. Seo Nami." Pabulong na sagot ko at yumuko.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?