"Oh, 'yan ang ireregalo mo?" tanong sa akin ni Rara nang makalapit ako sa kanya habang hawak ang napili kong iregalo. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot tsaka binayaran ito. Na-weirduhan sa akin si Rara pero hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ba? Hindi naman siya nga reregaluhan.
Pagkatapos namin bumili ay naglakad-lakad muna kaming mag-kaibigan bago bumalik sa unit niya. Nang makarating kami ay agad akong umupo sa sofa. "Nauuhaw na ako." Sabi ni Rara at agad na dumiretso sa kusina.
Kinuha ko ang binili ko kanina mula sa bulsa ko at tiningnan ito. Sana magustuhan niya dahil pinag-isipan ko talaga 'to at hindi ko talaga alam kung ano ireregalo sa kanya. Naisipan kong balutin na itong regalo ko. Pagkatayo ko ay agad akong napatingin sa isang salamin na nasa harap ko.
Napatitig ako sa sarili ko, nakita ko ang gunting na nakapatong sa isang cabinet tsaka ibinalik ang tingin sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko namamalayan ang oras, natulala ata ako.
"Nami?" narinig kong tawag sa akin ni Rara kaya napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, hawak niya pa rin ang isang baso ng tubig. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya tsaka tinaasan ako ng isang kilay. Nagtaka ako sa tanong niya ngunit naalala kong nakatitig pala ako sa salamin.
"Ah wala lang. Natulala lang ako sa sarili kong repleksyon." Sagot ko naman sa kanya ngunit napa-iling siya.
"Ang tinatanong ko, anong gagawin mo diyan? Bakit mo hawak 'yan?" pag-uulit niya ng tanong tsaka tinuro ang kamay ko. Napatingin ako sa hawak ko at laking gulat ko ng hawak ko na ang gunting na kanina ay nakapatong lang sa cabinet. Ngayon ko lang din napansin na nasa tapat na ako ng salamin na mas lalong ikinagulat ko.
Teka, paano ako nakapunta dito?
Agad kong ibinaba ang gunting at lumayo sa salamin. "W-wala. Sige, babalutin ko muna itong regalo ko." Sabi ko sa kanya at pumasok sa loob ng kwarto. Magtatanong pa sana si Rara ngunit nasiraduhan ko na ang pinto at tuluyan nang nakapasok.
***
Naging maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na nakakalimutang magdasal at hindi na rin ako masyadong ginugulo nila 'di tulad noong mga nakalipas na linggo. Kaya naman bumalik na ako sa unit ko. Kanina ko pa hinahanap si Nathan pero hindi ko siya makita, wala din kasi siya dito sa tambayan.
"Ano 'yan?" tanong ni Jaehwan habang sinisilip yung hawak ko na nasa likod ko.
"W-wala." Sabi ko at umiwas para hindi niya makita.
"Regalo mo ba? Patingin." tanong niya at sinusubukang agawin sa akin yung regalo ko para silipin ang laman.
"Jaehwan, it's her gift for Nathan. Not yours. You don't have the rights to know what's inside." Sabi ni Steff na ngayon ay nagbabasa ng isang magazine. Tumigil na si Jaehwan sa pangungulit at umupo sa bakanteng upuan habang nakanguso. Para siyang batang nagtatampo.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ÜbernatürlichesPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?