Chapter 49 - If

354 27 3
                                    

Nakabalik na ang lahat sa Seoul ngunit hindi pa rin matapos-tapos ang tuksuhan nila. Pinayagan na kasi ng mga magulang ni Rara si Jaehwan na liwagan ang kanilang anak basta ba pag-aaral pa rin ang atupagin at alam nila kung ano ang limitasyon ng isa't isa.


Kahit na naaasar na ang dalawa ay hinahayaan na lamang nila ang mga kaibigan na tuksuhin sila. Mapapagod na lang din ito. Isa pa, alam din naman nila na natutuwa ang kanilang kaibigan para sa kanila lalo na si Nami na pasimuno sa pag-ship sa dalawa.


"Oh, anong ginagawa mo dito?" Nakakunot-noong tanong ni Rara nang makita ang binata na naghihintay sa labas ng classroom nila.


"Huwag mong sabihing nakalimutan mo? 'Di ba sabi ko ipapakilala kita ngayon kina Eomma at Appa?" Sagot naman nito tsaka lumapit sa dalaga at binitbit ang bag nito.


"I-is it necessary?" Tanong ni Rara.


Napatigil si Jaehwan sa paglakad at napatingin sa dalaga. "Geuge museun malijyo?" Tanong naman nito pabalik. {E/T: What do you mean?}


"Eh...nililigawan mo pa lang naman ako. Kadalasan kasi ay pinapakilala ng lalaki ang isang babae sa kanyang magulang kapag magkasintahan na sila." Sagot naman ng dalaga kaya napatawa ng marahan ang binata.


"Wala namang masama ah? Doon 'din naman tayo papunta."


Biglang uminit ang mukha ni Rara sabay hampas sa braso ng binata. Mas lalong natawa si Jaehwan sa reaksyon ng dalaga na ngayon ay nangangamatis na ang mukha. "Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mimi."


"Napaalam na kita. Iuwi lang daw kita ng buhay." Sabi ni Jaehwan at binigyan ng matamis na ngiti si Rara. "Kaja?"


Sa kabilang dako naman ay nasa loob pa rin ng classroom nila ang dalaga habang pinapasok ang mga gamit niya sa kanyang bag. "Naneun apseo gal geosida. Annyeong, Nami!" Paalam ni Shinrae sa kanya. {E/T: I'll go ahead. Goodbye, Nami!}


"Annyeong, Banjang-nim!" Nakangiting sabi ni Nami at kumaway kay Shinrae bago ito makaalis at maiwan siyang mag-isa sa loob. Lagi namang nagmamadaling umalis ang mga kaklase niya dahil na rin sa atat na silang makauwi. Gabi na kasi natatapos ang klase nila.


Nang matapos ay sinuot niya na sa kanyang likod ang kanyang bag. Pagkaharap niya sa unahan ay nakita niya na hindi pa nabubura ang mga nakasulat sa whiteboard kaya lumapit siya dito para burahin ito. "Ayan." Sabi niya nang matapos siya sa pagbura.


Ibabalik na sana niya ang pambura sa lalagyan nito nang makita niya na may naiwan pang nakasulat kaya binura niya din ito. Paglingon niya naman sa kaliwa niya ay may nakita na naman siyang sulat kaya napataas na ang kanyang kanang kilay.


Napagtanto niya na pinaglalaruan na naman siya ng kung sino mang multo ang kasama niya. "Huwag ngayon, pwede? Gusto ko nang umuwi." Walang ganang sabi niya.


Masaya siya dahil ipapakilala ni Jaehwan ang kanyang matalik na kaibigan sa mga magulang nito. At dahil isa siyang dakilang "shipper" ng dalawa ay malamang tuwang-tuwa siya kaya ayaw niyang mabadtrip o matakot ngayon.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now