Bigla siyang natigilan sa sinabi ko sa kanya. "Chungsoo? Yung multong bata na kaibigan mo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. "Edi malaking tulong 'yan para sa'yo dahil alam mo na kung sino ang kapatid niya." Sabi niya at sumubo ng kinakain niya.
"Hindi eh. Nakapagtataka nga dahil hindi ko nakita ko ang mukha ng kapatid niya." Sabi ko habang nakakunot ang noo. Hindi ko makilala ang mukha nung lalaki dahil malabo ang parteng iyon pero natatandaan ko kahit papaano ang boses nito.
"Huh? Wae?" sabi niya sabay cross arms.
"Hindi ko alam." Tipid na sagot ko sa kanya. Ilang minuto din kaming nabalot ng katahimikan ni Rara. "Pero may nakumpirma akong isang bagay." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Dito nag-aral ang kanyang kapatid. Hindi lang ako sigurado kung dito pa rin siya nag-aaral ngayon." dagdag ko.
Inalala ko ang nakita ko kanina. Bago mawala ang lahat sa paningin ko ay nakita ko sa phone ng isa sa mga kaibigan ng kapatid ni Chungsoo ang petsa ng araw na iyon. "September 5, ****. Ibig sabihin, nangyari iyon limang taon na ang nakakalipas at kapag namatay na ang isang tao, hindi na dumadagdag pa ang edad nito." Sabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" nagtatakang tanong ni Rara.
"Kung namatay si Chungsoo noong walong taong gulang pa lamang siya at kung halos limang taon ang agwat ng kanyang edad sa kapatid niya...isama mo na rin na limang taon na ang nakalipas ng mangyari iyon, ibig sabihin..." seryosong sabi ko habang napapa-isip.
Napatingin ako kay Rara, na nakakunot pa rin hanggang ngayon, nang may napagtanto ako. "Labing-tatlong taong gulang ang kanyang kapatid noong panahon na mamatay si Chungsoo. Ka-edad lang natin yung lalaki, Rara." Medyo pasigaw na sabi ko sa kanya. Hindi ako pwede magkamali sa naisip ko.
"Teka, paano mo naman nalaman ang mga bagay na 'yan?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Nakwento sa akin ni Chungsoo dati ang bagay na iyon. Maaaring nakakahalubilo lang natin ang kanyang kapatid pero 'di lang natin siya kilala. Pwede ring nasa ibang unibersidad na siya nag-aaral." Sabi ko sa kanya at napatango naman siya.
"Ibig sabihin, kung buhay pa si Chungsoo ngayon, malamang ay nasa ika-anim na baiting na siya. Maaari kang magtanong sa mga estudyante. Baka makakuha ka ng iba pang impormasyon." Sabi niya habang nakangiti habang itinataas-baba ang kanyang kilay.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.
"May kalahating oras pa bago magsimula ang klase." Sagot niya naman.
Nagkatanguan kaming dalawa at dali-daling lumabas sa Cafeteria. Hindi na namin naubos ang kinakain namin sa pagmamadali. Malaki kasi ang SCU at malayo pa ang Elementary sa College Department.
Nang makarating ay nagtanong-tanong kami ni Rara sa mga Grade 6 students kung may kakilala ba silang Bae Chungsoo. Ilang estudyante na ang natanong namin pero ni isa sa kanila ay hindi kilala o pamilyar kung sino si Chungsoo.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?