Chapter 26 - Ordinary Day

526 39 2
                                    


Sumama sa akin si Jaehwan sa loob ng GHC dahil kakamustahin niya daw si Rara. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Boto ako sa kanya para sa matalik kong kaibigan. Hindi na nila kailangang aminin dahil malakas ang kutob ko na magkakatuluyan din ang dalawang 'yon.


"Uliga wasseoyo!" bati ko nang makapasok na kami sa loob ng kanyang unit. {E/T: We're here!}


Wala namang paki si Rara kung labas pasok ako sa unit niya dahil may tiwala naman siya sa akin. Kaya nga alam ko passcode niya at alam niya din yung sa akin. "What do you mean by..." sabi niya habang naglalakad papunta sa amin galing kusina. Nabitin sa ere ang kanyang sasabihin nang makita kung sino ang kasama ko. "...we...?"


"Pasensya na kung hindi kita nasabihan agad. Sumama sa akin si Jaehwan para kamustahin ka." Paliwanag ko sa kanya.


Nakita ko naman siyang tumango pero bakas pa rin ang pagkagulat sa kanyang mukha. Ngumiti sa kanya ang katabi kong si Jaehwan. "Annyeong, Rara. Sorry kung hindi ako nagpasabi." Bati nito sa kanya.


Napalunok naman si Rara at alanganing tumawa. "Annyeong! Welcome to my unit. Okay lang." Sabi nito. Pinigilan kong matawa sa kanya. Naisip kong iwanan muna ang dalawa para makapag-usap sila kaya nag-isip ako ng maaaring gawin.


"Rara, kukuha ako ng pagkain ha? Nagugutom na kasi ako." Sabi ko sa kanya tsaka humarap kay Jaehwan. "Gusto mo ng makakain?"


"Aniyo. Hindi pa naman ako gutom. Salamat na lang." sagot niya sabay ngiti kaya napatango ako.


"Ako na lang ang kukuha tutal kayo ang mga bisi---" sabi niya akmangbabalik na papunta sa kusina pero pinigilan ko siya.


"Ako na." sabi ko sa kanya at inilapit ang mukha ko sa kanyang tenga. "Mag-usap na lang kayong dalawa ng bisita mo." Bulong ko sa kanya sabay kindat. Binigyan niya ako ng isang makabuluhang tingin na nakikiusap na 'wag ko siyang iwanan pero ngumiti lamang ako sa kanya at mahina siyang tinulak pabalik ng sala. 


Dumiretso na ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Kahit hindi sa akin sabihin ni Rara ay masasabi kong gusto niya si Jaehwan. Kilala ko 'yon, tingin niya pa lang sa isang tao ay alam ko na kung gusto niya ito o hindi. Isa pa, halata naman na sa kanyang mga ikinikilos.


Gumawa ako ng naeng coffee tsaka kumuha ng cookies at inilagay ito sa isang tray. Iyon lang naman ang ready to eat na pagkain dito. Mahilig si Rara sa cookies kaya masagana ang imbakan niya nito.


Bumalik na ako sa kanila at nakita kong nag-uusap at nagtatawanan ang dalawa kahit halata mong nagkakahiyaan sila sa isa't-isa. Lumapit ako sa kanila tsaka inilagay ang tray sa center table. Mukhang hindi nga ata nila napansin na nandito na ako. 


"Oh, Mimi." Sabi niya nang mapansin na niyang kasama na nila ako.


"Hindi niyo ata napansin na nasa harapan niyo na ako. Anong ganap?" sabi ko sa kanila habang napapa-iiling at tumatawa ng marahan.


Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now