Chapter 1 - Beginning

2.6K 72 9
  • Dedicated to Gwyneth Santillan
                                    

Nami's POV


"Saan ko kaya ito ilalagay?" Tanong ko sa aking sarili habang pinag-iisipan kung saan ko isasabit ang hawak kong Dreamcatcher. 


Naisipan ko itong isabit sa kawit na nasa bintana na nasa kwarto ko. Biglang tumunog ang phone ko kaya muntik na akong mahulog sa upuan kung saan ako nakatuntong. Agad akong bumaba at kinuha ang phone kong nasa bedside table.


"Yeoboseyo?" Sabi ko at bumalik sa aking ginagawa. Kararating ko lang kanina sa aking bagong condo unit dito sa GHC at inaayos ko ngayon ang aking mga gamit. Makalat pa nga dahil kakasimula ko pa lamang. {E/T: Hello?}


[Mimi, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?] Hindi ko na kailangan pang tingnan ang caller I.D. dahil boses pa lang ay alam ko na kung sino ito. Napakamot ako ng ulo ko. Nakatulog ako kanina pagkarating ko dito dahil sa pagod. Hindi ko na tuloy namalayan na tumatawag pala siya.


"Mianhe, Eomma. Nakatulog po kasi ako. Kagigising ko lang." Sagot ko naman sa kanya. {E/T: I'm sorry, Mama.}


[Ah...akala ko kung napano ka na.] Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Ayaw ko naman siyang pagpa-alalahanin pero mukhang napagod ata ako sa byahe dahil malayo ang Incheon dito sa Seoul. [Kamusta? Anong ginagawa mo ngayon?]


"Wag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako. Inaayos ko pa lang mga gamit ko." Sagot ko naman sa kanya. "Eomma, paano po kayo nakabili ni Appa ng isang pang-mayamang condo unit? Grabe. Akala ko nga kanina na mali ako ng napuntahan."


Natawa naman si Eomma sa snabi ko. [Anak, hindi naman tayo ganoon kahirap katulad ng iniisip mo. Minamaliit mo talaga ang sarili mo.] Napanguso naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa ganoon. May sarili kaming negosyo sa Incheon pero hindi naman iyon ganoon kalaki. [Sinanay ka lang talaga namin ng Appa mo na mamuhay ng simple. Oh siya, kinamusta lang kita. Ibababa ko na dahil may inaasikaso pa ako. Mag-iingat ka diyan. 'Wag mong kalimutan mga bilin namin sa'yo.] Paalam ni Eomma.


"Ne, Eomma. Saranghaeyo~" Paalam ko sa kanya dahil alam kong madami din siyang ginagawa ngayon. {E/T: Yes, Mama. I love you~}


[Nado saranghae, Mimi.] Sabi niya bago ibinaba ang tawag. Pinatong ko ulit sa bedside table ang phone ko at sinubukang madaliin ang pag-aayos para matapos na ako. {E/T: I love you too, Mimi.}


Habang nag-aayos ay may naramdaman akong dumaan sa likod ko. Agad akong napatingin sa aking likod pero wala akong nakitang kahit na ano. Mag-isa lamang ako dito kaya maaaring guni-guni ko lamang ito o may nakikipaglaro na naman sa akin. Hinayaan ko na lamang ito at bumalik na sa aking ginagawa.


Napaupo ako sa aking kama nang matapos. Nakakapagod. Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagpasyahan kong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha ako ng baso at lumapit sa water dispenser. Bago ko pa man mainom ito ay biglang may nahulog na mga metal na bagay.


Napatingin ako sa direksyon kung saan iyon nanggaling. Nakita kong nakatumba na ang spoon & fork container at nagkalat na ang laman nito sa sahig. Lumapit ako doon at nilagay sa lababo ang mga nahulog na kutsara't tinidor para hugasan nang biglang mawalan ng kuryente.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now